chapter 31

23 0 0
                                    

Alexis Sandoval POV

"Wag, wag mong saktan si Ronald. Parang awa mo na". Nakikita ko ang babaeng umiiyak  na blurd ang mukha.

"Daddy! Daddy! Mommy!" Sigaw ng dalawang batang blurd din ang mga mukha.

"Dalhin na yan at isakay sa van". Sabi ng isa pang babae na blurd din ang mukha.

Umalis na ang van sakay ang isang lalaking Ronald ang pangalan. Kasama ang isang babaeng may blurd din na mukha.

Hinabol ng dalawang batang blurd ang mukha ang van kasama ang babaeng tumawag sa pangalang Ronald. Pero hindi nila ito naabutan. Naiwang umiiyak ang mga ito.

May isang batang naglalaro sa bakuran nila. Malungkot na naglalaro. Hinahanap nito ang ama. Miss na miss na kasi nito ang ama.

Bigla siyang napatingin sa labas. Umaambon at medyo madilim na sa labas. Lumabas ang bata. Umupo ito sa tabi ng kalsada. Nagbabakasakaling biglang bumalik ang namimiss na ama.

Pero mag iisang oras na siyang nakaupo sa labas pero walang amang dumating. Kaya napagpasyahan na lang niyang pumasok sa loob. Naririnig niya rin na may boses na nanggagaling sa loob ng bahay.

"Alice, nasaan ka? Allysa puntahan mo  ang kapatid mo sa kwarto niya." Yan ang boses na naririnig nung batang nasa loob. Pupunta na sana siya sa pinanggalingan ng boses ng biglang may huminto na van sa harapan niya. Napatingin siya sa van na may takot sa mukha. Bumaba ang tatlong lalaking nakaitim. Hinawakan siya ng lalaki sa bewang at sinakay sa van.

Nagpupumiglas ang bata pero wala pa ring nagawa ang maliit at mahina nitong katawan sa tigas ng kamay ng lalaking nakahawak sa kaniya. Narinig ng batang naguusap ang mga lalaki.

"Saan natin ito dadalhin?" Tanong ng isa.

"Dadalhin natin sa lumang bodega". Sagot nung isa.

"Oo, pagsawaan muna natin siya bago patayin." Sagot naman ng isa.

"Oo nga. Puwede na ito. Malaki na ang katawan nito kesa sa mga normal na batang katulad niya". Sabi nung una.

"Hahaha hahaha hahaha". Napuno ng tawanan ng mga ito ang loob ng sasakyan.

Dahil sa sobrang takot ng bata napasiksik siya sa pinto ng sasakyan. Lalo na nga hawakan ng lalaking nakaitim ang mukha nito.

"Ang ganda mo Ineng, hindi na ako makapaghintay na matikman ka". Sabi pa nito.

"Huwag po. Wag niyo po akong sasaktan". Sabi nung batang umiiyak habang iniiwas ang mukha sa lalaking nagnanasa sa kaniya. Mas lalo pa nitong isiniksik ang sarili sa pinto ng sasakyan nang bigla itong magunlock.

Hindi nagpahalata ang bata. Hindi siya napapansin ng mga kasamahan sa loob dahil nagtatawanan ang mga ito. Pinaguusapan ng mga ito ang mga balak nilang gawin sa kaniya.

Iisa lamang ang naisip ng bata sa mga oras na iyon. Ang makalayo sa mga lalaking ito. Patingin tingin siya sa labas. Iniisip niya kung paano siya makakaalis sa sasakyan kung ganito kabilis ang takbo ng sasakyan.

"Tatlumpong minuto na lang at makakarating na tayo sa lumang bodega". Sabi nung nagmamaneho. Nagtawanan naman ang mga ito.

Biglang nagpanic ang bata. Kaya nang mapadaan sila malapit sa imbakan ng mga basura. Pikit mata siyang tumalon.

"Ughhh". Daing ng bata.

"Shit! Natakasan tayo". Yan ang narinig nang batang sabi nung isa sa mga nakaitim.

Arrogant HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon