26

2.2K 45 4
                                    

A/N: Dedications for katevillar08 and JeonKatrina_97. Salamat sa pagsuporta nyo sa kwentong ito. Keep on supporting. Vote, Comment, Share....

--------------------------------------------------------




Sunday Mass







Sowee's POV





"Mommy, gising na!"

Daig pa talaga nitong si Cloud yung alarm clock ko. Teka, diba weekend ngayon? Bakit ginigising nya agad ako?

"Inaantok pa si Mommy." Sambit ko. Actually, pikit pa yung mata ko. Napuyat nanaman kasi ako kagabi kababasa ng eBook.

"Mommy, dali! Ikaw nalang ang hinihintay namin."

Ano daw? Ako nalang ang hinihintay? Saan naman?

Agad akong napamulat tapos nakita ko si Cloud. Muntik ko na syang hindi makilala dahil sa ayos nya ngayon. Naka-wig sya tapos bihis na bihis. Teka, may taping ba sila ngayon para commercial? O photoshoot?

"Mommy, hurry up and take a bath!" Konti nalang at mahuhulog na ako sa kama ko sa lakas makahigit nitong si Cloud.

"Saan ba tayo pupunta?" Taka kong tanong sa kanya.

"Sisimba."

O_O ha?

Tiningnan ko yung kalendaryo sa side table ko. Sunday nga pala ngayon. Tapos naalala ko pa yung rule no.4 ni Patrick.

Sunday is worship day.

Ang banal naman kasi nun eh. Syempre ako, no choice ako kundi ang tumayo at maligo. Ngayon lang naman ulit ako sisimba eh. Baka mamaya hindi na ako kilala ni Lord.

Binilisan ko yung pagligo ko. Parang wala pa nga atang 15 minutes. Pumili ako ng simple white dress tapos doll shoes na white na may black. Mukha akong ibuburol nito eh. Aist! Hayaan na nga!

After that, bumaba na ako. Handang-handa na silang tatlo. Ako nalang talaga ang wala. Pareho lang na naka-wig si Cloud at Patrick. Mag-iba man sya ng itsura, gwapo parin. Eh? Ano bang sinasabi ko.

"Ang kupad mo!" Maagang sermon nya sakin.

"Sorry naman. Nakalimutan ko lang." Sarkastikong sagot ko.

"Tsss! Pag si Lord kinakalimutan. Hindi ka talaga qualified sa langit nan." He added.

Luh! Agad?

"Mas mabait naman ako sa'yo kaya mas qualified ako." Sumbat ko naman sa kanya.

"So ano? Magbabangayan nalang kayo dyan?" Singit naman ni Yanna. "Tara na!"

Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay. Siniguro namin na naka-lock ito nang maayos tapos sumakay na kami sa kotse. As usual, sa unahan nanaman ako at sa likod yung dalawa.

"After sa church, may pupuntahan tayo." Sabi nito bago kami umalis.

"Ha? Saan?" Takang tanong ko.

"Bawal magtanong." Masungit pang sagot nito.

Tingnan mo nga naman. Linggong-linggo, ang sungit nya. Tama lang siguro na sumimba kami. Nang mabawasan naman yung kasalanan nya sakin. >.< Thank you Lord, kahit ngayon lang magiging mabait sya. Sana? Hehe.

~~

Church...

Late kami ng 5 minutes sa mass. Suppose to be nandito na kami ng 8:00 am kasi yun naman talaga ang start ng misa pero dahil sa kabagalan ko at pagtatalo namin kanina sa bahay, ayan wala na kaming upuan.

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon