37

2K 45 1
                                    

Brokenhearted Boy


Yanna's POV

Semestral break namin ngayon. Suppose to be nasa bahay lang ako at nagpapahinga. Kaya lang, narito ako. Maghapong nakatayo sa coffee shop habang naghihintay ng sandamakmak na costumers. Buti nalang talaga at marami kaming reserba para sa mga waitress na kagaya ko. Kundi baka nag-collapse na ako dito.

Nasa harapan ako ngayon ng shop. Tapos na kasi ang eight hours na trabaho ko. Buti pa si Sis, pahinga muna ngayong linggo dahil sa pag-aasikaso nya sa napakacute kong inaanak na si Cloud. Buti pa yun naging artista. Eh ako kaya? Kailan?

Ilang taxi na ang dumaan sa harapan ko pero lahat may sakay na. Sa totoo lang, malapit lang naman yung bahay namin sa shop kaso dahil sa pagod ko, tinatamad na akong maglakad. Sobrang dami kasi ng costumer kanina. Ang hirap mag-serve. Mga demanding pa.

Itinataas ko sa ere yung kamay ko bilang pagpara sa mga taxi na dumadaan. Kaya lang para na akong multo dito dahil wala man lang pumapansin sakin.

"Psssst!" Kung saan-saan ako lumilingon para hanapin yung kung sinumang tumatawag sakin. Kahit na hindi ako sigurado kung ako ba talaga yung tinatawag.

"Psssst!"

"Nasan ba yun?" Sambit ko habang naghahanap.

"Hoy! Pangit!"

Tumigil ako sa paghahanap. Pangit daw eh. Edi hindi ako yun for sure. Naks! Kapal pala ng mukha ko. Hindi, pawang katotohanan lang ang sinasabi ko. Hindi kaya ako marunong magsinungaling. Never in my life.

"HOY!"

Ay awan sa'yo! Ang ingay-ingay nun ah!

"HOY PANGIT!!"

"AY SHETENG KALABAW!" Halos tumalon palabas ng dibdib ko yung puso ko nang may marinig akong sumigaw sa likuran ko.

Paglingon ko, shemay naman eh! Ang pangit nung nakita ko. Sino? Yung magaling na feeling bestfriend lang naman ng bestfriend kong si Sowee.

"Anong kalabaw ka dyan? Ang gwapo ko kaya." Sumbat nito.

Saang banda kaya? Lakas ding makapagbuhat ng sariling bangko nitong kumag na 'to eh.

"Alam mo, kahit sabihin mo yan, kahit kailan walang maniniwala sa'yo." Prangka kong sabi.

"Edi wag. Basta sabi ng nanay ko, gwapo daw ako eh." Katuwiran pa nya.

Kita mo? Pati nanay nyang nananahimik ay dinadamay. Tsk! Lakas talaga ng apog nitong pangit na 'to eh.

"Naniwala ka naman sa nanay mo?" Inis kong tanong sabay irap.

"Oo naman. Mother knows best nga diba?" Siraulo talaga. Ilang turnilyo na kaya sa utak nya ang lumuwag? Siguro lahat. Natanggal na nga yata. "Hoy Babaeng Pangit na nga ubod pa ng sungit, bakit hindi ka lumilingon nung tinatawag kita ha?" Biglang switch topic nya.

"Tinatawag mo pala ako? Sorry ha? Hindi ko kasi narinig yung pangalan ko." Mataray kong sabi.

"Hindi ba pangit ang name mo?" Tanong nya at talagang hinighlight pa yung word na pangit ha?

"Excuse me! Ganda kaya ang name ko! A name that surely suits me."

"Lakas ng hangin." Bulong nito pero narinig ko naman.

"May sinasabi ka?" Masungit kong tanong.

"Wala!" Pabalagbag na sagot nya sabay kamot sa ulo. May kuto siguro.

Siguro kung may bagay man akong ikinaiinis sa kumag na pangit na 'to? Siguro lahat. Ay hindi pala siguro, sigurado! Especially yung kutis nya. Mas makinis pa kasi kaysa sakin! Ang puti-puti pa. Akala mo'y snow. Pero hindi ako insecure kasi kahit anong gawin nya, maraming bagay parin ang pinagkaiba namin. Isa na dun ay yung pangit sya at maganda ako.

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon