Chapter 44 : Lying - Gotcha

Start from the beginning
                                    

Aba'y unang hiwa pa lang ng pesteng gulay na yun, naiyak na ako!

"Ganyan katindi? Oh, sige, hindi na kita kukulitin." nag-aalala naman niyang sabi tapos ay binitawan niya ang kutsilyo at pinahid ang kamay niya sa bimpo na nakasukbit sa bulsa ng apron niya.

Nilapitan niya ako tapos ay niyakap niya ako mula sa gilid.

"Pag handa ka nang sabihin sa akin kung ano yan, nandito lang ako ha? Mahal na mahal kita, anak." sabi niya tapos ay kiniss niya ako sa pisngi.

Nung kumalas siya ay pinunasan ko yung mga tumulong luha tapos ay hinarap ko siya.

"O.R. mo, Ma. Naiyak lang naman ako kasi naghiwa ka ng sibuyas." sabi ko sa kanya.

Para namang nabigla siya tapos ay tinitigan niya ang hiniwa niyang sibuyas sabay tawa.

"Sorry naman ha? Akala ko kasi may problema ka." nakangiti na niyang sabi.

"Sino ba nagsabing wala?" nawala na yung ngiti ko at napalitan ito ng simangot pero binawi ko rin agad at ngumiti ulit ako.

"Ano ba talaga, anak?" nalilito niyang tanong sa akin.

Tumayo ako at tinungo ang hagdan.

"Wag niyo na pong alalahanin yun! Alam ko masosolusyonan din agad yun!" sabi ko sa kanya sabay takbo papunta sa kwarto ko.

KARL VINCENT'S POV

"Bakit nanginginig ka, Par?" tanong sa akin ni Jomar.

"Ha? Hindi? Nilalamig lang siguro ako." pagsisinungaling ko.

"Lul mo! Sarili mong sasakyan, lalamigin ka?" sarcastic niyang tanong.

"Hindi ba pwede yun?" maang-maangan ko namang tanong.

"Bahala ka na nga." sabi niya lang tapos ay tumingin siya sa labas ng bintana.

Actually, hindi naman ako nanginginig eh. Nanggigil ako!

Nanggigil ako sa sarili ko at sa katangahan ko! Hindi naman kami gaganituhin ni Allen kung hindi dahil sa pagiging seloso ko nung isang araw eh.

Pinilit kong ipasok yung sasakyan hanggang sa kanto nina Allen. Pagbaba namin ay ni-lock ko agad ang mga pinto tapos ay kumaway ako kay Aling Pacing. Yun yung pangalan nung may ari ng bahay na laging tinatapatan ng kotse ko eh.

Nauna na ako sa dalawa at patakbo kong tinungo ang bahay nina Allen. Nagmamadali kong kinatok ang pinto pero hindi agad ito bumukas. Nang makahabol yung dalawa sa akin ay saka lang bumukas ang pinto at bumungad si Tita.

"Oh, Karl. Bakit nandito ka? Wala ba kayong klase?" tanong sa akin ni Tita.

"Actually, meron po. Pero may gusto lang po kasi kaming malaman." sagot ko kay Tita.

"Ah ganun ba? Sige pumasok ka na." sabi niya tapos nilakihan niya ang bukas ng pinto.

Nung makapasok ako ay biglang pinigil ni Tita yung dalawa.

"Hep! Sino kayo?" tanong ni Tita habang pinaglilipat-lipat ang turo niya sa dalawa.

Nabigla yung dalawa at parang nakita ko yung takot.

"Joke lang! Alam ko namang kaibigan din kayo ni Allen eh. Sige na, pasok na." biglang sabi ni Tita kaya parang nakahinga sila ng maluwag.

Nung makapasok kami ay pinaupo kami ni Tita sa sala. Agad siyang pumunta sa kusina at binuksan ang ref.

Pagbalik niya ay may bitbit siyang juice para sa aming tatlo.

Dahil pangtatluhan lang ang sofa nila, naiwang nakatayo si Tita. Inalok namin siyang maupo pero tumanggi siya.

So Into You (BxB)On viuen les histories. Descobreix ara