39

2K 47 6
                                    

Controversial


Patrick's POV


"What's the meaning of this?" Napakasamang bungad sa umaga ko. Hindi ng manager ko, kundi ni Trixie.


Pumunta ito sa bahay, dala-dala ang isang diyaryo kung saan naka-post ako sa headline. Plano ko pa sanang magsinungaling na hindi ako yun pero agad kong naisip na hindi pwede dahil sa mga pasa sa mukha ko. Dulot ng mga suntok ng gagong lalaking yun.


Bwisit siya!


*Flashback*

Nasa kalagitnaan ako ng pagkakape sa garden sa bahay nang biglang nag-ring yung phone ko. Hindi naka-register yung number sa phone ko, gayunpaman, Hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon.

"Hello?" Bungad ko.

[Hello? Patrick?] Tanong pa nung nasa kabilang linya na tila hindi sya sigurado sa tinawagan nya.


"Ako nga si Patrick. Sino 'to?"

[Si Yanna 'to. Remember me? Yung kaibigan ni Sowee.] Muntik ko na syang makalimutan pero buti nalang pinaalala nya kung sino sya.


"Yes, naaalala kita. Anong kailangan mo?" Cold kong tanong dahil unang-una sa lahat, wala ako sa mood. Dahil sa pagod at sa hindi maintindihang bagay na pilit na gumugulo sa isipan ko.


[About kay Sowee.] Parang bigla akong nabuhayan nang marinig ko ang pangalan nya. Dahil narin siguro sa ilang araw kong kaiisip sa kanya dahil sa ginawa ko. Dahil sa paghalik ko sa kanya nang walang dahilan. Madalas akong napapatulala dahil dun kaya madalas din kaming nag-aaway ng girlfriend ko.


"What about her?"


[Nasa isang bar kasi sya. Kasama si Renz. Eh kinakabahan ako eh. Lasing na lasing kasi si Renz at parang wala sa sarili. Feeling ko kasi may LQ yung dalawa.] Teka, LQ? Sila na ba? Itatanong ko pa sana pero mas pinili kong manahimik para hayaan syang magsalita. [Kahit pa sigurado akong mahal na mahal ni Renz ang kaibigan ko, natatakot parin ako baka kung anong mangyari sa kanya. Kaya please naman, puntahan mo naman sila dun oh.]


That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon