Bet Your Heart ♡ Chapter 38

Start from the beginning
                                    

Napayuko siya na parang nag-isip. Hinayaan ko lang siya na i-absorb ang lahat ng sinabi ko. Sana lang ay natauhan na siya.

"I just wanted to get back the feelings I had for you before," mahinang niyang wabi maya-maya.

Napangiti ako. I guess, he's already in defeat. Parang inamin niya na rin kasi na si Wendy na ang mahal niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Inangat ko ang mukha niya. Nang nakita ko ang mukha niya ay parang gusto ko na lang tumawa dahil parang naiiyak siya na ewan. Pero hindi ito ang tamang panahon para pagtawanan ko siya at kantyawan kaya pinigilan ko ang sarili ko.

"Kung anuman 'yang problema niyo ni Wendy, maayos din 'yan," nakangiti kong sabi sa kanya habang hawak pa rin ang baba niya.

"Tsss!" Tinanggal niya ang kamay ko sa mukha niya. "Walang 'kami,' okay?"

"Ewan ko sa'yo! Ang arte arte mo na namang lalaki ka!" pabulyaw kong sabi na may kasama pang batok.

"Aray!" Humawak siya sa ulo niya. "'Yan ka na naman sa pagka-sadista mo, ha?!"

"Ewan ko sa'yo," nakairap kong sabi at uupo na sana ulit ako nang hinila niya ako bigla. Then I just felt him hugging me so tight.

Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa yakap niyang iyon kaya niyakap ko siya pabalik. Alam kong kapag natapos ang yakap na iyon, babalik na ulit kami sa dati.

"Yeah, I missed you too, Best," nakangiti kong sabi kahit tahimik lang naman siya.

"Thanks, Best," bulong niya sa akin.

"Thanks for what?" pabulong ko ring tanong.

"Dahil hindi ka nagalit sa mga kalokohan ko nitong mga nakaraang araw and you still managed to be here kahit na sobra yata ang mga nagawa ko sa'yo," sagot niya.

Lumapad pa ang ngiti ko dahil doon. Pero napansin kong pinagtitinginan na kami ng ibang mga customers kaya kahit ayoko pa matapos ang yakap na iyon, inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya. Sinubukan kong alisin din ang mga kamay niya pero hindi ko nagawa dahil parang ayaw niya akong pakawalan.

"I love you, Best..." Mas lalo pang humigpit ang yakap niya. "The best ka talaga."

"Yeah, yeah... I love you, too, Best," tugon ko. "Pero p'wede bang bitawan mo na ako? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao."

Binitawan niya naman ako. Pagkatapos ay tumingin siya sa mga taong nakatingin sa amin at ngumiti sa mga ito.

May pagka walang-hiya talaga ang lalaking ito!

"Masama na bang mag-hug ang mag-best friends ngayon?" may kalakasang tanong niya at ewan ko kung sa akin ba siya nagtatanong o sa mga taong nakatingin sa amin.

Either way, hindi ako sumagot. Umupo na lang ulit ako sa upuan ko at yumuko na lang sa pagkain. Nakakahiya kasi talaga.

Nang alisin ng mga tao ang tingin sa amin ay nagpatuloy kaming kumain habang nagkukuwentuhan, like the old times.

Nakakatuwa dahil sa isang iglap lang ay bumalik na kami sa dati. The silly and crazy best friends. Na-miss ko talaga siya ng bonggang-bongga, kaya pagkatapos namin kumain nag-aya pa ako na mag-ikot sa mga stores ng mall. Gusto kong sulitin ang araw namin at pinagbigyan naman niya ako sa mga gusto kong gawin.

"Best, which color ang masbagay sa'kin?" tanong ko habang hawak ang dalawang blouse na color gray and light brown na pareho ang style.

Tiningnan niya ang mga hawak ko pagkatapos ay tumingin ulit siya sa tinitingnan niyang mga damit kanina. May kinuha siyang pink floral na blouse.

"Mas bagay ito sa'yo," he suggested then hand me the blouse.

Sinamaan ko siyang ng tingin. "Yuck! Ayoko n'yan," nakangiwi kong sabi at ibinalik ko sa kinuhanan niya iyon.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now