Galit na galit ako. Gusto ko silang saktan. Kailan pa ako nagsimulang lokohin ni Allysa? Binalik ko na ang larawan sa loob ng envelope at binulsa ko ito. Tumingin ako kay Claris.

"Kailan mo nakuha ang mga larawang iyan?" Tanong ko sa kaniya. Tinungga muna nito ang alak na nasa baso bago magsalita.

"Dalawang linggo nang nasa akin ang mga larawan na yan." Sabi nito.

"Bakit ngayon mo lang binigay sa akin ito"? Tanong ko.

"Naghahanap lamang ako ng tamang pagkakataon. Hindi ko magawang lumapit sayo dahil parati kayong magkasama ni Alex." Paliwanag nito. Hindi na ako nagsalita pa dahil alam ko naman na totoo iyon. Totoong si Alex ang madalas kong nakakasama. Kaya pala iniiwasan na ako ni Allysa dahil may namumuong relasyon sila ni Jake. Fuck! Wala siyang karapatan na gaguhin ako.

"Bakit mo sila sinusundan?" Naniningkit na mga matang tanong ko.

"Dahil gusto kong patunayan sayo na mali ang babaeng minahal mo. Nate tayo ang bagay. Hindi karapat dapat sa pagmamahal mo si Allysa." Sabi nito na lumapit sa akin at akmang hahalikan na sana ako pero hinawakan ko ito sa balikat.

"Claris, salamat sa impormasyon. Umuwi kana dahil uuwi na rin ako". Tumayo na ako at iniwan siya. Kailangan kong makausap si Allysa. Kailangan kong malaman ang totoo. Kailangan kong malaman kung kailan pa siya nagsimulang lokohin ako.

Fuck ang sakit sakit lang! I really felt betrayed! And that Jake, the nerve. Humanda siya sa akin dahil ipapatikim ko sa kaniya ang kamao ko.



KINABUKASAN**

Malapit na matapos ang klase namin ngayon. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon para makausap si Allysa. Weather she like it or not maguusap kami dahil gusto kong marinig mismo sa boses niya kung bakit niya ako niloko.

Pagkatapos ng klase agad kong hinawakan ang kamay niya. Nakatingin sa akin ang mga kaklase namin. Hinila ko ito papunta sa parking lot. Napansin ko naman ang pagsunod ni Jake at Alex pero hindi ko sila pinansin. Binilisan ko pa ang paghila kay Allysa. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Nagpupumiglas ito pero hindi ko binitiwan ang kamay niya.

"Ano ba Nate, nasasaktan ako." Sabi nito. Di pa rin ako nagsasalita. Patuloy parin ako sa paghila ng kamay niya at mas lalo ko pang hingpitan ang pagkakahawak ng kamay niya. Marahas kong binitiwan ang kamay nito pagdating namin sa parking lot. Nakita kong hinawakan nito ang mga kamay niya na pulang pula na may bakas ng kamay ko.

"Kailan kapa nagsimulang lokohin ako?" Matigas kong tanong sa kaniya.
Nakakunoot ang noo nito na nakatingin sa akin.

"Kahit kailan hindi kita niloko!" Matigas din nitong sabi na namumula ang mga matang nakatingin sa akin.

"Damn it Allysa! Wag mo akong gawing tanga!" Sabi ko sa kaniya at sinipa ko ang gulong ng sasakyan ko sa sobrang inis.

"Bakit kaba nagkakaganiyan huh?! Ikaw nga itong nagsinungaling sa akin pagkatapos sa akin kapa ngayon galit?"sigaw nito na ikinakunot ng noo ko.

"Allysa hindi ako nagsinungaling sayo. Pero ikaw niloko mo ako. Pinagmukha mo akong tanga!" Sigaw ko din.

"Hindi ka nagsinungaling huh, pinaniwala mo akong mahal mo ako pero iyon pala si Alex pa rin ang mahal mo. Wag kang magdedeny kasi narinig kong sinabi mo iyan kay Alex. Sinundan kita nung mga oras na iyon dahil kakaiba ang pakiramdam ko. Feeling ko may tinatago ka sa akin. Pinagsisihan ko ang bagay na iyon. Sana hindi na pala kita sinundan disin sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Sabihin mo nga sa akin Nate, minahal mo lang ba ako dahil kamukha ko si Alex?!" Umiiyak nitong sabi. Gusto ko siyang yakapin at halikan. Gusto kong patuyuin ang mga luha nito sa pamamagitan ng mga labi ko. Pero pinigilan  ko ang sarili ko. Hindi ako sumagot. Kinuha ko ang envelope at binigay sa kaniya.

"Ano to?" Tanong nito. Tinaggap naman niya ang envelope na binigay ko sa kaniya.

"Buksan mo". Utos ko sa kaniya. Sinunod naman nito.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito.

"Sino nagbigay nito sayo?" Tanong nito.

"Dina mahalaga kung sino man iyon." Sabi ko at huminga ako ng malalim.

"Siguro mas makabubuti munang bigyan natin ng space ang bawat isa. Nahihirapan na tayong huminga." Sabi ko sa kaniya. Umiling siya habang umiiyak.

"Please  Nate let me explain it. Mali ang pagkakaintindi mo. I can explain it." Umiiyak nitong sabi. Umiling naman ako.

"Allysa lets break up." Sabi ko. Sunod sunod ang iling nito.

"No Nate please. Please let me explain it". Umiiyak nitong sabi.

"Mas makakabuti na ang ganito dahil pareho lang nating sasaktan ang mga sarili natin kung ipagpapatuloy pa natin ang relasyon natin. Siguro nga mali ang timing ng pagkakakilala natin.". Sabi ko. Patuloy lamang ito sa pag iling at malakas na pagiyak.

"Tandaan mo kahit ganito ang kinahinatnan ng relasyon natin. Totoong minahal kita at si Alex oo minahal ko siya noon pero ikaw na ang mahal ko sa ngayon. Parte lamang siya ng nakaraan ko. Gusto ko lamang siyang tulungan kaya parati kaming nagkakasama." Paliwanag ko sa kaniya. At tuluyan na akong umalis. Narinig ko siyang umiiyak habang hinahabol niya ako. Binilisan ko ang ginawa kong paglakad. Nakasalubong ko si Jake at Alex na mukhang kagagaling lang sa pagtakbo. Tiningnan ko ng matalim si Jake.

"Boogghhss"

Oo sinuntok ko siya. Sapul ito sa mukha at napahiga sa kalsada dahil sa lakas ng suntok ko.

"Aaayyy". Tili ni Alex.

"Nate bakit mo siya sinuntok?" Sabi nito at tiningnan ako ng matalim habang tinutulungan nito si Jake na umupo. Nakita kong tumingin siya sa likuran ko. Sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita ko si Allysa na tumatakbo palapit sa amin.

Iniwan ko na sila at tuluyan na akong tumawid sa kalsada. Bago ako umalis. Nakita kong tumakbo si Alex para sundan ako.

"Nate! Nate tumigil ka nga! Ano bang problema?" Narinig kong sigaw niya pero hindi ako tumigil at hindi rin ako lumingon. Nakita ko ang sasakyan na mabilis na tumatakbo na para bang nawalan ng break.

"Ahghh" / Allysa!"

Dalawang boses ang narinig kong sumigaw kaya napalingon ako.

Gulantang ako sa nakita ko. Si Allysa nakahandusay sa kalsada at duguan ang katawan..at si Alex na nakahandusay din at may dugong dumadaloy mula sa ulo nito.

"Allysa Alex! Oh my God!".tumakbo ako pabalik sa kanila. Tatakbo na sana ako sa tabi ni Allysa pero naunahan ako ni Jake. Kaya si Alex na lang ang binuhat ko.

Agad namin silang isinakay sa taxi na unang dumaan. Agad silang pinasok sa ER. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kumg alam ko lang na mangyayari ito sana pinakinggan ko na lang siya. Sana diko na lang siya iniwan.

Lahat ng doctor na lumalabas sinasalubong namin. Oo kami ni Jake. Lahat sila ang sagot under observation pa daw. Nahit and run si Allysa. Si Alex sana ang masasagasaan pero tinulak ito ni Allysa kaya siya ang napuruhan. Si Alex nabagok ang ulo nito sa semento kaya naging sanhi ng pagdugo nito.

"Booghss". Suntok ni Jake sa akin.

"Sinaktan mo siya. Dapat man lang sana pinakinggan mo siya. Hindi mo siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Naging makasarili ka. Lahat ng nasa larawan na iyon ay totoo pero hindi ibig sabihin non may relasyon kami. Mahal ka ni Allysa Nate." Sabi ni Jake.

Nakupo ako dahil sa lakas ng suntok niya. Umiiyak na ako. Masyado nang masakit ang mga nangyari sa akin ngayong araw.

"Mahal ko si Allysa pero hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Inggiy na inggit nga ako sayo kasi ikaw ang mahal ng taong mahal ko. Gusto ko pa nga sana siyang kidnapin eh para makasama ko lang siya ng ilang araw pero diko ginawa. Dahil  nakikita ko kung gaano siya kasaya tuwing kinukwento ka niya sa akin. Ganoon ka kamahal ni Allysa Nate. Pero anong ginawa mo. Sinaktan mo lamang siya. Kasalanan mo lahat ng nangyayari nagyo. Kasalanan mo kung bakit nandito sila ngayon sa hospital na ito!" Sigaw nito at tuluyan na akong iniwan.

Naiwan akong umiiyak. Oo nga ang tanga tanga ko. Tama si Jake kasalanan ko ito eh. Kasalanan ko kung bakit sila nandito ngayon sa hospital.












Arrogant HandsomeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu