chapter 27

11 0 0
                                    


Nathan POV

shit! Halos maibato ko na ang cellphone ko sa sobrang inis. Kanina ko pa hinihintay ang tawag ni Allysa. Nagaalala na ako. Kanina ko pa gustong malaman kung dumating na ba siya sa bahay nila. I tried to reach her phone too. Pero hindi ko ito makontak.

"Damn"! Malakas kong sabi at tuluyan nang binato ang phone ko sa bakanteng sofa na nasa harapan ko.

Napatingin naman sa akin ang mga kasama ko.

"Woah pare easy lang". Sabi ni James.

"Ano ba problema mo at kanina ka pa mura ng mura diyan?" Tanong naman ni Joaquin.

Kung gusto niyo malaman kung sila na ba ni Micah. Well ang sagot don oo. Nakuha ng matatamis na salita ng loko na ito ang magaling kong pinsan.

Pero ang totoo masaya ako para sa kanila. Kahit loko ito. Mahal ko to eh. Gusto ko rin siya para sa pinsan ko dahil alam kong hindi niya sasaktan ito.

"Panigurado si Allysa na naman ang problema niyan."sabi naman ni Erik.

Tiningnan ko naman ito ng masama.

"Kasalanan mo ito eh. Loko ka. Kung di dahil sa kadramahan mo. Naihatid ko na dapat siya sa bahay nila." Paninisi ko sa kaniya.

"Sisihin ba naman ako. Ang sabihin mo namiss mo lang talaga ako". Biro nito.

Nagtawanan naman sila. Oo dito kami sa bahay nila Erik. Pagkatapos kong magpaalam kay Allysa dumiretso na agad kami dito.

Malakas naman si Erik. Wala naman itong sakit. Tinanong ko kung ano problema niya. Sagot niya sa akin nagkaroon lang daw ng problema ang business nila dito sa Pinas kaya kinailangan daw ng papa niya ang tulong nito.

Pero siyempre palusot lang niya iyon. Alam kong may mas malalim pa na dahilan pero ayaw lang nitong sabihin. Hindi na rin namin siya pinilit. Binili na lang namin yung alibay niya. Kung ano man ang problema niya im just hoping that it cant affect our friendships.

Matagal na rin kaming naging magkakaibigan. Since high school pa. Mahalaga na sa amin ang bawat isa. Nakakabakla mang sabihin pero mahal namin ang bawat isa. Kaya masakit din isipin na dahil sa simpleng problema maapektuhan ang  pagkakaibigan namin.

Napatigil ako sa pagiisip ng tumunog ang cellphone ko. Agad akong tumayo at pinulot ito. Umaasang si Allysa ang tumawag. Ngunit dismayado akong sinagot ito nang makita ko ang pangalan ng tumawag sa screen.

"Ok ma, paalis na ako." Tumayo ako at kinuha ang jacket ko. Nakasunod naman sa akin ang mata ng tatlo kong kaibigan.

"Si mommy yung tumawag. She want me to go home right now." Paliwanag ko sa kanila.

"But why so early?". Tanong ni James.

"They arrived 3 days ago. And they want to have our family dinner. Ok guys i have to go. Kita kits na lang tayo bukas sa school". Sabi ko sa kanila. Tango lang naman ang naging sagot nila.


SA BAHAY**

Sa halip na condo, sa Mansiyon ako dumiretso. Pagpasok ko pa lamang ng mansiyon agad akong sinalubong ni Mommy.

"Hello son, how are you?" Sabi nito na niyakap ako.

"Im fine mom. Wheres dad?"tanong ko sa kaniya. Di pa man nakasagot si mommy narinig ko na ang boses ng hinahanap ko.

"Son?!" Malakas na tawag nito.

Agad naman akong lumapit dito. Niyakap niya ako sabay palo ng balikat ko.

Arrogant HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon