Chapter 9

946 27 1
                                    

*This chapter is dedicated to @aril_daine . Wala eh. Inspiration ko siya. Idol!! :") Tinuloy ko ito dahil dun sa sinabi niya na kahit wala kang votes na nare-recieve o readers.. Itutuloy pa rin yung story.

Chapter 9

Sheen, let's talk. Now. At the park.

Message ko kay Sheen. Nakapagdecide na ako...

@The Park 

Nandito na ako dun sa puno namin. Habang iniintay ko siya.. Nakikinig lang ako sa bandang kumakanta. May mini- stage pa. May mini -event. Pero ewan ko kung bakit may banda. Ahh ! Practice ata. Ay ewan.

(Np. Kundiman by Silent Sanctuary )

"Angel. .. " Tawag sa kin. Si Sheen . Kabisado ko pa rin boses niya. Boses niya na kayang pabilisin ang tibok ng puso ko.

Korni man... Pero kahit ganito pa lang ako, alam ko na ang magseryoso.

" Sheen... "  Sabi ko naman. Tama nga ako. Siya nga.

"A- angel... papakawalan mo na ba ako ? " Tanong niya. Ouch. Ang sakit lang. Yun agad ? Hindi ba pwedeng... Argh.

" Sheen, t-talaga bang a.. ayaw mo na ? " Tanong ko. Nagbabaka- sakali na sana... Mag- iba ang desisyon niya.

" U-uhm baka kasi dumating na rin si Jermaine eh. " Jermaine na naman ??

" H- hindi ba pwedeng... A-ako na lang ulit ? Sheen... Balik na tayo sa dati. Bumalik ka na sa 'kin.  " Please Sheen. Say yes :'(

Ang hirap naman :( Mahal na mahal ko siya eh. Talaga bang ganito ? Ganun ba niya kamahal si Jermaine at hindi niya iyon makalimutan ?? Hindi pa ako sapat ? Minahal ba niya ako? O baka naman.... Rebound lang ako ?

" Talaga bang ... S-sa kanya ka sasaya ? Mas masaya ka kapag kasama mo siya ?? " Tinignan ako ni Sheen saglit. Tapos tumingin sa kabilang side. Sabay sagot ng..

" O.... Oo. "

<///////3

Masakit? Sobra. It hurts like hell. I love him so much. Siya happiness ko eh. Pero paano naman ako sasaya kung yung happiness ko... Iba na ang happiness niya ? 

Hindi ko na napigilan... Biglang pumatak yung nga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"G-ganun ba? S-sorry ha? Sorry kasi hindi ako naging sapat. Sorry kung hindi kita kayang pasayahin. S-sorry kung .. Kung ako ang dahilan kung bakit ka malungkot ngayon. Sabi ko pa nga ...

       Gagawin ko lahat basta sumaya ka lang . Kaya Sheen, gagawin ko 'to kasi mahal kita. Kasi gusto ko lang maging masaya ka. 'Wag mong isipin na.. Ginawa ko 'to kasi hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita. "

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Ang gwapo niya talaga. Kaso bakas sa gwapo niyang mukha ang kalungkutan.

Hinalikan ko ang left at right cheek niya.

" Sheen, kahit masakit... Gagawin ko ito. I.. I let you go. Kung s-sa kanya ka mas sasaya. Kung siya na mahal mo... Sige Sheen. Papayag na a-ako. "

Pagkasabi ko nun.. Hinalikan ko siya sa noo. Yayakapin ko na sana siya . Baka kasi last na ito. Nang biglang...

" Hey ! " inawat ako ng isang babae... Si Jermaine. "Ano pa ba gus--"

Hindi pa siya tapos magsalita.. Sinagot ko na siya.

" Wag ka magalala." Pinunasan ko yung mga luha ko. " Wala akong balak na kuhanin pa siya sayo. Sabi niya... Mas sasaya siya pag ikaw ang kasama niya. Mas mahal ka niya. Kaya wag kang mag alala... Binibigay ko na siya sayo. Kaya sana... Mapasaya mo nga siya. Wag mong hahayaang mag sawa siya sayo ha? Mahalin mo siya ..

     Suportahan mo bawat game niya. Hayaan mo siyang magenjoy. Mahal niya ang basketball kaya hayaan mo lang. Kung nagseselos ka, sabihin mo. Ayaw niya na nakikipag hulaan sa'yo. Pag sinuyo ka niya.. Wag kang masyado mag pakipot. Alam mo naman na medyo maiksi pasensya niyan eh. Baka siya ang mainis. Pag wala siya sa mood... Suyuin mo, lambingin mo. Wag mo siyang sasabayan. Lalo lang kayong magaaway. At pagtapos ng bawat game niya... Gusto niya yung minamassage mo siya, sasabihin niya na wala na ang pagod niya dahil sa ginawa mo. ...

Ang dami ko na palang sinabi. Basta.. Tandaan mo lahat iyon ah ? " Sabi ko sa kay Jermaine.

Tumalikod na ako. Nag simulang mag lakad. Pag kailang hakbang ko, huminto ako at sinabing...

" S-sige. Una na ako. B-basta, alagaan mo siya ah? M-mahal ko yan... Mahal na mahal "

*End Of Flashback

--------------------------------------------------------------

(a/n) 

      Tapos na flashback !! Yayyy. So, any comments? 

 Vote & be  a fan kung gusto ^_^

                  May cast na po thanks to @MysteriousHope :>

-C<3

Cry Of An Angel (completed)Where stories live. Discover now