chapter 8

41 1 0
                                    


The 2nd meet

"Nasaan na ba ang phone ko!"hanap ako ng hanap sa bag ko habang nglalakad ako sa loob ng robinson. Magkikita kasi kami ni ann. "Imposibleng naiwan ko yun, nagtext pa nga ako kay ann na on the way na ako eh".kausap ko sa sarili ko. Patuloy pa rin ako sa paglalakad ng di man lang ako nagabalang tumingin sa dinaanan ko nang biglang "boog"!! Nauntog ako sa isang matigas na bagay. Bigla akong napatingala sa nauntugan ko at nakita kong magkasalubong ang mga kilay nito. "Ikaw?!" Sabi ko dito habaang nakaarko ang kilay ko. Kapalaran ko na yata ang parating mauntog sa lalaking ito eh! All of the man itong si yabang pa ang parati kung nakakabangga! "Oo ako nga! Hindi ka rin tanga nowh?!"sarcastic nitong sabi. At mas lalo namang tumaas ang kilay ko..kasing taas na siguro ito ng Mt. Everest! Kaya sa halip na magsorry ako hindi ko ito ginawa. "Hoy! Yabang kung tatawagin mo akong tanga isali mo na rin pati sarili mo dahil isa ka ring tanga!!" Sabi ko dito na mas lalo lang nakadagdag sa inis nito. Lumapit ito sa akin. "Bakit ko naman idadamay sarili ko? Ikaw lang naman itong tanga na hindi tumitingin sa dinadaanan niya eh!" Sabi nito. At mas lalo akong nainis sa pagdidiin nito sa salitang tanga. I know its my fault but he dont have any right na pagsabihan akong tanga! Bwisit talagang kumag na ito! "Nakikita mo naman pala na di ako nakatingin sa dinadaanan ko. Bakit dika umiwas ng sa ganon di kita nabangga??!!" Naiinis kong tanong. "At ako pa pala ngayon ang may kasalanan?!" Tanong nito. Mas lalo pa itong lumapit sa akin. Naamoy ko na hininga nito. "Oo ikaw nga!" Taas noo ko pang sagot. "Alamo magsorry kana lang nang sa ganon matapos na ito".sabi nito na halata sa boses ang pagkainis sa kaniya. Kahit kasalanan ko pa di ako magsosorry dahil sinabihan niya akong tanga. "Magsorry ka muna sa akin dahil sa pagkasabi mo ng tanga sa akin".nakipagtitigan ako dito. "Look! Dalawang beses mo na akong binangga. Una sa school, ngayon naman sa mall. Tapos ngayon ako pa ang magsosorry sayo?! Okey ka rin nowh?!" Sarcastic nitong sabi sa akin. "Kung hindi ka talaga TANGA dapat tumitingin ka sa dinadaanan mo"!dugtong pa nito. Mas lalo akong nainis dahil pinagdidiinan nito ang salitang tanga. "Hoy! Mr yabang kung inaasahan mong magsosorry ako sayo. Hinding hindi ko gagawin iyon. Yung nangyari sa school buti nga sayo. Arogante ka kasi, feeling mo artista ka. Hmpf mayabang!"napipikon kong sabi dito. Halos umusok na ang bumbunan ko sa galit! Aalis na sana ako pero bigla nitong hinawakan ang braso ko. "Where do you think you're going??"tanong nito na makikita mong napipikon na rin. Piniksi ko kamay. "Bitiwan mo nga ako". Sabi ko dito. Pero di pa rin nito binibitawan kamay ko. Kahit galit ako at inis sa lalaking ito nakaramdam ako ng pagkaasiwa dahil sa pagkahawak nito sa akin. "Pano kong ayaw ko". Banta nito. "Sisigaw ako dito".panakot ko sa kaniya. "Sige sumigaw ka".sagot nito. Lumingon lingon ako sa paligid. Nahihiya naman akong gawin iyon. Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. Ngumisi ito sa akin. "Hindi mo kaya?"hamon nito sa akin. Napalunok ako dahil mas nilapit pa nito ang mukha nito sa,akin. "Ano magsosorry kana ba?" Tanong nito. "Pa...pano kung ayaw ko?"nauutal kong tanong. Ngumisi ito. "Kapag dika nagsorry hahalikan kita". Sabi nito habang nakatingin sa mga labi ko at napalunok ako dahil doon. Alam ko tinatakot lang ako nito kaya di ako magsosorry. "Bitiwan mo nga ako". Nagpupumiglas pa rin ako. "Ang tigas rin ng ulo mo nowh? Gusto mo talaga magpahalik!" Sabi nito. "Huhh!"gulat kong sabi at bigla na lang ako nitong hinila at hinalikan. Hinawakan nito ang batok ko at mas idiniin pa ang halik nito. Nagtagal din ang halik na iyon ng tatlong minuto. Pagkatapos pinakawalan ako nito at binitiwan ang kamay ko sa pagkakahawak. "Sarap pala ng mga labi mo"! Sabi nito bago ito tuluyang umalis nag iwan pa ito ng nakakalokong ngiti na parang bang sinasabing sa uulitin! Gulat na gulat ako sa nangyari dahil diko talaga inaasahan na totohanin nito ang sinasabi nito. Kaya di agad ako nakapalag. Napakurap ako at napatingin sa mga tao sa paligid ko. Nakakuha yata kami ng atensyon dahil sa nangyari. Kayanaman yumuko ako at mabilis na lumakad papunta sa SB dahil doon kami magkikita ni ann. Bwisit talaga ang lalaking iyon! Napakawalang hiya! Parang naramdaman ko pa rin ang halik niya! First kiss ko pa naman iyon. Ang mayabang na kumag na iyon ang naka 1st kiss sa akin! Grr malas talaga! Humanda siya sa akin kapag nagkita kami ulit! Bulong ko.

*******


A/n

Sorry ngayon lang ulit ako nakaupdate! Medyo busy kasi. Tsaka nagbabasa din kasi ako ng mga story na sinusulat ng mga favorite wattpad writters ko.☺☺

Pls. Vote and comment po! If my gusto kayong suggestion or opinion sa mga sinulat ko. Pakicomment po.

Thank you sa lahat ng bumasa ng mga sinulat ko😊😊.

Abangan ang mga kilig moments, bangayan at drama ng ating mga bida!



Arrogant HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon