Bet Your Heart ♡ Chapter 38

Start from the beginning
                                    

Mula sa pagiging seryoso ng mukha niya ay nagsalubong ang mga kilay niya and his eyes, there's something in it that I can't read. Pero hawala rin iyon kaagad.

"Maybe, she's fine," pinilit niyang itago ang bitterness niya, but since I know him so well, I still heard it from his voice.

"Nagkita na ba ulit kayo?" tanong ko pa kahit pa alam kong ayaw niyang pag-usapan namin ang babae.

Well, I need to know something, and I think, the answer lies on that girl based on his reactions.

"Let's not talk about her," pag-iwas na niya na nagbigay ng maliit na kumpirmasyon sa iniisip ko.

"Come on, Renz... magkuwento—"

"We haven't seen each other again, okay? Wala among maikukuwento."

I rolled my eyes. "Okay."

Ang sungit. Pero kung walang tatalo sa kasungitan niya, wala ring tatalo sa kakulitan ko.

"Eh, bakit hindi pa ulit kayo nagkikita?" Sinawsaw ko sa ice cream ang tatlong fries at sinubo iyon ng sabay-sabay.

"Lianne, please...?" he gave me a look that is asking for understanding.

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na nagsalita.

Ano ba'ng ginawa ni Wendy dito sa best friend ko at nagkaganito? Binasted niya ba? Niloko? Pero wala naman sa hitsura ni Wendy na nangloloko siya ng lalaki.

Kung ano man ang nangyari sa kanilang dalawa, sana naman maayos pa para hindi na nagkakaganito si Renz. Dahil sumasakit ang ulo ko sa kanya at hindi ko matiis na nakikita siyang nagkakaganito.

"Renz..." tawag ko ulit sa kanya makalipas ang ilang minuto.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na manahimik na lang. Ang dami kong gustong itanong sa kanya at kailangang-kailangan ko ng sagot niya para maging maayos na ang kalokohang ito.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" tanong ko nang mag-angat siya ng tingin.

"What do you mean?" balik tanong niya.

"B-bakit tayo nagkakaganito? I mean—"

"Kasi nga gusto kita," walang kaabog-abog niyang sagot. "Mahal kita. Hindi ko kayang tiisin na nakikita kayo ni Kuya na magkasama palagi habang ako nakatingin lang sa inyo at walang ginagawa para maramdaman at malaman mo rin na mahal kita."

Umiling ako. "No, Renz—"

"Dati ko pa nararamdaman ito sa'yo pero itinago ko lang dahil mag-best friend tayo at ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Pero naisip ko na dapat ko rin sigurong ipaalam ito sa'yo. I took the risk kahit pa ang pagkakaibigan natin ang nakataya rito dahil ayokong magsisi sa huli na hindi ko ipinaalam sa'yo ang nararamdaman ko," madamdamin niya pang paliwanag.

Natuwa ako kahit papaano dahil inisip niya rin naman ang friendship namin. Pero hindi ko alam kung dapat ba akong maniwalang may nararamdaman siya sa akin lalo na at may Wendy na dumating sa buhay niya. Siguro nga, nagustuhan niya ako noon, pero sigurado akong wala na iyon ngayon.

"Paano si Wendy?" mapanubok kong tanong sa kanya.

"She's out of the picture here."

"No she's not," salungat ko sa kanya. "Kung nandito ba si Wendy masasabi mo pa ang mga 'yan sa akin ngayon?" I asked further, proving.

Natigilan siya sa tanong ko at hindi nakasagot. It's like I hit him, big time.

"See?" Dinuro ko soya gamit ang fries na hawak ko. "You cannot answer to my question. You know why? Because you have something for her. You care for her or maybe, you already love her. Siguro nga, may nararamdaman ka sa akin dati. Pero kahit gaano mo katagal inalagaan iyon, nakilala mo lang si Wendy, nawala lahat ng iyon na parang bula at napalitan ng nararamdaman mo para sa kanya."

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now