7

3.2K 59 2
                                    

A/N: Second picture to be revealed for one of the characters of this story.

Jean Cloud Villanueva

"Cloud"

Sorry na po kung hindi man kamukha ni Patrick

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sorry na po kung hindi man kamukha ni Patrick. Ang cute nya kasi para sakin eh.. Haha.

--------------------------------------------------------

Undecided

Sowee's POV

"I-I don't know." Ang mga salitang lumabas sa bibig ko na naging kasagutan sa tanong ni Renz. Natulala ako nang tanungin nya ako tungkol dun. Alam kong seryoso sya dun sa tanong nya. Gusto kong isipin na panaginip lang ito. Kaya lang bakit ako? Bakit ako pa? Marami namang ibang babae bukod sakin, diba?

Nais kong malaman kung anong dahilan. Nung nagpasabog pa ang Diyos ng appeal, sinalo ko ba lahat? Sa pagkakaalam ko kasi tulog ako nang mga panahong yun. Pero bakit ganito? Hindi ko maintindihan.

Pinagmasdan ko si Renz. Tumungo ito at nagbuntong hininga.


Minsan talaga gusto ko nang magpakalayo-layo para hindi na ako mamroblema nang ganito.

"It's okay. Naguguluhan ka pa, alam ko yun. Bibigyan pa kita ng panahon para makapag-isip." Finally, nagsalita din ito.

"Renz..." Tinawag ko sya para patigilin na sya sa mga sinasabi nya.

"Okay lang. Kaya kong maghintay kahit gaano katagal." Sambit nito. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses nya. Hindi ko talaga maiwasang mainis sa sarili ko dahil hindi ako nawawalan ng isipin.

Dun na natapos ang usapan namin. The next thing I saw is him walking away from me. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas sya ng bahay at makasakay sya sa kotse nya. Hanggang sa makaalis na sya. Hindi ko talaga alam kung ano nang gagawin ko sa buhay ko. Masyadong komplikado. At yun ay nangyari dalawang taon makaraan nang bumalik ako dito sa Pilipinas kasama si Cloud.

Hindi ko napigilang ikwento yun ay Yanna sa pagpasok namin sa school. Hindi ako excited na sabihin yun sa kanya pero sa mga oras na 'to kailangan ko lang ng mahihingian ng payo.

"Ano? Si Renz tinanong ka nun?" Kahit alam kong Over reacting sya lagi, nagawa ko paring ikwento sa kanya kasi sya lang yung kaisa-isang taong binigyan ko ng buong tiwala ko. Tumango lang ako sa kanya kahit nakatulala ako sa desk ko. "Sabi ko na eh! Sabi ko na!" Sigaw nya na may paghampas pa sa mesa. Minsan sobra na talaga yung pandi-distract nya sa mga tao. Buti nalang wala pa kaming klase.

"Alam mo, konting-konti nalang at huhugutin ko na palabas yang microphone sa lalamunan mo. Ang lakas ng boses mo eh!" Inis sa puna ko sa kanya.

"Sorry na, Sis. I just can't believe it!" Kilig na kilig ito kaya ganun nalang sya kung makaalog sa katawan ko. "Alam mo yung ganda mo, to the highest level na talaga eh! Imagine, nakabihag ka ng dalawang papabols. Yung una, super duper pogi at sikat na artista tapos ngayon naman, isang napaka-cute na Engineer! Waaaaahhh!!! Ang swerte mo, Sis!!"

"Anong swerte dun? Ang malas nga eh. Ang gulo-gulo! Kay Cloud lang ako naging maswerte!" Sambit ko naman. Kahit sino sigurong ganito ang kalagayan, masasabing kasumpa-sumpa ang buhay nila. Ako na nga 'tong umiiwas sa gulo, ako pa 'tong nagkakaproblema? Iba talaga ang tadhana.

"Magulo? Magulo kasi may pinagpipilian ka? Aminin mo, mahal mo parin si Pogi ano?"

"Pogi? Sinong Pogi?"

"Si Patrick, sino pa ba?"

Hindi agad ako nakasagot. Hindi din naman ako nag-iisip kaya lang hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa tanong nya. Mahal ko pa nga ba o hindi na?

"O diba? Ang tagal sumagot? Mahal mo pa nga."

"Hindi na!" Bigla kong bawi sa iniisip nya. Hindi naman na talaga, diba? Kasi kinalimutan ko na yung nararamdaman ko simula nung umalis ako sa buhay nya. Simula nung talikuran ko sya.

"Ay, sabay ganun? Eh bakit hindi mo bigyan ng chance si Cutie?"

"Ewan ko nga." Sagot ko. Parang sa lahat naman ng katanungan, wala akong alam na kasagutan. Sobrang gulo na siguro ng utak ko.

"Gwapo naman si Renz. Maalaga. Mabait. Understanding pa. At higit sa lahat, mahal na mahal nya kayong dalawa ni Cloud. Kung tutuusin nasa kanya na nga lahat. Wala ka nang hihilingin pa. Pero bakit ganun? Ang choosy mo naman!" Halos sabunutan na ni Yanna ang sarili nya sa pagkainis sakin. Napakadali talagang magpayo pero kapag ikaw yung magsasagawa, napakahirap namang magdesisyon. Ganun na ba talaga ka-komplikado ang lahat? "I think you should give him a chance. Wala naman sigurong masama kung susubukan mo sya diba?"

Napatingin ako kay Yanna. Pilit nya talaga akong kinu-kumbinsi. Yung mga tingin nya. Taas-baba ang kilay. Susubukan ko nga kaya?

"Ayoko namang gumawa ng desisyon na hindi ko pa sigurado dahil baka sa huli, pagsisihan ko lang yun."

"Si Renz pagsisihan mo? Naku, malabo. Tanga ka nalang siguro kapag pinakawalan mo pa sya."

Pinakinggan kong mabuti yung sinabi ni Yanna. Nag-echo sa isip ko yung huli nyang sinabi. Tanga nalang ako kapag pinakawalan ko pa si Renz?

Si Renz yung tipo ng lalaki na alam mong hindi ka talaga sasaktan. If I'll rate him at the range of 10, I'll give him the perfect score. Oo, gwapo sya. Maalaga sya samin ni Cloud. Mabait sya at mapapagkatiwalaan. Kung tutuusin, si Renz yung matatawag kong ideal type ng isang babae. Pero gayunpaman, ayokong magpadalos-dalos sa magiging desisyon ko. Ayokong magsalita ng tapos. Ayokong magdesisyon na hindi ko naman kayang panindigan.

Nawala ako sandali yung problema sa utak ko nang biglang pumasok yung prof namin sa classroom. Kanya-kanyang balik sa sari-sarili nilang upuan. Tahimik ang lahat na naglabas ng manuals nila.

"Pag-isipan mong mabuti yung sinabi ko sa'yo, ha?" Bulong sakin ni Yanna.

Sinimulan ng prof namin yung lecture nya. Kahit sa libro nakatutok ang mata ko, iba naman ang nilalaman ng isip ko ngayon. Sari-saring problema at may dumagdag pa. Kaya lang mas nangingibabaw sakin ngayon yung kay Renz. Iniisip ko yung mga "what if's" or consequences kung sakaling mkikinig man ako sa mga sinabi ni Yanna at kung bubuksan ko ang puso ko para kay Renz.

Yes, there's nothing with it. Pero kailangan kong maniguro bago ako magbitiw ng salita.

Should I really give him a chance?

To be continued.....

--------------------------------------------------------

Tingin nyo guys? Dapat bang bigyan ng chance ni Sowee si Renz?

Team Sowenz ba kayo?

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon