"Naku! Baka matalo ang soccer team sa best muse contest." Girl 4.

"Huwag mo silang pansinin." Bulong sa kanya ng isang teammate ni Dave.

Ngumiti lang siya at tumango. Papunta na siya ng pila ng may makita siyang ribbong green na galing ata sa decorations ng lobong kapit ng freshman. Dinampot niya iyon at itinali sa buhok niya. Pagkatapos ay ipinatong na niya sa suot na t-shirt ang damit ni Dave.

"OMG! Sila na nga ata! Suot niya ang intrams shirt ni Dave." Girl 1.

"Oo nga! Swerte naman!" Girl 4.


"Baka nga girlfriend ni Dave!" Girl 2.


"Lizzie, ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Dave. Narinig din kasi nito ang bulong-bulungan ng mga estudyante.


"Oo. Ayos pa ba ang itsura ko?" Nag-aalalang tanong niya. Kasi hindi man lang siya nakapagsuklay ng ayos at nakapagmake-up.


Dinukot ni Dave ang panyo sa bulsa at pinunasan ang pawis niya sa mukha. "Maganda ka talaga. Simpleng-simple ang ayos mo, pero maganda." Hinigpitan pa nito ang buhol ng ribbon sa buhok niya.


Dug..


Dug..

Kumakabog ang dibdib niya sa simpleng sweet gesture ni Dave.


"Ibuhol natin para hindi gaanong malaki." Bago pa siya makakilos ay ibinuhol na ni Dave ang t-shirt niya sa gilid. Ang laki naman kasi ng size ng shirt ni Dave.


"T-thank you!" Nauutal na sabi niya. Alam niyang pulang-pula na ang pisngi niya sa sobrang kasweetan ni Dave.


Isinukbit ni Dave ang kamay niya sa braso nito. "Halika na, Miss Muse." At ngumiti pa ito ng maganda sa kanya.

"Ikaw ang escort?" Tanong niya rito habang tinatahak nila ang unahan ng pila ng soccer team.


"Yes." At kumindat pa ito sa kanya. Kindat na nakapagbigay ng kakaibang sensasyon na naman sa kanya.

Dug..

Dug..

Ginugulo na naman tuloy siya ng puso niya! Ang gwapo naman kasi talaga ni Dave! Sobra!

Pumosisiyon na ang drum & lyre sa unahan ng pila. Kasunod ang may hawak ng banner ng soccer team. Kasunod sila ni Dave at ang mga teammates nito na nasa likod nila. Pagkatapos ay ang iba't-ibang team na kasama ang mga muse nila at escort.


Pumarada sila sa buong school. Mula college building hanggang elementary department ay inikot nila. Pagkatapos libutin ang buong school ay pabalik na sila sa gym ng college. Pero nang naglalakad na sila pabalik, nakita niya ang mga batchmates niya sa quadrangle. Mga nakikinuod ang mga ito ng parada ng kolehiyo.


"Lizzie! Ganda mo!" Sigaw ng grupo ng mga lalaking high school. Napalingon siya at nakilala niya ang dalawa roon ay suitors niya.


"Best muse ka na!" Sigaw sa kanya ni Cheenie ng madaanan nila ito. Ngumiti lang siya kay Cheenie at kumaway.

"Wow! Lizzie!" Tili naman ng classmates niya.


"Ayy! Suot ni Lizzie ang damit ni Dave!" Tili ng 4th year na babaeng estudyante. Para pa itong mangingisay sa kilig ng ngitian ito ni Dave.


Tipid siyang ngumiti at kumaway sa mga ito. Pero may nahagip ang paningin niya. Nakita niya si Whimper na nakasandal sa puno. Ang mga kamay nito ay nasa bulsa. Masama ang titig sa kanila. Hindi man lang ito ngumingiti kaya hindi rin niya binati. Base sa expression ng mukha nito ay mukha itong galit.

The ChaseWhere stories live. Discover now