chapter 1

182 4 0
                                    


"Ano bang inaayawan mo sa akin Lysa?"tanong ni jake na manliligaw ni allysa. Matagal na itong nanliligaw sa kaniya. Ilang ulit na rin niya itong binasted pero paulit ulit pa rin itong nanliligaw sa kaniya. Patuloy pa rin siyang sinusuyo. Guwapo naman ito. May kaya sa buhay at higit sa lahat mabait. Kaklase niya ito since 1st year high school pa sila. Simula nang tumuntong sila 2nd year high school, doon na nagsimulang mangulit ito sa kaniya at hanggang ngayon dina siya tinitigilan. Minsan nga nakukulitan na siya dito ei. Akala nga niya titigil na ito sa panliligaw sa kaniya nung binasted niya ito. Pero nagkamali pala siya dahil sabi pa nito hindi daw ito titigil sa panunuyo sa kanya hanggang sa marinig daw nito ang matamis niyang oo." Ang corny diba?". Kaya ito na naman nasa harapan niya si jake ngaun kinukulit na naman siya. Nasa sala sila ng bahay nila at nakaupo sa magkaharap na single sofa na habang umiinom ng juice na tinimpla ng katulong nila. Madalas siyang dalawin ni jake sa bahay nila. Minsan nga pinagtataguan pa niya ito pero sadyang makulit lang talaga ang binata. "Jake ilang beses ko na bang sinabi sayo. Ayaw ko munang magka boyfriend. Gusto ko muna magfocus sa studies ko" sagot ko sa binata. "Handa naman akong hintayin ka eh. Promise di ako magiging sagabal sa studies mo". Sabi ni jake habang titig na titig ito sa kaniya. "Maraming ibang babae diyan jake hindi lang ako. Kung bibigyan mo lang ng chance ang sarili mo na maghanap at tumingin ng iba. Marerealize mong sinasayang mo lang ang oras mo sa akin. Im really sorry jake pero hanggang kaibigan lang talaga ang puwede kong ibigay sayo." Paliwanag ko sa kanya. Ininom ng binata ang juice at tumayo. "Magpapaalam na ako." Paalam nito. "Im really sorry jake". Tumingin lamang ito sa kaniya at umalis na. Hindi na nito nagawang magpaalam sa mama niya. Naaawa siya sa binata pero hanggang kaibigan lang talaga puwede niyan ibigay dito. Nakatanaw lamang siya sa binata habang pasakay na ito sa dala nitong sasakyan. Pumasok na siya sa loob ng bahay ng makita niyang nakasakay n ang binata.

Jake POV

Nakita kong pumasok na si allysa sa loob ng bahay nito. Naiinis at naiinip na siya sa panunuyo sa dalaga. Ginagawa na nga niya lahat para sa dalaga pero sadyang matigas talaga ang puso nito pagdating sa akin. Nanlilisik ang mga mata at tagis ang bagang habang nakatingin siya sa pintuan ng bahay nila allysa. Matagal na siyang nanliligaw sa dalaga. Mahigit tatlong taon na niya itong sinusuyo pero wala pa ring pagbabago, ganon pa rin ang sagot ng dalaga sa kaniya.,hanggang kaibigan lang daw ang puwede nitong ibigay sa kaniya. Aminado akong maraming nanliligaw sa kaniya pero ni isa sa mga iyon wala itong sinagot. At isa na ako sa mga iyon. Hindi ko matanggap na sa loob ng tatlong taon kung panunuyo dito di pa rin niya ako kayang mahalin. "Ano pa ba hinahanap nito eh halos nasa akin na ang lahat ng katangian ng lalaki na puwede niyang ipagmalaki. Guwapo naman ako habolin ng babae at higit sa lahat mayaman. Nagpapakipot lang ang Allysa na yun eh. Dapat pa nga maging proud siya dahil sa dinami dami ng babaeng naghahabol sa akin siya ang napili kong ligawan. Baka nakakalimutan ng pakipot na iyon na ako si Jake Madrigal. Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo. Kung hindi ko siya kayang kunin sa santong dasalan, gagamitan ko siya ng santong paspasan".bulong ko. Binalik ko na ang tingin ko sa daan at pinaharurot ang sasakyan paalis sa bahay ng mga Jimenez.

Arrogant HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon