24

2.4K 48 5
                                    

Transfer Student





Yanna's POV




Hi! First time kong magp-POV dito. Thank God at binigyan din ako ni Author.

[Author: -______-" ]

I guess, kilala nyo na naman ako. Ako lang naman ang pinakamagandang character sa story na 'to. Namely, Alexandra Seyanna Martinez. Yanna for short. Wahahaha! Walang makakapigil sakin.

Anyways highways, sisimulan ko ang POV ko sa katangahan ko habang nagkwe-kwento sa bestfriend kong si Sowee. Alam nyo ba na kanina pa ako nagsasalita dito pero sya nakatulala lang? Problema nanaman nya? Parang pasan nya ang mundo eh.

"Hoy sis! Nakikinig ka ba?"

"H-Ha? Ano yun?" See? She's not really listening.

"Wala naman. Nevermind nalang, ang galing mong listener eh. Parang sarili ko lang ang kinakausap ko nito." Angal ko sa kanya.

"Sorry, may iniisip lang ako." Sows! Ayan nanaman sya.

Hindi ko na pinagpatuloy yung pagku-kwento ko. Wala namang kwenta yun so I guess, shut up nalang ako. Nonsense naman so shut up nalang din kayo.

Madalas ko kasing napapansin na lumulutang ang isip nitong si Sowee. Wala atang gravity. Haha tawa kayo. Napansin ko yan simula nang dumating si Patrick ULIT sa buhay nya. Ewan ko ba. I know it's not a good idea na tumira samin si Patrick. Kahit pa ba sabihin nating one month lang. Pero wala akong magagawa. Alas ni Patrick si Cloud eh which is kahinaan naman nitong sismars ko. Talino din ni Pogi eh. But like what I've said, hindi magandang ideya na manatili sya sa bahay at sa buhay nung mag-ina. Mahirap na baka bumalik ang feelings ni Sis para sa kanya. We can never tell. Iba ang tadhana. Mahirap pag napaglaruan ka nyan.

Eto namang si Patrick, hindi ko maintindihan kung bakit pilit syang lumalapit kina Sowee. Ayon naman sa kwento ni Sowee, sya yung nang-iwan kay Patrick because of some serious cases. So suppose to be, galit si Patrick sa kanila. But why the hell is he like that? Parang hindi alam ni Patrick na anak nya si Cloud at ex nya ang sis ko? Kinalimutan ba talaga nya yung mag-ina nya? Kasi kung kinalimutan na nya talaga, it means it's over. Tapos na. Dapat wala nang pakialaman. Pero sa kasong 'to, hindi eh. Si Patrick talaga mismo yung lumalapit.

Hindi na ako magtataka kung bakit nagkakaganito ang sis ko. At hindi ko rin sya masisisi kung may motibo nga si Patrick si paglapit sa buhay nila ni Cloud. Kung yun ay para kay Cloud o para kay Sowee dahil may nararamdaman pa sya. Maganda naman si Sismars eh. Hay naku, pag tinamaan ka nga naman ng katorpehan. Wala namang kaso sakin kung magkagusto pa sa kanya si Patrick. Natural lang naman sa tao yun eh. Ayoko lang umabot sa punto na yung bestfriend ko ang mahihirapan mamili. I'll just respect whatever her decision will be. Kaibigan ko sya kaya susuportahan ko sya. Kung si Renz, edi si Renz. Kung si Patrick, edi si Patrick. Pero mas bet ko si Renz kasi yun ang manok ko. Kitang-kita ko sa kanya kung gaano nya kamahal si Sowee. Okay lang din naman si Patrick, pero alam kong mahihirapan si Sowee sa kanya. Lalo pa't artista ito. Mahirap pag nagkatuluyan ang isang artista at isang ordinaryong tao. Maraming pambabatikos at paninira na mangyayari at ayokong mangyari yun. Ayokong makitang nahihirapan at umiiyak si Sowee. I love her that much that's why I cannot let her suffer like that.

Hinawakan ko yung kamay nya at nginitian sya. "Keri mo yan, sis. Ikaw pa ba? Basta always remember that I'm here. Gawin mo lang kung anong alam mong tama."

"Thank you, sis."

Sakto namang dumating yung prof namin. Back to reality. Tahimik kaming lahat. Parang mga kabibeng sumara.

"Good morning, class." Napaka-common na bati nya.

"Good morning, Ma'am!" Bati naman ng buong klase maliban sakin. Hindi ako mag-aaksaya ng laway para lang batiin ang prof na yan na ubod naman ng baba magbigay ng grade.
-__-

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon