chapter 35

14 0 0
                                    


Nathan POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko iniiwasan ako ni Allysa. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong iniiwasan. Diko nga rin alam eh kung kami pa ba? Isang linggo na rin niya akong hindi kinakausap o tawagan man lang sa phone. Nahihirapan na ako. Miss na miss ko na ang gf ko.

Si Alex na lang madalas ang nakakasama ko. Siya na lang parati ang nakakausap ko. Ilang beses ko nang sinubukang kausapin si Allysa pero lagi siyang nagmamadali. Tulad na lang ngayon, sa halip na pumasok sa school ng maaga. Palaging late. Minsan sinisiguradong nasa loob na ang professor namin bago pumasok sa loob kaya hindi ako magkaroon ng pagkakataon na kausapin siya. Hindi na rin ito umuupo sa tabi ko. Lumipat na ito sa ibang upuan na katabi ng ibang girls classmate namin.

Pagkatapos ng klase namin. Nakita ko siyang nagmadali lumabas ng classroom. Hahabulin ko na sana siya pero biglang nagdilim ang paningin ko nang makita kong agad siyang nilapitan ni Jake. Hinawakan niya ito sa kamay.

Kuyom ang mga kamao ko habang nakatingin sa likod ng mga ito. Nagseselos ako. Gusto kong hilahin ang kamay ni Allysa na ngayon ay hawak ni Jake. Gusto kong suntukin si Jake, gusto ko siyang saktan dahil sa paghawak niya sa kamay ng babaeng mahal ko.

"Tsk tsk! hmmm mukhang nagkakamabutihan na sila huh?"

Napalingon ako sa may ari ng boses, nakatayo sa tabi ko so Claris at nakangiting nakatingin din sa dalawang nakakalayo na.

"Tsk!" Sabi ko. Isa pa ito si Claris, nakakainis. Hindi ko na siya pinansin pa. Umalis na ako sa kinatatayuan ko at nagsisimula nang lumakad nang marinig ko ang boses ni Claris.

"Oh dont tell me na susundan mo sila?" Sabi nito at lumapit na rin sa akin. Tiningnan ko siya ng matalim.

"Wala akong balak silang sundan!" Matigas kong sabi. Nakita ko naman itong nguminiti na malapad.

"Good! Magkita tayo mamamaya sa bar alas singko. May importanteng bagay akong ibibigay sayo." Sabi nito.

"What do you mean?" Kunot noong tanong ko.

"Makipagkita ka sa akin sa bar and you will know what is it." Sabi nito at tumalikod na ito para umalis.

"Cowboy Grill tayo magkikita".sabi pa nito bago ako tuluyang iwan. Ano kaya ang sinasabi niyang importanteng bagay. Simula noong dumating si Alex hindi na ako gaanong ginugulo no Claris which is good. Umalis na rin ako at napagpasyahan kong makipagkita kay Claris mamamaya.




At COWBOY GRILL

Nakaupo ako ngayon at umiinom ng beer habang hinihintay si Claris. Nakatatlong bote na ako pero di pa rin ito dumarating. Umorder pa ulit ako ng maiinom, nakaubos na ako ng pangapat na bote bago pa ito dumating.

"Your so early!" Sarkastiko kong sabi.
Nginitian lamang niya ako.

"Para naman may thrill. Para hindi mo masyado maramdaman ang sakit sa mga makikita mo". Sabi nito.

"Bakit ba di mo pa ako diretsahin.!" Sabi ko dito.

"Easy lang. Darating tayo diyan. Sa ngayon uminom muna tayo". Sabi nito. Nakailang shots din siya at nakalimang bote naman ako. Medyo tinamaan na ako ng alak. Nakita kong may kinuha ito sa bag. Isang katamtamang laki ng envelope. Binigay niya ito sa akin. Nakatingin ako sa kaniya na nakakunoot ang noo.

"Bakit dimo tanggapin at nang makita mo kung ano ang laman". Sabi nito. Tinanggap ko naman ang envelope at medyo nanginginig pa ang mga kamay ko nang buksan ko ito.

Napakuyom ako ng kamo ko nang makita ko ang nasa loob ng envelope. Larawan ito ni Allysa at Jake. Yung isang larawan nasa mall sila at magkahawak kamay. Yung isang larawan  naman nakaupo si Allysa at nakaakbay sa kaniya si Jake at hinalikan siya sa pisngi.

Arrogant HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon