Chapter 2: After 3 months

Start from the beginning
                                    

*Recess Time*

"Pst, kamusta kayo ni Daniel? Wala pa bang improvement sa inyo"-Jade

"Huh? Ano ba ang pinag sasabi mo dyan ha?"

"DUH!! Hindi pa ba kayo?"

"Ilang ulit ko ba sasabihin na HINDI KAMI at HINDI MAGIGING KAMI ha? Mag kaibigan lang kami"

"Ok sabi mo eh"- Jade and Shaine.

Nagtataka kayo kung bakit silang dalawa ang lagi kong kasama dahil lahat ng estudyante dito ay may galit sakin kasi daw inagaw ko sakanila ang daniel nila, Tsk. Ang babaw nila, Mga insecure lang ang tingin ko sakanila, pasalamat sila mabait ako kaya hindi ko sila pinapatulan.

"Rheyel ko... Sabay tayo mamaya umuwi ha"

"Oo na"

Umalis naman siya sa harap ko.

"Hannah nakapili ka na ba ng club mo?"-Jade

"Yes dance club ang napili ko"

"Ay!! Oo nga pala 1st year ka pa lang dance na ang passion mo"- Shaine.

"Haaay nako tara na sa room, Male-late na tayo"

Umakyat na kami at umupo na sa upuan namin, pumasok naman yung teacher namin.

"Ok class good morning"

Tumayo kami at nag good morning.

"You may take your seat"

"Thank you"- sabi namin.

Ayun umupo na kami at nag pay attention ako sa adviser namin.

"So I'am ma'am Liza Santos ang adviser ng Star section this year"

Hmm, Strikto siya pero maganda, mukhang bata pa at sexy kaya yung mga boys ay nakatuon lang kay ma'am Liza, Tumingin naman ajo kay Daniel, Aba!! Subukan lang niya tumingin kay ma'am Liza malilintikan siya sakin.

Nung tumingin ako sakanya eh ngumiti naman siya sakin, Syempre ngumiti din ako at humarap ulit sa black board i mean kay ma'am Liza.

*BzzzT*

Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa ng palda ko para tignan kung sino ang nagtext.

Fr. Daniel Ko :)

Don't worry Rheyel ko, hindi ako titingin ng matagal kay ma'am Liza, SAYO lang AKO ;)

-End-

Ay!! Nahalata? Kaya napangiti na lang ako.

*Lunch Time*

"Anong gusto mo? Treat ko"

"Himala't nang libre ka sakin"

"Haha Basta libre mo yung pamasahe natin mamaya"

"Oo na"

Nag order naman siya tas kumain na kami.

"Galata tayo mamaya?"-Yaya niya

"May gagawin pa kami i mean ako"

"Ok next time na lang mag mall tayo"

"Opo"

*Dismissal*

"Tara na"

"Wait mag lalagay lang ako ng powder sa face ko atsaka mag susuklay"

Nag hintay naman siya sakin, Nakaupo ako sa may teachers table siya naman nakaupo malapit sa aircon para malamig daw.

Maya-maya lang lumapit siya sakin tsaka niya inayos yung buhok ko parang hinimas lang niya para umayos, kapantay ko ang mukha niya at medyo malapit ang mukha niya sakin, Siguro mga 12inches ang layo, Pero hindi ako naiilang dahil kaibigan ko siya

"Bat ba kailangan mag paganda ang isang babae kung alam naman nila na maganda sila"

"Para mas lalong gumanda sila"

"Eh bat yung iba nag me-make up pa?"

"Para gumanda sila"

Dinala niya yung bag ko at dala-dala ko naman yung bag niya, Exchange Bag kami eh.

Lumabas na kami sa room at naglakad pababa habang nag kwe-kwentuhan.

"Malapit na ang intrams, Sasayaw ba kayo sa program?"

"Ah oo kaya baka next week mag papractice na kami sa sayaw"

"Nako... Mapapagod ka na naman niya"

"Andyan ka naman para mawala ang pagod ko"

Ngumiti naman siya sakin at tumahimik lang.. eh? Bat naman siya tumahimik

Sumakay na kami sa tricycle at umuwi na.

*Hannah's Mansion*

"YAYA!!"

"O? Napano ka't sumigaw ka?"

"Ahehe wala lang po, Andyan po ba si mommy?"

Pumasok na ko sa loob at sumunod kay yaya.

"Wala hannah, Sumunod siya sa daddy mo, Gusto mo ba kumain? Ipagluluto kita"

"Ayaw ko po kumain, sige po akyat lang ako"

Nung nasa kwarto na ko eh nag bihis na ko ng pang bahay.

*Gee... Gee... Gee... Gee... Baby... Baby ... Gee... Gee... Gee... Gee... Baby... Baby*

(AN: Ringtone yan... Gee by Snsd)

Nung nakita ko kung sino ang tumawag eh agad kong sinagot.

"Hello Daniel ko"

"Tumingin ka sa bintana mo"

*TooooT*

Kaya tumingin ako sa bintana na nasa gilid ng kama ko, nakita ko naman siya na nakaupo at may sketch pad na may sulat na.

"Kumain ka na?"

Hinanap ko ang sketch pad ko at pentel pen tsaka ako nag sulat.

"Hindi pa eh, Ikaw? Atsaka bat di ka na lang tumawag sakin?"

Inintay ko naman siya matapos mag sulat.

"Tapos na ko kumain kaya kumain ka na, Sayang yung load ko sayo"

"Ang sama mo talaga!! If i know kuripot ka"

"Hindi ah!! Osiya tulog na ko, Kumain ka na wag mag palipas ng gutom atsaka matulog ng maaga para hindi ka pumanget, Bawal mag puyat"

"Hahahaha... Yes DADDY"

Bago siya umalis eh nag flying kiss siya sakin, Ang sweet niya talaga.

Tinabi ko naman ang sketchpad ko at pentel pen ko atsaka ko binuksan yung computer ko at inopen ang microsoft word then nag type ako.

"First day of class meaning 3rd year high school na ko"

Hmm, Ano pa kaya? Pinindot ko naman yung Enter ng keyboard.

"Ano pa kaya mangyayari ngayong 3rd year na ko... Kami"

"Magiging masaya ba o malungkot?"

At sana maging masaya ang year na to, yung memmorable na 3rd year high school life.


Friend ZoneWhere stories live. Discover now