May naramdaman akong dumidikit sakin at nang lingunin ko ito ay isang lalaking napakalaki nang ngisi ang naulalingan ko. May balbas ito at bungal pa. Hayop, ang panget!

Bigla akong nakadama nang inis at napatingin sa kamay niya. Mas lalong lumaki ang ngisi nito habang hinahaplos ang labas nang kaniyang pantalon, sa may ari niya. Ay gago! Tang ina!

Tutuhurin ko na sana siya nang may kamay na humila sakin. At dahil sa lakas nang pwersa ay napapikit ako. At nang magmulat ako ay nasa malapad na dibdib ako lumanding.

Dios ko! Ang bango! Isang navy blue na necktie ang unang nakita ko. Inayos ko pa nang tumabingi iyon. Mayamanin kahit yung tie lang, siguro nasa five thousand iyon.

''Get off your hand, bastard.''

Biglang umangat ang tingin ko sa lalaking sumagip sakin mula sa lalaking manyak na 'yon.

Mabilis pa sa alas sinkong inalis ko ang aking kamay sa dibdib niya. Nasa kaniya na din ang kaninang hawak hawak kong papeles. Hindi siya sakin nakatingin kundi doon sa lalaking bungal na manyak at ang pangit pa nagdidikit sa akin.

''Tsk, ang yabang.'' Sabi noong lalaki at pumara na.

''Salamat sir.'' Pero irap lang ang sagot sakin nang amo ko.

Pero in fairness ha, matulungin si sir napaka gentleman! Bongga!. Gusto kong matuwa talaga, lihim akong napangiti at tumingin doon sa necktie niya. Kahit kailan talaga, hindi bagay sa mga naka necktie ang mag commute.

Isang babaan nalang at nakatitig lang ako sa necktie niya dahan dahan akong lumapit upang ayusin ulit iyon nang tumabingi iyon.
Nagtaka naman siyang napatingin sa akin.

''Ah -- aayusin ko lang po, tumabi----''

''Para! Para!''

Lahat yata ay nabigla sa isang pasaherong yun at napalakas ang apak nang driver sa break.

Parang slow motion ang nangyari, nawalan ako nang balanse at ang huli ay sa necktie ako napakapit. Gustong gusto kong bumitaw pero kapag bibitaw ako ay babagsak ako at masasaktan pa.

Nakita kong nasakal ang pogi kong amo sa ginawa ko. Nanlaki ang mga mata ko kasi nga mabigat ako at lahat nang pwersa ko ay nasa hawak kong necktie na nasa leeg niya pa.

Slow motion iyon, ''oh my god.'' Sambit ko pa.

At nang bitiwan ko ang necktie niya ay siya namang bitiw niya sa hawakan. Napapikit ako nang makitang babagsak siya sa akin. Oh my god!

Ang slow motion ay nawala na naging fast forward ata.

''Anong eksena ang meron, te?''

''Ewan, hanapin mo nga, baka may shooting!''

''Hala! Nahu log log log log!''

''Ay ang manyak naman ni pogi!''

Mga pangkaraniwan kong narinig sa paligid bago ako nagmulat nang mata.

Ang dalawang kamay niya ay ramdam kong nasa magkabilang umbok ng dibdib ko. Ang mata niya nakatingin nang deretso sa mata ko.

Magsasalita na sana ako nang may maramdamang malambot na bagay sa labi ko.

Huli na nang ma realize kong nasa ibabaw ko siya, hawak niya ang dibdib ko at nasa labi ko ang labi niya. Nasa mata ko ang gulat niyang tingin kaya kumurap ako.

Yung pilik mata na kay haba at sadyang makapal. Yung matang kulay na green. Iyong nose bridge na tawag..... Dios ko may angel na nakahawak sa dede ko...

''Hoy! Bumaba na nga ang gustong bumaba!''

Doon kami natauhan. Mabilis niyang pinulot ang attached case at ibang papeles.

Pinagpag ko din ang damit ko nang makatayo.

''Bongga te! May chemistry kayo!''

Rinig ko pang sabi nung kapwa ko pasahero bago bumaba na.Sumunod akong naglakad kay sir. Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya, naumid yata ang dila ko. Hiyang hiya ako, hanggang ngayon ay ramdam ko pa ang init nang palad niya sa dibdib ko.

At ang masaklap pa ay hindi ko sout yung bra ko, tanging sports bra lang at walang foam iyon! Gusto kong iuntog ang sarili sa loob nang elevator at iniisip na sana panaginip lang ang lahat. Napatingin ako sa gawi niya, gumagalaw ang panga nito, madilim ang mukha at pinagpapawisan. Magulo na ang buhok niya at lalong nasira na ang tie niya.

Dios ko, sana kahit ilagay niya nalang ako sa utility area, basta ba may trabaho pa rin ako.

Nakasunod pa rin ako sa kaniya kahit nasa loob na kami ng room, gusto ko talagang humingi nang despensa.

''Stay outside.'' Malamig na sabi niya.

''Sir, pasensya na --- ''

''Hwag mo nang dagdagan pa ang gulong dala mo ngayong araw, Miss Diomampo.''

''Ih! Hindi ko naman kasi sinasadya, sorry na, hindi kasi talaga ako nagsosout nang bra kapag ---''

Natigil ako at nanlaki bigla ang mata naming dalawa nang marinig na may tumikhim sa loob.

Lima? Anim? Walo? Tang ina, walong tao ang nakita kong bulto sa likod.

Lihim akong humihiling na sana kainin na ako nang sementong kinatatayuan ko sa sobrang hiya. Sana may kapangyarihan akong nalaho bigla sa harap nila at kakain ako nang maraming ice cream!

Lord, sabihin mo sa akin, kaylangan na ba akong magsimba? Bakit napakamalas ko ngayong araw?

----

Votes!
Comments!

♡♡♡♡♡♡

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now