"Pero sana matalo mo na ang hambog na si Whimper ngayong quarter!" Ang sabi ni Paolo. First na naman kasi last quarter si Whimper. 

Hindi na siya nagcomment at tumango lang. Nag-aaral naman kasi siya ng mabuti. Sadya nga lang ang hirap talunin ni Whimper Becher! Minsan ay point zero five to one lang ang difference ng average nila every quarter.

"Kaya mabuti na lang at nagbreak kayo." Comment ni Sean. Isa ito sa mga kaklase ni Ate Menchie niya. Nangliligaw din kasi sa kanya kaya sumasabay sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. 'Anong kinabuti ng paghihiwalay namin? Ang sakit kaya!' Gusto niya sanang sabihin pero hindi na lang niya ginawa. She just kept her mouth shut. Baka makapagsalita lang siya ng hindi maganda.

Habang hinihintay ang mga orders nila ay hindi maiwasang hindi siya mapatingin sa labas ng aircon part. At like the usual, naglanding na naman ang paningin niya kina Whimper.

"Paano kaya siya makakain?" Wala sa sariling nasambit niya imbes na dapat ay sa isip lang niya.

"Ha?" Tanong ng katabi niyang si Jof.

Pero parang hindi niya narinig si Jof. Nanatili siyang nanunuod na animo'y director siya ng hidden camera. Nakita kasi niya ang tatlong babae na halos mangisay na nakipagkilala kay Whimper. Tinanggap naman iyon ni Whimper at ngumiti pa ng ubod ng tamis sa tatlong 5th year students.

'Sikat na talaga siya ng lumabas ang kagwapuhan niya' muni-muni ni Lizzie.

Sinundan naman ng mga boys na mahilig makisabit sa kanya ang kanyang paningin. Lumingon na din sina Eric, Paolo at Sean.

"Pss.. Pasikat. Gwapo lang naman ng isang paligo." Mayabang na comment ni Paolo. Si Paolo ay dati niya ring kaklase noong siya ay nasa section pa nina Whimper ngayon.

Siniringan niya si Paolo. "Isang drum na paligo." Hindi niya mapigilang i-comment. Ewan ba niya at hindi niya matiis na makarinig ng mga tirada kay Whimper.

"Hahaha!" Nagtawanan ang mga kasama nila. Ang akala ata she meant it like a joke. Pero sa totoo lang, iyon naman talaga ang pananaw niya.

At ang tawanan nilang iyon ang naging dahilan para tumingin sa gawi nila ang ilang estudyanteng malapit sa pinto ng aircon part na pwesto nila. Ang mga binatilyo ay kumikislap ang mata sa kanya. Ang mga babae ay iba-iba ang reaction. May tinging naiinggit at may tinging humahanga rin.

Pero ng mapatingin siya kay Whimper ay seryoso itong nakatitig sa kanya. Pero ng maya-maya'y nagbawi din at nakipag-ngisihan na sa mga babaeng katable nito. Para naman itong prinsipe na may nagsusubo pa ng pagkain.

'Hindi na nahiya. mga pathetic b*tch!' Kaya napailing na lang siya.

Dumating ang orders nila at kumain na sila. Itong mga kasama niya ang dapat kasama sa lamesa ng mga kasama ni Whimper eh. Mga naguunahan din kasi ng pag-aabot sa kanya ng mga ulam ng mga ito.

The ChaseWhere stories live. Discover now