When the "Gay" Falls for the "Lesbian"

1.2K 8 4
                                    

"Anak ng tokwa naman oh!" sabi ko habang nakatitig sa bago kong uniform habang nakaharap sa salamin.

Shete. Ang igsi ng palda oh! Parang mahanginan ka lang ng konti kita na agad ang under ng palda mo. Tapos ang fit pa ng blouse at may blue na neck tie na kasama. Tas meron pang sleeveless na black blazer. Buti na lang di long sleeves yung blouse at blazer.

Hello?? Ang banas kaya sa Pinas!

Ako nga pala si Kim Xhaleen de Vera.

Tch. Babaeng babae ang pangalan ko. Eew... Pero Kim ang tawag nila saken. pero parang ang girly pa din. yaina na nga!

Eto, nagsusukat ako ngayon ng bagong uniform para sa bago kong school. Second year high na pala ako. Kaka-enroll ko pa nga lang kahapon. Bagong lipat kasi kami ng bahay.

Sabi kasi ni ermats(mama) na mas ok daw dito kasi mas malapit sa business nila ni Paps dito sa Makati. Pero ok na rin yun. wala pa naman akong masyadong kaibigan dun sa dating school eh.

Ang problema ko lang ngayon ay yung uniform na yan. Masyadong reveal ang legs eh. Psh.

Takte, may pasok na agad bukas. Hindi na first day of classes kasi 2nd week na kaya ng July! Maghahabol pa ng lessons. Ok lang. Matalino naman ako. Haha :D

"Kisha, magpakababae ka naman kahit konti oh." sabi ni mamski saken habang tinitingnan yung uniform na suot ko.

"Oo nga. Dami mo pang reklamo dyan. Kahit anong gawin mo babae ka pa rin kaya natural ganyan ang uniform mo." dagdag pa ni Kuya. Asar talaga yun!

"Saan ba kami nagkamali ngpagpapalaki sayo anak?" ayan humirit pa si Paps. Dadali na naman sya sa mga drama nya.

I rolled my eyes. Wow english! :D

"Mams, ilang beses ko bang sasabihin na wag mo ko tawaging Kisha? Kim na nga lang kasi. Kuya, wag ka ngang pang-asar. Dad tama na ang drama. Eh sa ganto na ako ano magagawa ko?" pinagsabihan ko silang lahat.

Nanahimik naman sila. Haha! *evil laugh* Joke lang. Palibhasa bunso ako eh. Medyo spoiled. XD

Nag-sigh na lang sina Mams at Paps. Bigla namang sabi ni Kuya,

"One of these days, makakahanap ka rin ng katapat mo na magpapabago sayo. Yung patitinuin ka."

Tinaasan ko nga ng kilay.

"Aber, pano naman yun? ha?" sabi ko tapos nagsmirk sya.

Katakot to. Kala mo may masamang balak.

"Pag na-inlove ka na! Syempre sa lalake." sabi nya sabay gulo sa buhok ko.

Tamo to.

"Yeah right. =_=" sinabe ko na lang na may pagka-sarcastic.

As if namang mangyayari yun.

Aamin na ako. Nagka-crush na ako sa isang lalaki dati, pero nung grade 3 lang yun at never na naulit. Nadiscover kong ganto talaga ako. Mas marami pa ata akong chicks kesa kay Kuya eh. Haha! :D

 Bukas papasok na ako at kahit labag man sa kalooban ko, isusuot ko na rin yung uniform. Psh.

Pagkatapos namin kumain ng dinner nagpalipas muna ako ng konting oras bago natulog. Ano kaya mangyayare bukas. Medyo excited na ko. Heh!

When the "Gay" Falls for the "Lesbian"Où les histoires vivent. Découvrez maintenant