chapter 29

12 0 0
                                    

Claudia Jimenez POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko kasama ko ang taong mahalaga sa akin. Kausap namin ang isa sa mga maaasahan kong tauhan.

"Anong sabi mo?" Malakas kong tanong sa tauhan kong nakayuko ngayon.

"Napagalaman po namin na buhay ang anak ni Ronald. Kasalukuyan itong nasa poder ng mga Sandoval." Paliwanag ng tauhan ko.

"Sandoval?" Kunot noong tanong ko.

"Opo donya, si Alice Jimenez ay nasa poder ng mga Sandoval. Alexis Sandoval ang kasalukuyang pangalan niya. Hindi niya maalala ang tunay na pagkatao niya. Nagkaroon siya ng amnesia pagkatapos ng aksidenteng iyon limang taon na ang nakakaraan". Sabi nito.

"Nasaan ngayon ang mga Sandoval?" Tanong ko dito.

"Kasalukuyan po silang nasa labas ng bansa. Sa nakalap kong balita. Babalik na sila dito sa Pilipinas sa susunod na buwan at dito na sila mamamalagi." Paliwanag nito.

"Si Allysa Jimenez at ang malanding ina nito. Ano nang balita sa kanila?" Tanong ko ulit.

"Wala pa rin po silang kaalam alam na buhay si Alice Jimenez. Kasalukuyang nagaaral si Allysa Jimenez sa university ng dela salle." Sagot nito.

"magaling, hintayin nating dumating si Alice dito sa Pilipinas saka natin gawin ang mga plano. Ngayong wala na si Ronald ang mga anak na lang niya ang kailangan nating despatsahin para tuluyan ng mapunta sa atin ang kayamanan ng mga Jimenez. Hahahaha". Sabi ko.

"Hahahaha". Tawa ng tauhan ko.

"Pagadating ni Alice ng bansa agad isagawa ang plano. Dalhin sila sa lumang bodega." Utos ko.

"Masusunod po donya". Sabi nito at umalis na.

Lumingon naman ako sa anak kong nakahiga pa rin sa magandang kabaong nito. Lumapit ako dito.

Hanggang ngayon ang ganda ganda mo pa rin. Sinapo ko ang salamin ng kabaonh nito. Ang aliwalas ng mukha niya. Wala na ang sakit na makikita mo sa kaniya nung tinanggihan siya ni Ronald magpakasal sa kaniya.

Napakuyom ako ng kamao. Malapit na magtatapos ang lahat. Sinisiguro kong tayo ang magwawagi.

Nagumiti ako ng malapad at kinausap ang natutulog kong anak.

"Alam ko Divina anak, masaya kana ngayon dahil marahil kasama mo na si Ronald ngayon. Hindi man naging kayo dito sa ibabaw ng mundo. Ginawaan ko ng paraan para magsama kayo diyan sa kabilang buhay." Sabi ko sa kaniya.


Flashback**

Isang taon pa lang ang anak kong si Divina nang iwan ko ito sa isa sa mga kapitbahay namin. Pumunta ako ng Manila upang makipagsapalaran. Anak ko si Divina sa pagkadalaga. Nagbunga ang ginawang kahayupan sa akin ng anak ng amo ko.

Oo namasukan akong kasambahay sa isang mayayamang tao sa lugar namin. Mabait ang mga magulang ng hayop pero nang magsumbong akong ginahasa ako ng anak nila. Hindi nila ako pinaniwalaan. Pinalayas nila ako ng malaman nilang nagbunga ang ginawa ng anak nila sa akin.

Hindi ako tumigil. Hustisya ang hinihingi ko sa kanila. Gusto kong pagbayaran ng anak nila ang ginawa nito sa akin.

Nagkapagfile ako ng demanda laban sa kanila dahil na rin sa tulong ng mga taong naawa sa kalagayan ko.

Dahil hindi naman kasing yaman ng tatay ng anak ko ang mga tumulong sa akin. Natalo kami. Napalabas nila na inakit ko ang anak nila na ginusto ko ang nangyari.

Akala  ko magtatapos lang ang lahat doon pero mali pala ako. Magtatatlong buwan na ang tiyan ko ng mga panahong iyon. Nakikituloy lang ako sa anak ng dating kaibigan ng nanay ko. Minsan na rin akong niyaya nito na pumasok sa trabahong pinagtatrabahuan niya pero hindi pa ako pumapayag. Kahit paano gusto kong buhayin ang anak ko sa mabuting paraan. Hanggang isang araw.

Arrogant HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon