Chapter 44 : Lying - Gotcha

Start from the beginning
                                    

"So, ano ba 'tong gusto niyong malaman?" tanong ni Tita sa amin habang nakapamaywang.

Ibinaba ko yung juice ko at ganun din yung dalawa.

"Tatanong lang po sana namin kung nandito po si Allen?" tanong ko.

"Wala eh. Umalis siya." sagot ni Tita.

"Pero pumapasok pa rin naman po siya diba?" tanong ko ulit.

"Oo naman! Pero ang ipinagtataka ko, biglang nag-iba yung oras ng mga pasok niya. Parang kabaligtaran ng normal na schedule niyo." sagot ni Tita na parang nagtataka rin.

Dahil sa narinig namin, nagkatinginan kaming tatlo. Bumulong pa si Jomar na 'sit-in' daw ang ginawa ni Allen.

"May nabanggit pa po ba sa inyo si Allen?" tanong ko ulit kay Tita.

"Parang meron, kanina bago siya umakyat sa taas, nasabi niya na may problema daw siya. Pero wag daw ako---" hindi ko na pinabuo ng sentence si Tita. Tumakbo ako paakyat at kinatok ang pinto ng kwarto ni Allen.

Walang sumagot kaya pinihit ko na lang ang doorknob. Swerte namang naka-bukas iyon kaya pumasok ako.

Nakita ko si Allen na mahimbing na natutulog sa kama niya.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto at ni-lock iyon. Nilapitan ko ang kama at marahan akong tumuntong, maingat na hindi siya magising.

Humiga rin ako sa may likuran niya at dahan-dahan siyang niyakap. Bigla siyang kumilos kaya inangat ko ang kamay ko.

Nung ibalik ko ang kamay ko para yakapin uli siya ay bigla siyang umikot. Muntik niyang matamaan ng kamay niya ang mukha ko kaya hinawakan ko iyon at pinigilan siya.

Naramdaman niya sigurong may humawak sa kanya kaya dahan-dahan siyang dumilat.

Nginitian ko siya pero gulat naman at pagtataka ang ginanti niya.

Hinila niya yung kamay niya at itinulak ako para makalayo siya sa akin.

"Bakit nandito ka?" tanong niya.

"Bakit nagsi-sit-in ka?" tanong ko din sa kanya.

Napansin kong namula siya tapos ay umikot siya paharap sa kabila.

Hinawakan ko ang braso niya para iharap siya sa akin, pero tinabig niya lang iyon.

Lumapit na lang ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nagpumiglas siya pero hindi ko siya pinakawalan.

"Shh, Allen. Ano bang problema?" tanong ko sa kanya habang pinapakalma siya.

Mukhang epektibo naman dahil hindi na siya gaanong pumapalag.

"Hindi ba galit ka sa akin?" mahina niyang tanong.

I was shocked by what he said kaya lumayo ako ng bahagya at iniharap siya sa akin.

"Sinong nagsabi na galit ako sa'yo?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Pero hindi mo kasi ako pinansin nung pagkatapos nating kumain. Hanggang sa klase. Hanggang sa mag-uwian na. Tapos nung tinawagan kita, ang sungit ng tono mo." sabi niya.

Natawa ako ng mahina tapos ay hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Babe, kaya lang naman ako naging ganun sa'yo kasi nagselos ako kay RR." nakangiti kong sabi sa kanya.

Tinanggal niya yung kamay ko tapos parang nagtaka siya.

"Bakit ka naman magseselos kay RR?" tanong niya habang magkasalubong ang kilay niya dahil sa pagtataka.

Tinukod ko ang kamay ko at umupo ako. Gumaya naman din siya sa akin.

"Eh kasi, kahit na pinatigil mo na si RR sa paghahabol sa'yo, alalang-alala ka pa din sa kanya." nakasimangot kong sagot sa kanya, pero feeling pout na yun eh.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now