21

2.6K 52 5
                                    

Confrontation

Sowee's POV




*RIIINNNGGG!!*

Ano ba naman? Ang aga-aga nambubulahaw! >.< Sino ba yun?

Para akong zombie na bumangon mula sa pagkakahiga ko at kinakapa yung cellphone ko sa side table. Madilim nun kasi patay lahat ng ilaw ko sa kwarto. Kaya nga ako natulog nang maaga para hindi ako mapuyat tapos may tumatawag naman ngayon? Pambihira talaga. (=_=")

"Hello?" Bagot kong sinagot yun. Sa totoo lang pikit pa yung mga mata ko ngayon. Tulog pa kasi yung diwa ko.

[Midnight call, Princess. ^_^] Kung kanina pikit na pikit yung mata ko, ngayon parang kwago na sa sobrang laki. Inalis ko saglit sa tenga ko yung phone ko at chineck kung tama ba yung hinala ko. Pagtingin ko sa screen, waaahh! Si Renz nga! [Hey Sowee, are you there?]

"Renz...." Mangiyak-ngiyak kong binanggit yung pangalan nya. I really miss this guy.

[Umiiyak ka ba?] Bakas sa boses nito ang pag-aalala nya sakin. Na-touch naman ako. [Stop crying, okay?]

"Sorry kahapon, hindi kita nakausap. May asungot kasing umagaw ng cellphone ko eh."

[I should be the one to apologize. Hindi na ulit ako tumawag. Busy eh. Teka, sino nga pala yung umagaw ng phone mo?]

Shems! Bakit ko ba nabanggit yun? Ayokong maglihim sa kanya pero ayoko din namang malaman nyang nandito si Patrick. Hindi pwede. Bakit? Basta ayaw kong ipaalam. Tingin ko hindi maganda kung malalaman pa nya.

"Ah si ano.....si Yanna. May ginagawa kasi kami kahapon. Eh may usapan kami na bawal gumamit ng phone habang hindi pa kami natatapos."

[Ah ganun ba?] Jusko Lord! Buti naman at naniwala sya. [I miss you.]

Kahit madilim, alam kong namumula na yung mukha ko ngayon sa kilig. Kasi naman, ang galing magpakilig nitong taong 'to. Para syang yung mga binabasa ko sa eBook. Perfect na talaga si Renz kung tutuusin. Mabait na, gwapo pa. Yun nga lang talagang hindi ko pa matutumbasan yung pagmamahal na binibigay nya sakin. Alam kong hindi pa sa ngayon pero magagawa ko ding mahalin sya pabalik. Just like what he deserves.

[Wala ka bang sasabihin?]

"H-Ha? Meron ba dapat?" Ngayon ko lang na-realize, ang tanga pala ng sagot ko. Jusmi! Ganito ba talaga ako pag kinikilig?

[Hindi mo ba ako nami-miss?]

"Syempre nami-miss!" Minsan gusto ko nang tabasin 'tong bibig ko sa sobrang daldal. Hindi ko na makontrol eh.

[I miss you, prinsesa ko. I hope to see you soon. Kung pwede ko lang takasan yung trabaho ko dito, gagawin ko. But I really can't.] Ramdam ko sa boses nya ang pagkalungkot. Naho-homesick siguro sya dun o ganun nya lang talaga ako na-miss?

"Sus! Nagpapaka-sweet ka nanaman. Don't worry, magkikita pa naman tayo diba? Basta wag mong hahayaang malagpakan ka ng hollow blocks dyan. Use your helmet, okay?"

[I will. Sige na, matulog ka na. May pasok ka pa bukas. I wish I was there para ihatid ka lagi sa school mo.]

Waaahh... Kung alam mo lang, may naghahatid naman sakin. Asungot nga lang. Gustung-gusto ko nang sabihin sa'yo yung totoo na may kasama akong asungot dito sa bahay kasi ayokong magsinungaling sa'yo.

"G-Good night din. Sweet dreams. Ako lang ang isipin mo ha? No Italian beauties!" Paalala ko pa dito. Narinig ko syang tumawa sa kabilang linya.

[You know I can't do that. At tsaka no matter what happen, you will always be the prettiest girl in my eyes.] Ayan na nga. Buti nalang medyo umuulan kaya hindi laganap ang mga langgam ngayon. Kasi feeling ko anytime kakagatin na nila ako eh. [I love you.]

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon