Chapter 15

838 18 1
                                    

NOTE: Expect the unexpected ;)

Chapter 15

-Continuation of Sheen's POV-

Gulat , kaba at..... Medyo takot.

Takot sa maaaring mangyari. Kinakabahan ako. Sana maprotektahan ko si Angel.

Si Alexis, uuwi siya.

Para sa kapatid niya. Para maprotektahan namin si Angel.

Nagtataka ka ba kung sino si Carl ?

Carl Francisco.

Kaedaran namin siya. Mayaman. Siya yung dating pianist ng banda nila Angel. Tinanggal siya sa banda. Bakit ?

Baliw siya. Sobrang seloso niya. Ayaw niyang lumalapit yung iba kay Angel. Nasasaktan niya nga minsan si Angel. Dahil dun, inalis siya sa banda at... Ipinasok sa mental hospital.

Obsessive Compulsive.

Yup. Obsess siya kay Angel. Yun ang dahilan kung bakit sumali siya sa banda.

Papunta ako sa condo unit ni Angel. Kahit kasama niya si Jill.. Hindi ako mapalagay. Babantayan ko siya.

-Jill's POV-

" SENSYA NA PO UBOS NA ANG YEL---......

CARLLLLL?! "

O.O

" Jill ! Nandiyan ba si Angel? ^__^ " Sabi niya .

" Bakit ?? Anong ginagawa mo dito ?? Pano ka nakalabas sa mental ?? Umalis ka na ! " sabi ko agad. Sa loob ko, kinakabahan ako. Pero hindi ako papahalata.

" Nasaan so Angel?! Ilabas mo siya Jill ! Aalis na kami ! Magpapakasal kami ! Papakilala ko pa siya sa parents ko! Isasama ko na siya ! "

" BALIW ! Hindi siya sasama sa'yo! Hindi ikaw mahal niya! Si Sheen ang mahal niya ! Si Sheen ang pakakasalan niya !"

" MAHAL AKO NI ANGEL !"

" HINDI ! HINDI KA NIYA MAMA--"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko...

Bigla akong nakaramdam ng kirot...

" WALANG PWEDENG PUMIGIL SA PAGMAMAHALAN NI ANGEL !"

" Jill, sino ba-- CARL ! JIIILLLLL! JIIIIILLLLLL! "

Yan ang huli kong narinig bago tuluyang nawala ang malay ko..

-Angel Marie's POV-

Niluluto ko ang carbonara sauce ng biglang may nagdoorbell. Sabi ni Angel siya na daw mag aasikaso dun.

Hinayaan ko naman siya. Susunod na dapat ako.. Kaso tumawag si Sheen.

" Baby, on the way na ako jan ah? Ingat kayo. " sabi ni Sheen.

" Okay baby. Ingat sa pagdrive. Huwag mag madali. Hindi ka namin uubusan ng favorite mong carbonara.. Haha " sabi ko naman.

" Haha. Sige. I love you "

" I love you, too. " Inend call ko na.

Antagal naman ata ni Jill ??

" Jill, sino ba-- CARL ! JIIIILLLLL! JILLLLLL! "

Nagulat ako ng nakita ko si Carl. Hindi ko natuloy yung sasabihin ko..

Pero mas nagulat ako ng makitang....

May saksak si Jill.

" Jill ! Jill... Hang up. Please. " naluluha kong sabi. " HAYOP KA CARL ! BALIW KA ! "

Magsasalita pa dapat siya ng...

" ANGEL ! " May tumawag sa akin....

" Sheen ! *sobs Si Jill. Dalhin na natin siya sa ospital please ! " Naiiyak kong sabi.

Binuhat ni Sheen si Jill. Isinakay sa kotse at pumunta sa ospital.

Wala muna akong pake kay Carl. Ang mahalaga, mabuhay si Jill.

Nang dumating kami sa ospital.. Inasikaso naman nila kaagad si Jill.

Natatakot ako baka kung ano ang mangyari sa bestfriend ko.

" Rie, natawagan ko na papa ni Jill. On the way na daw sila. " Sabi ni Sheen. Tumango naman ako.

" Sheen... Si Carl? " tanong ko.

" Hindi ko alam. Wag ka magaalala Rie, papanagutan niya yung ginawa niya kay Jill. Sa bestfriend mo. "

" Sheen... Aayos naman si Jill 'di ba ?? Makakaligtas siya 'di ba?? Gagaling siya agad... Sheen." Umiyak lang ako ng umiyak. " Sheen, hindi ko kakayanin mawala bestfriend ko.... Mahal na mahal ko siya. "

" ANGEL! " tawag sa akin. Dumating na pala yung daddy niya. " Anong nangyari sa anak ko?" nag aalala niyang tanong.

"Tito.. Nasaksak po si Jill. " Umiyak nanaman ako. Pinaupo ako ni Sheen. Siya na nagsabi ng nangyari kay Jill.

Habang nangyayari yun .. Tahimik akong nagdasal...

Lord, alam ko.. Bihira na lang kitang kausapin. Alam kong bihira na lang kita bisitahin. Pero sana.. Pakinggan mo itong hiling ko. Hayaan mo namang malampasan ito ni Jill. Huwag mo siyang kukunin. Hindi ko ka--

Nahinto ako sa pagdadasal ng mapansin kong nag aadali ang karamihang nurse papuntang E.R

"Miss ! Miss ! Anong nangyayari?! Miss !! " sigaw ko dun sa nurse. Papasok na sana ako..

.

" Sorry po. Bawal pong pumasok. "

Bago pa man sumara ang pinto..

Narinig ko na ...

Flatline.

At sinabi ng doctor na...

"Time of death, 6:30pm "

-----------------------------

(a/n)

Merry Christmas ! Ayan update para sainyo. Hoho. 

Votes and comments lang. Ok na gift sa akin yun ;)  

Loveyou guys !!

-C<3

Cry Of An Angel (completed)Where stories live. Discover now