chapter 22

19 1 0
                                    


Joaquin POV

Nandito kami ngayon sa tagpuan ni Nate at ang gf nito. Niyayaya niya kaming pumunta dito para ipakilala siya sa amin. Dito rin sa loob ng campus ang tagpuan. Sa likod ng BUSINESS MANAGEMENT BUILDING
ito matatagpuan.

May isang malaking puno ng akasya na may marami at malalagong dahon na kung saan nagsisilbi itong lilim at panangga sa init ng araw.

Hapon naman ngayon kaya hindi masyado mainit ang araw. Malamig din ang hangin dahil sa ibat ibang halaman na nakatanim dito.

Ngayon lang din ako napadpad sa lugar na ito. Akalain mo ba naman na may maganda palang lugar sa campus na ito maliban sa cafeteria..

Ang sarap ng pagkakaupo ko sa malalaking ugat ng puno. Nakasandig ako sa malaling sa trunks nito. Tiningnan ko ang mga kasama ko.

Si Nate na nakahawak sa cellphone nito na nakakunoot ang noo at halatang naiinip na sa paghihintay ng nobya nito. Di ko siya masisisi dahil maski ako naiinip na rin. Magkakalahating oras na kaming naghihintay dito.

Si James naman natatakot akong baka maputulan ito ng ugat sa leeg dahil kanina pa lingon ng lingon na para bang may hinahanap.

Si Erik naman kanina pa walang kibo. Hindi ko tuloy alam ang gagamitin kong description sa kaniya. Basta ang alam ko mukhang malalim ang iniisip nito.

Boses ng isang babae ang nagpatigil sa akin sa pagbibigay sa inyo ng description sa mga kasama ko.

"Hi Nate, hi Joaquin, hi din sa inyo James at Erik".matinis na boses ni Claris.

Agad naman akong napatingin kay Claris at sa mga kasama niya. Medyo nadisappoint ako ng hindi makita ang hinahanap ko.

Tiningnan ko si Nate na wala man lang reaction sa pagdating ni Claris. Si Erik naman napatuwid ng upo dahil sa pagdating nila Claris. Hmmm i smell something fishy. Si James naman la pa ring pinagbago panay pa rin ang lingon.

Napatuwid ako ng upo ng bigla kong marinig ang boses na kanina ko pa hinahanap.

"Hi insan, pasensiya kana nalate ako. May dinaanan pa kasi ako." Sabi ng boses na mukhang kagagaling lang sa pagtakbo.

Napatingin ako sa mukha ng may ari ng boses. La pa rin siyang pinagbago. Ang ganda pa rin talaga niya lalo na kapag ngumingiti.

"Hi there James, and hello Erik". Bati nito sa kanila at ngumiti ng bongga.
Napatingin naman siya sa akin at inirapan ako.

Tae naman ohh. Wala na ngang "hi" at "hello" inirapan pa ako. Umupo ito sa kabilang side ni Nate.

Hmm this is it or never. Lumapit ako sa kaniya at hinila siya sa tabi ko. Piniksi niya ang kamay ko.

"Ano ba?! Bakit ka ba nanghihila?!" Singhal nito sa akin at pasalampak na umupo sa tabi ko.

"Ang daming bakante na puwedeng upuan. Doon kapa uupo sa kabilang side ng pinsan mo. Alam mo naman na nakalaan sa gf niya iyon". Sabi ko sa kaniya. Pero ang totoo non gusto kl lang talaga siyang makatabi.

"Pakialam mo ba?"sabi nito sa akin at dina ako pinansin.

Mamaya pa lamang medyo umusog ako sa kaniya at bumulong.

"Sorry naman."sabi ko. Di pa rin niya ako pinansin.

"Uy! Sorry na. Bati na tayo". Sabi ko at sinundot siya sa tagiliran.

"Joaquin ano ba?!" Saway nito sa akin at iniiwas ang tagiliran nito.

"Bati na tayo please, promise dina kita aasarin".sabi ko pa at nagpuppy eyes.

Arrogant HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon