Alam ko yun ah, sementeryo yun. Imposibleng mga magulang niya, anak kaya? Baka kamag anak. Nagmaneho ako nang tahimik, di na rin naman siya umimik. Ang importante nasa trabaho parin ako ngayon at gagalingan ko na sa ngayon.

Dahan dahan kong minaneho ang kotse nang nasa compound na kami nang sementeryo. Malawak at malinis iyon, syempre puro mga mayayaman ang naka libing kaya dapat high quality yung serbisyo.

''Stop.''

Sinundan ko siya ng tingin nang makalabas siya. May lungkot akong nakikita sa mga mata niya kanina. Gusto ko siyang puntahan at damayan pero ayokong gumawa ulit nang mali kaya minabuti ko na munang manatili.

Akalain mo yun, balik trabaho agad ako? Hinimas ko ang manibela nang sasakyan, siguro kung naging mayaman lang ako, may ganito na ako ngayon. Ang lamig at ang bango pa sa loob.

Ilang minuto na ang lumipas ay di pa rin siya bumabalik. Bumaba ako nang sasakyan at lumapit doon sa magarang museleyo. Pilit ko pang inaaninag doon si sir. Nabigla ako sa nakita, umiiyak siya.

Rafaella Celestial Lambert
1986 - 2006

Kapatid niya kaya yun? Gustong gusto ko siyang damayan pero natatakot ako. Ayokong sigawan niya ulit at palayasin. Mula sa labas ay nakamasid lang ako sa kaniya. Nakaramdam ako nang away sa kaniya. Malungkot ang buhay niya.

Di nagtagal ay hinalikan nang lalaki ang naka ukit na pangalan doon bago umayos nang tayo.

Kumaripas ako nang takbo nang akmang lalabas na siya. Hinihingang akong umayos nang upo agad sa driver's seat, muntik na ako doon ah.

Ngumiti ako nang malawak kay sir nang pumasok na ito. Nawala na yung lungkot sa mukha niya napalitan ulit ito nang di ko mabasang ekspresyon. Sayang siya eh, ang gwapo pa naman sana kaso nga lang, gay.

''Saan tayo, sir?''

''Office.''

Ang boring talaga ng isang 'to, pwede namang sabihing, bess, sa office na tayo gogora, mag agahan tayo doon, werpa bess!. Gusto kong matawa sa mga naiisip ko. Ang sagwa naman ni sir kapag gumanoon siya, malamang ang daming lalaking slash bading ang mag hahabol sa kaniya! Hahaha!

''Is there something's funny?''

Sinilip ko siya mula sa rear mirror, umiling iling ako, sayang eh. Tsk!

Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at pumasok na agad sa kompanya.

Nang wala naman na akong gagawin ay sumaglit ako nang LTO office para mag renew nang driver's license ko. Babalikan ko nalang bukas kaya ng bumalik ako sa kompanya ay si Lorvin agad ang nakita ko sa machinery depot.

Nag wave siya sakin kaya kumaway na ako pabalik, ito ang tunay na lalaki. Palangiti at ampogi! Humiwalay ito sa mga kasama niya at lumapit sakin.

''Hi! --- are you free for lunch?''

Napangiwi ako, inglis eh?

''Magpapaalam muna ako kay sir --- teka nga ulit, anong pangalan pala ni sir Lambert?''

Tumawa ito nang malakas, gusto ko pang mainis pero pinigilan ko dahil nga nabibighani ako sa kaniya. Lakas din mang inis nang isang to eh noh?

''Seriously? --- he's The mighty Shiba Sean Lambert with his black three piece suit in all time business mags and tabs and yet, you don't know him?''

Natameme ulit ako, Tagalog only plis! Shiba Sean. Ang galing naman nung pangalan, big time! Gay nga lang.

''--- ganito nalang hihintayin kita nang around 12 noon. Ako na ang magpapaalam kay kuya, aryt? '' ginulo niya muna ang buhok ko saka umalis na.

Oh my gad! Kinikilig ako! Shet! Siya na! Niyayaya niya akong mag lunch, date na'to! OMG!  Napasuntok pa ako sa hangin sa sobrang saya. Pumapag ibig na ako, nagpakita na si Batman. Ayos!

Alas onse 'y media nang umakyat na ako sa office ni sir Shiba. Shiba, kakaibang pangalan yun ah.

''Ma'am Glends, pwedeng makausap si sir Shiba? ''

Ngumiti ang babae at tumango habang may ka telebadbad sa phone.

''Ay wait!--''

Marahan kong binuksan ang pinto, ang akala ko ay nag iisa si sir pero may kasama siya.

'' ---I mean,  why, kuya? Isn't it because she looked like ate Ella?''

''Shut up Lorvin! How dare you talk to me like that?! Wala kang karapatang banggitin ang pangalan nang asawa ko! ''

''Okay, I'm sorry. --- she's having lunch with me, like it or not.''

''You're always acting like a brat son, Lord Lorvin. She's working with me, so hawak ko ang oras niya. --- if that's all, you can leave.''

Nanigas ako, bobo ako pero naiintidahan ko naman yung ingles nila. Pinag uusapan nila ako, nag aaway sila? Di ako tumuloy sa pagpasok, ang ginawa ko ay humarap ako sa table ni ma'am Glenda at kunwari may sinasabi ako sa kaniya. Saka ko narinig ang pagbukas nang pinto. Alam ko namang may mali din ma'am Glenda kaya ngumiti din siya nang pilit sakin.

''Youmie---''

Nagitla ako, hindi ko alam kung haharap ba ako o hindi.

Tumikhim siya kaya kahit na kinakabahan ay humarap ako sa kaniya.

''Oy, Lorvin!'' Kunwari di ko alam.

'' --- I'm sorry, next time nalang pala muna yung lunch natin. May review pa pala ako ngayon.''

Kunwari tatawa ako at sasahing..

''Naku, okay lang Lorvin. Basta ba may next time!''

Ngumiti siya, yung totoong ngiti.

''Yeah! I'll call you, okay?''

Ginulo niya ulit ang buhok ko saka umalis. Bigla akong nalungkot. Sumimangot akong napatingin sa pinto nang boss ko. Gusto kong isumpa ang taong nasa loob noon. Nag - iinit ang kamay ko at gusto kong butasan ang gilid niya gamit ang ballpen na hawak ni maam Glenda.

Agad akong bumawi nang tingin sa pinto nang bumukas ito. Lumabas ang gay boss ko at salubong ang kilay na tiningnan ako.

''Drive for me.'' Sabi niya tapos nilampasan ako.

Shet! Pwede namang magtanong kung gutom na ako?! Tang na naman oh!

Aalis na sana ako nang magsalita si maam Glenda.

''First time nagkaroon ng driver si Sir Shiba, first time din niyang mag lunch out, at sa first day naman ni sir Lorvin ikaw agad ang gusto niyang makasama sa lunch. Tsk! Tsk !and that is really something Youmie, kaya gusto kita.''

-------

Hit votes and drop your comments po.

Aasahan ko po ang inyong opinyon at koreksyon!

Maraming salamat at maligayang pagbabasa!

-ate batch

 

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon