32

2.1K 49 0
                                    

A Sign (1)



Sowee's POV


"Baba." Utos nito. Bumaba kami ng kotse. Para akong may mga kasamang alien dito sa tabi ko. Pareho silang naka-hoodie. Mga mukhang tungaw. Pasalamat nalang sila't malamig sa mall.

Matapos nya kasing sabihin na magbo-bonding daw kami, sapilitan nila akong hinatak papunta sa mall. Ewan ko ba kung anong gagawin namin dito. Eto ba yung sinasabi nilang bonding? Tsss! It's too common. -___-

"Anong gagawin natin dito?"

"Tatambay." Sarkastiko pa nitong sagot habang akay-akay si Cloud. Sinamaan ko sya ng tingin pero hindi sya na-threaten. Evil grin kaya yun. "Ano bang laman ng mall? Diba mga damit, pagkain, at kung anu-ano pa. So obviously, mamimili tayo."

Inatake nanaman sya ng kasungitan nya. Kaya ayun, naiwan akong nakatayo sa entrance. Mga peste! Sila na nga 'tong namilit. Nakakatakot lang baka mamaya mahawa pa si Cloud sa ugali nyang yun.

At so ito na rin pala ang bonding na sinasabi nya. Mamimili lang? Anak ng hudas! Eh magaling lang pala syang manuhol eh!

"Wala akong pera para sabihin ko sa'yo. Hindi ko pa nakukuha yung sweldo ko." Sambit ko bago kami pumasok sa isang boutique.

"Don't worry Mommy, I have my card." Sabi naman ni Cloud tapos nilabas nya yung credit cards nya. Waaahh! Buti pa sya. Bata pa may ganun na. Inggit ako. T~T

"Ako nang bahala sa gastos. Just enjoy yourselves." Sabi ni Patrick tapos hinila nya ako papasok dun sa boutique.

Ahhh... So treat pala nya. Dapat lang! Sya ang nag-akit sa date---- ah I mean, bonding na 'to eh. Bonding? Seryoso ba yun?

Pagpasok namin dun sa boutique, sumunod lang ako sa kanila. Titingnan ko na sana yung mga naka-display na damit nang bigla nyang tabigin yung kamay ko.

"Aray! Bakit ba!?"

"Maupo ka nalang. Wala akong tiwala sa fashion sense mo." Seryoso nitong sabi, isa mo pa yung bagot nyang reaksyon.

"Fine!" Sagot ko. Padabog akong umupo dun sa isang upuan na parang waiting area.

Edi sana pala hindi na nya ako sinama, diba? Baka naman gagawin lang nila akong alalay dito na taga-dala ng shopping bags nila. Waaahh!! Yung kay Cloud posible ko pang dalhin pero yung kanya? Baka itapon ko pa! Anong tingin nya sakin? PA nya?

Sinundan ko sila ng masama kong tingin habang naglilibot sa buong boutique. Kapansin-pansin ang ilang sales lady na sumusunod sa kanila. Mga Lima siguro. Don't tell me, lahat sila mag-aassist sa kanya?

Pagkatapos nyang mamili, lumapit sya sakin habang labit-labit yung damit na napili nya. Lahat ng iyon ay isinambulat nya sa mukha ko.

"Ano ba!? Where are your manners!? Tama ba namang itapon mo sa mukha ko 'to!?" Inis kong sabi.

"Isukat mo yan." Walang pakundangang utos nito.

"Hoy! Hindi mo pa nga ako tinatanong kung gusto ko bang sukatin 'to!" Angal ko.

"I didn't ask for your approval para mag-reklamo ka. Ngayon, susukatin mo ba yan o susukatin mo?" Maangas pa nitong tanong. Kitang-kita ko ang palihim na pagtawa nung mga saleslady sa likuran nya, pati si Cloud. Kaya sa inis ko, tumayo na ako at pumunta sa fitting room.

Nakakainis! Akala mo nama'y kung sino kung makapag-utos? Ano ako? Aso nya? May human rights po kaya ako.

Pagpasok ko ng fitting room, isinabit ko yung bag ko tapos yung damit na binigay nya sakin. Ngayon ko lang napansin na dress pala yung pinili nya. Aminado ako, maganda nga. Ewan ko lang kung bumagay sakin yan. Mabilis kong inalis yung blouse at palda ko tapos sinuot ko yung dress. Namangha ako sa ganda ng lapat nito sa katawan ko. Hindi man ganun kaganda yung katawan ko, pero bumagay naman sya. Magaling nga syang mamili ng damit. Hindi kaya may tinatago yun na pusong babae kaya maganda ang taste nya sa damit pambabae? Walang palya eh.

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon