8

3K 71 8
                                    

Open

Sowee's POV

Papayag kaya o hindi? Pagbibigyan ko kaya o hindi? Aist! Ang gulo!

Buong pwersa kong nililinis yung mesang ginamit nung costumer na kaaalis lang. Actually, wala naman talaga ito masyadong kalat o dumi, sadyang naiinis lang ako kaya halos kumintab na yung mesa sa kapupunas ko gamit yung basahan.

Ilang araw na din kasing magulo yung isip ko. Ilang araw nang binabagabag ng problema yung utak ko. Hanggang ngayon namro-mroblema parin ako. Feeling ko yun yung bagay na hindi ako mauubusan, problema. Sa problemang yun, parang pasan ko na ang mundo sa balikat ko. Sobra ba? Sorry na..

Naging okay naman ang takbo ng training at workshops ni Cloud kasama ang tatay nya. Wala naman akong nababalitaang problema. Masaya na si Cloud sa ginagawa nya. Although hindi pa sya officially nire-release ng cubic entertainment as their new artist. Madalas nang pumupunta si Patrick sa bahay dahil sa paghatid sundo kay Cloud sa school, sa trabaho at sa bahay. Medyo nakakahiya na nga kasi sobra-sobrang abala na yung binibigay namin. But he insisted so wala na akong kasalanan dun.

Pero mag-switch topic man tayo, hindi parin yun yung top problem ko ngayon. Sino pa nga ba? Edi si Renz. Nitong nakaraang araw hindi ko na sya nakikita. Madalang na syang pumunta sa bahay. Nami-miss na sya ni Cloud. Or should I say, nami-miss ko na din sya. Kaya itong utak ko, litong-lito parin. Ano ba talaga dapat ang maging desisyon ko?

"Huy!"

"Ay pusa!" Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa tabi ko si Yanna.

"Anong pusa? Walang pusa dito!" Sambit nito. Maya-maya pa'y napatitig ito dun sa mesang nilinis ko. "Naks! Ibang klase ka rin maglinis eh. Parang bagong bili. Ikaw nalang kaya ang maglinis ng lahat ng mesa dito?"

Nangabatukan ko ito sa inis ko. "Sira! Waitress ako hindi janitress!" Suway ko sa kanya.

"Eh ano ba talagang hinihimutok mo dyan? Hindi ka naman normal na ganyan ah." Tinanong ako nito pero hindi ko nagawang sumagot. Natameme lang ako habang nakatitig sa basahang hawak ko. "Si Patrick ba o si Renz?"

"Bakit ko naman iisipin si Patrick?"

"Edi si Renz nga." Sabi nito. Bigla naman itong lumipat sa parteng kanan ko at hinarap ako. "Sabi ko naman sa'yo, pagbigyan mo na. Hindi naman masamang sumubok diba? Ano bang ikinatatakot mo? Na baka masaktan ka?" Tinanong nya ulit ako ngunit walang kahit anong salitang lumabas sa bibig ko. Tama naman kasi sya eh. Natatakot ako, hindi dahil baka masaktan ako kundi baka makasakit nanaman ako.

"Natatakot akong baka masaktan ko lang din sya." It did take a long time bago ako makaimik muli.

"Hindi mo magagawa yun kung susubukan mong mahalin si Renz. Ako, feel na feel ko na si magiging masaya ka talaga sa kanya eh. Ano pa bang hinahanap mo? Perfect guy na sya. Ideal man!" Minsan iniisip ko, bakit parang mas problemado si Yanna kesa sakin?

Oo, alam ko mas sobra pa sa sobra sya mag-react pero dahilan lang siguro nang concern sya sakin at sa kagustuhan nyang maging masaya ako. Kaibigan ko si Yanna. Kilala ko na sya, alam kong ayaw nyang malulungkot ang kahit sino sa mga kaibigan nya.

"Pero Yanna... Natatakot ako na baka maulit nanaman yung dati."

Yung dati na nagmahal ako sa taong hindi naman inilaan ng tadhana para sakin. Ayoko nang maulit pa yun.

Sandaling nilapag ni Yanna yung tray na hawak nya at kinapitan ako sa tigkabila kong balikat. "Sowee, makinig ka ha?" Bungad nito. Hinintay ko yung mga kasunod nyang sasabihin. Sa mga ganitong sitwasyon, sya nalang talaga ang mahihingian ko ng payong kaibigan. "Iba si Renz kay Patrick. At mas lalong iba ang sitwasyon noon sa sitwasyon nyo ngayon." Tama sya. Magkaiba sila. Magkaiba ang takbo ng mundo noong nakaraan at ngayon sa kasalukuyan. "Hindi mo parin kinakalimutan yung nakaraan mo. Let go of it. Let go of Patrick."

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon