"Ganoon ba?" At naguguluhang bumalik siya sa garden.


Tinitigan niyang mabuti ang white rose. 'Taga school namin? Sino? Bakit alam ang bahay ko?' Tanong ng isip niya.

AFTER 2 DAYS:


Ika-4 na araw na ng operation bartolina niya sa bahay. Sobrang kainipan na ang nararamdaman niya. Halos araw-araw siyang tinatawagan at tinetext ni Dave, Rave, at ilang mga kaklase niya. Iyon na nga lang ata ang nagbibigay sigla sa kanya eh.


Pero halos tuwing umaga ay may nagpapabigay sa kanya ng bulaklak. Minsan nga ay iniiwan na lang sa may gate nila kapag natatalikod ang guards nila. At hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam sinong nagbigay nito. Pero hindi na lang niya inintindi dahil tinatamad na siyang mag-isip pa.


Sa sobrang lungkot ni Lizzie ay ayaw na niyang lumabas ng kwarto. Hindi man pinapahalata ng pamilya niya, pero nag-aalala na ang mga ito sa kanya. Madalas pa nga siyang silipin ng mga ito. Pero tamad na tamad lang niyang hinaharap kapag pinupuntahan siya sa kwarto. Ganitong-ganito noong nagbreak sila ni Whimper.

Lumabas siya sa kanyang terrace at tumingin sa mga bituin sa langit. Bukas ay ika-5 araw na ng pagkakakulong niya dito sa bahay. Feeling niya ay mabubuang na siya sa lungkot.

"Mabuti pa ang mga bituin, walang sawang nakangiti sa langit." Malungkot na sabi niya sa hangin.

First time na mangyari sa kanya ito kaya hirap na hirap siya. Daig pa niya ang na-house arrest. Alas sais pa lamang ng hapon ay kumain na siya ng hapunan kanina. Ayaw niya kasing makasabay ang family niya. Alam niyang nagaalala na ang mga ito sa kanya. Pero kahit anong pilit niyang magmukhang ok siya, hindi siya ok. Pero kahit ganoon, firm pa rin ang Mama niya sa parusa sa kanya.

6:30 pm na ng makita niyang dumating na ang kotse nilang pinang hahatid sa kanila ni Menchie. Medyo natigilan siya ng makita niya mula dito sa taas na may kasama itong kaklase. Malamang ay kaklase siguro ng kapatid niya at may project na gagawin. Hindi niya nakita ang mukha dahil naka-tungo ito at nakasumbrero.

Gusto niya sanang lumabas pero parang siya mismo ay nanghihina na sa kawalan ng exercise na maglakad ng mahaba tulad ng kapag napasok siya. Naririnig pa niyang kausap ito ng kapatid niya sa baba.


KNOCK..


KNOCK..


"Lizzie!"

Pumasok siya sa loob ng kwarto niya mula sa labas, sa terrace. Pinagbuksan niya ang kanyang Ate at umupo siya sa computer chair niya.

"Bakit Teh?" Tamad na tanong niya. Marahil ay ibibigay lang muli nito ang xerox copy ng notes na hinihiram ng kapatid kay Tristan.


"May bisita ka." Sagot nitong nakangiti.


Napabuga siya ng hangin. "Bisita? Bawal akong magbisita, di ba?" Inis na sagot niya. Akala niya ay niloloko siya nito.


"Meroon nga." Nakangiting giit nito at tinalikuran na siya.


Napaawang ang kanyang labi ng makita niya ang sinasabing bisita.

"Lizzie."


"Whimper?" Gulat na gulat na tanong niya.

"Gift ko sa iyo." Huling sabi ng Ate niya. Tinulak nito si Whimper sa loob ng kwarto niya at hinila na pasara ang pintuan.

"Kumusta?" Tanong nito sa kanya. Lumapit ito at sumandal sa computer table sa harap niya.


"Ok lang. Bakit ka naandito?" Nagtatakang tanong niya. Hindi naman sila in good terms. Ang huli nilang kita ay noong nabugbog ang mga ito because of her.


"Ah... Pinapasabi kasi ni Sir Karl ang mga assignments mo daw para sa SBO outreach project natin next week." Sagot nito habang nakapamulsa at titig na titig sa kanya.

Dug..

Dug..


Kumakalabog ang puso niya sa titig ni Whimper!


"S-sana isinulat mo na lang at pinabigay kay Ate. O itinext mo na lang." Ayan na! Nabubulol tuloy siya sa kaba. Kasi naman! Ang gwapo ni Whimper sa suot nitong sumbrero!


"Isinulat ko. Ito oh." At iniabot sa kanya. Pigil na pigil niya ang manginig sa pag-abot ng papel. Ninenerbyos siya sa presensiya ni Whimper. Nerbyos na may kasamang hindi matatawarang saya!


"Salamat. Nagmerienda ka na ba? Teka ikukuha kita." Tumayo siya para ikuha ito ng merienda. Pero pinigilan siya sa braso ni Whimper.


"Huwag na." Sabi nito habang nakatitig ang mga naaawang mata sa kanya.


"Ok." At uupo na sana siya pero hinatak siya ni Whimper payakap sa katawan nito. Pulang-pula si Lizzie. Hindi niya alam kung paano magrereact!


"Dito ka muna. Alam mo bang namiss kita?" Bulong nito sa tenga niya.


Napadistansya siya dito at itinulak ito ng mahina palayo sa kanya. Umatras siya para magkaroon sila ng distansiya. Anhihirapan kasi siyang huminga sa kaba.

"Mas mabuti pang nag-aaway tayo sa school. At least ay nakikita kita araw-araw doon. Kesa ang ganito na wala nga akong kaaway, pero naimiss naman kitang makita." Nakatitig sa mga mata niya ito kaya nababasa niya ang sinseridad nito.

Awkward moment. Iyan ang tawag sa nangyayari ngayon. Wala kasing nagsasalita sa kanila. Basta lang magkatitigan sila.


"B-bakit naman mamimiss mo ako?" Nabubulol na namang tanong niya.

"Pakiramdam ko kasi, kulang ang school kapag wala ka."

"Pero... Bakit... Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan? Hindi ba't magkaaway tayo?"


"Nung tinulungan mo ba ako, naisip mong magkaaway talaga tayo?"


"Ikaw ang naunang nag-nais na tulungan ako."


Lumapit ito at tinitigan siya sa mga mata niya. "Sinubukan ko pero hindi naman ako nagtagumpay. Sa huli ay ako pa ang inasikaso mo. Nakadagdag pa ako sa pinagtanggol mo." Malungkot na sabi nito.

Nakipagtitigan din siya dito. Miss na miss niya na ang ganito na dati ay parang ordinaryo lang sa kanilang dalawa. Pero ngayon, ang ganitong mga pagkakataon ay bihira na. Ang matitigan sa malapitan sng mga mata nito. Ang mag-usap sila ng hindi nagkakagulo o nagaaway, ay bihira.

"Hindi importante kung natalo mo ba sila o ano. Ang importante Whimper, ay ang sinubukan mong ipagtanggol ako. Doon pa lang ay nagpapasalamat na ako. Maraming salamat. Walang halong kalokohan, salamat talaga!" Sabi niyang seryoso din.


Awkward Silence.

Napalunok siya.

"Ito ba ang mga duties ko kapag pumasok na ako?" Pag-iiba niya ng topic at binasa ang binigay ni Whimper.


"Bakit parang nangayayat ka?" Parang hindi nito narinig ang tinanong niya. Imbes siya pa rin pala ang tinitingnan nito.

Pero hindi niya kayang makipagtitigan dito. Kaya kahit kita niya sa peripheral vision niya na nakatingin ito, hindi niya pinansin. "Ang dami ko pa lang duties for SBO pagpasok ko." Sabi niya na nakatingin pa rin sa papel.

Hinawakan ni Whimper ang baba niya paharap dito. Tinitigan ang kanyang mga mata.


"Bakit ba iniiba mo ang topic?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

Natulala siya at nakatitig lang sa mga mata nito. Tumikhim ito at ngumisi. Para bang inaasar siya sa kanyang reaction. At dahil mapride si Lizzie, umiwas siya ng tingin. Dahil sa tuwing ganitong sila lang ang magkaharap, isa lang ang sinisigaw ng puso niya na ayaw niyang pakinggan...


Mahal pa niya si Whimper!


______________________________

A/N:


VOTE. COMMENT. FOLLOW.

The ChaseWhere stories live. Discover now