"Sinuot pa talaga ang t-shirt ni Kuya!" Sabi nito ng mapatapat sila sa harap nito. Hindi siya nakasagot kasi hindi naman siya pwedeng huminto dahil matitigil ang buong linya ng parada sa likod nila. Hanggang makalampas sila ay nakatitig lang sila sa isa't-isa.


"Problema noon?" Tanong niyang hindi sinasadya na marinig ni Dave.

Bumaling ito sa kanya habang naglalakad pa rin sila. "Sino? Si Whimper?" Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.


"Ang sama kasi tumingin." Sagot namn niya dito. No choice na eh. Buking na siya so, sinagot na lang niya.

"Selos lang iyon. Bayaan mo siya." At balewalang tumingin na si Dave sa harapan.


Nagpatuloy rin siya sa paglakad. Pero ang isip niya ay nasa tanong na, 'Bakit magseselos? Mahal pa ba niya talaga ako?' Ipinilig din niya agad ang ulo. Dahil alam niyang hindi na siya siguro mahal ni Whimper. Wala na naman itong sinasabi sa kanya.

'Baka naman akala lang ni Dave.' Saway niya sa sarili. Imposible namang mahal pa siya ni Whimper. Lalo na't alam niyang galit na ito sa kanya. At marami na ring nagkakagusto dito ngayon, bukod kay Sam. Kaya marahil naka move-on na ito.


(Later..)


"DAVE! DAVE! DAVE!" sigaw ng halos buong college department.


"YESS!!" Sigaw ng teammates ni Dave.


Nanalo kasi sila ni Dave as muse and escort. Sa sobrang tuwa nila ni Dave ay nagyakap sila ng hindi sinasadya!


Dug..


Dug..


Tambol ng puso na naman niya.

Naitulak niya tuloy ng bahagya si Dave palayo. Namula naman ito ng marealize kung anong nagawa nito. Siya naman ay hindi makatingin ng diretso.

"Sorry!" Halos sabay na hingi nila ng tawad.


"Ok lang!" Halos sabay rin nilang sagot.

Napangisi si Dave sa paulit-ulit nilang pagsasabay. Kaya tuloy hindi narin napigilan ni Lizzie ang mapangiti. Pero agad ding napawi ng napatitig siya sa magandang mata, matangos na ilong, manipis na labi at bagsak na buhok ni Dave.

Dug..


Dug..


'Hala! Crush ko na ata ulit si Dave!' Bulong ng puso niya.



Agad-agad siyang umiwas ng tingin kay Dave. Mabuti na lamang at dinumog na sila ng teammates nito na isa-isang nag-congratulate sa pagkakapanalo nila. Napatingin pa siya sa kabilang team. Inis na inis ang kinuha nilang muse, isang rising model, dahil tinalo ito ni Lizzie. Nagpapadyak ito at parang nahihiya. Kung tutuusin ay mas sexy ito sa kanya. Pero...

"Ang ganda mo talaga! Tinalo mo sila!" Sabi sa kanya ni Dave habang nakangiti at pinisil pa ang pisngi niya.

"UYYY!!!" Tukso ng ng mga nakarinig sa sinabi ni Dave.

Pulang-pula na naman si Lizzie. Gusto niyang tumakbo palayo dahil sa hiya at kilig. Pero para mapagtakpan ang kilig, "I know! Maganda naman talaga ako!" At ngumiti na lang siya para mawala ang nerbyos. Nerbyos na akala niya naka-get-over na siya dati.


"Ah Lizzie, ang totoo, kaya ako umalis kanina kasi ang sweet ninyo ni Whimper." Halos pabulong na sabi nito ng isa-isa ng naglalabasan ang mga estudyante.


"Selos? Bakit?" Nagtatakang tanong niya.


"Ang sweet ninyo kasi kanina. At aaminin kong bagay kayo." Sagot pa nito na napatungo.

"Kami sweet? Eh palagi nga kaming nag-aaway eh." Sagot niya rito.


"Oo nga. Pero kasi kanina ng makita ko kayo sa harap ko, noong kinantahan ka niya, noong sumabay ka sa kanta niya, at noong hinihimas niya ang noo mo dahil nagkauntog kayo, na realize ko na bagay talaga kayo. Parang magiging kontrabida lang ako sa inyo." Mahabang paliwanag ni Dave na ngayon ay nakatingin na sa mga mata niya.

"Akala ko ba gusto mo ako? Bakit parang sumusuko ka na?"

"Pero kasi, kung talagang magkakaayos kayo ni Whimper, willing akong mag-giveway."


"Huwag kang sumuko, Dave. Dahil sa ngayon, parang kahit pagiging magkaibigan ay hindi na posible para sa amin." Paliwanag pa niya.

"Huwag ka kasing mabuhay sa nakaraan, Lizzie. Pag-aralan mong magpatawad at makalimot." Payo nito sa kanya.


Natigilan si Lizzie. Ngayon alam na niya. Crush na niya ulit si Dave. Dahil sa kabaitan nito at hindi na dahil sa pisikal na anyo. Dahil kung iba sigurong manliligaw iyon, maaring sulsulan pa siyang huwag makipag-ayos kay Whimper. Pero ito nga at imbes na iyon ang sabihin, nangibabaw na naman ang pagiging rational niyong mag-isip. Ang unbiased na payo nito.

"Alam mo Dave, swerte ako. Swerte ako kasi pinagtuunan mo ako ng pansin. Napakabuti mong tao. You never talked bad about others. Wala kang halong pagpapanggap." Amused na sabi niya rito.

"Kaya nga, sana kung hindi rin lang ang kapatid ko ang pipiliin mo, sana AKO na lang." Seryosong sabi nito habang titig na titig sa kanya.

________________________________


A/N:


Help me promote this my dear readers.

The ChaseWhere stories live. Discover now