"Who are you?" Tanong ko dito. Ngumiti naman ito sa akin. Takte pati ngiti niya kuhang kuha niya kay bestfriend.

"Im Alexis Sandoval, and you?" Nilahad nito ang kamay sa akin na tinanggap ko naman.

"Im Ann Ramirez, bago ka ba dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Uhmm yeah actually ngayon lang ako pumasok kasi kararating lang namin galing New York last week. So i took a rest and ngayon lang pumasok. This is my 1st day of school." Nakangiting sagot nito. Mabait naman pala. Pero diko pa rin maiwasan isipin na paano naging magkamukha ang hindi magkapatid? Ano yun parehong pinaglihi sa isang mukha? Haisst ang gulo lang.

"So saan ang building mo? I can bring you there?" Offer ko sa kaniya.

"Really? Oh thanks Ann. Im looking for Business Management Building, can you bring me there?" Sabi nito.

Seriously?! Iisang building lang kami. Magkaklase din kaya kami?

"Actually im heading there". Sagot kong nakangiti.

"Really? Thats good. So shall we go?" Masaya nitong sabi. Tumango na lang din ako.

Habang patungo kami ng Bus. Management Building napadaan kami sa mga estudyante. Nagbubulungan ang mga ito habang nakatingin sa amin. Kahit diko man naririnig ang mga ito. Nahuhulaan ko na kung ano ang pinagbubulungan nila.

"Bakit sila nagbubulungan?" Tanong nito.

"Hayaan mo na sila ganiyan talaga sila kapag may bagong lipat dito." Alibay ko. Nagkibit balikat lang ito. Ewan ko kung nabenta ang alibay kong iyon. Huminto ako sa harapan ng babaeng nakatayo at nakatingin sa akin at kay Alexis. Ito iyong kaibigan ni Claris. Hinarap ko ito. Ayaw ko nang iparating pa kay Allysa ang nalaman ko pangiistalk nito sa magkatipan. Alam ko rin na sinunog nito at Micah ang mga larawang kuha nila. Paano ko nalaman? Siyempre sinabi ng gwapo kong jowa. Kinwento daw ni Joaquin sa kaniya. Di na nakapagtataka iyon dahil nobya nito si Micah.

"Kung inaasahan mong magpapasalamat ako sayo dahil di mo tinuloy ang utos ng malandi mong kaibigan, nagkakamali ka! Gusto ko lang sabihin sayo na minsan gumagana rin pala ang utak mo, alamo rin pala ang ibig sabihin ng tama at mali!" Sabi ko sa kaniya at iniwan na siya. Nakayuko lamang ito nang iwan namin. Dina rin nagtanong pa si Alexis.

Ilang minuto pa lamang at nasa harapan na kami ng pinto ng classroom namin. Nakatitig silang lahat sa amin. Nanlalaking mga mata ni bestfriend ang sumalubong sa amin. Napansin ko naman na nagpalipat lipat ng tingin ang mga kaklase namin kay Allysa at Alexis. Tiningnan ko si Alexis at nakita kong nanlaki ang mga matang nakatitig kay Allysa. Inilipat nito ang tingin kay Nathan na ngayon ay nakatayo na at nakatitig kay Alexis.

"Alex?!" Bulong lamang ang pagkasabi nito at dahil sa katahimikan ng paligid dinig na dinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ng katabi ko. Magkakilala kaya sila? Tiningnan ko si bestfriend. Tumingin ito kay Nate na bakas sa mukha ang sakit at pagkagulat. Tumingin naman ako kay Alexis na malungkot na nakatingin kay Nate. Walang nagsasalita. Pumasok na kami sa loob. Nakasunod lamang sa amin ang tingin ng mga tao sa loob ng classroom. Umupo na ako sa tabi ni James na hanggang ngayon gulat pa rin sa nakita. Hinalikan ko ito sa pisngi pero di pa rin gumagalaw. Tinuro ko naman kay Alex ang bakanteng upuan sa tabi ni Jake. Umupo naman siya doon. Nagsmile lang ito kay Jake. Tango lamang ang sinagot ni James sa kaniya. Naalis lamang ang tensyon sa loob ng pumasok na ang professor. Haisst buti na lang. May hangin na sa loob. Kanikanina lang akala ko wala ng humihinga dahil sa tensyon.

"Kindly introduce yourself to us new transferre?" Sabi ni professor. Tumayo naman si Alex at pumunta sa gitna.

"Hello everyone im Alexis Sandoval. Nice meeting you all". pagpapakilala nito. Pagkatapos magpakilala bumalik na ito sa kinauupuan niya.

Inikot ni professor ang tingin sa amin.

"Wala na bang bagong transferre?" Tanong ni professor. Nagkakatinginan kami ng mga kaklase namin at umiling.

Magsisimula na sana ang klase nang biglang may pumasok. Napanganga ako sa nakita.

Pumasok na sa loob ang bagong dating at pumunta sa gitna. Ngumiti ito ng makalaglag panting tingin.

"Hi im Andrew delos Santos"! Pagpakilala nito. Bigla namang napadako ang tingin nito sa akin. Pagkakita sa akin nagwink ito bago umupo sa bakante pang upuan. Di naman ito nakaligtas sa paningin ni James dahil tumingin sa akin ang huli na nakakunoot ang noo.

"Did he just winked at you?!" Matigas nitong tanong.

"Huh? Hindi. Hindi.".sunod sunod kong iling.

"Do you know him?!" Tanong nito ulit. Shit! Magsisinungaling ba ako or what?!

"Huh? Ah eh..hehehe ano kasi.."

"Okey class lets start our lessons". Putol ni professor sa sasabihin ko..

Yes! Save by the bell! May silbi rin pala itong professor namin na kalbo. Hehehe..

"Maguusap tayo mamaya!" Narinig kong sabi ni James at dumiretso na ng tingin sa blackboard.

Nagfocus na rin akong makinig sa kalbong professor. Bahala na tsaka ko na iisipin ang mangyayari mamaya. Si darna na lang ang bahala sa akin!


Arrogant HandsomeWhere stories live. Discover now