Chapter 17

822 17 1
                                    

Chapter 17

-Angel Marie's POV-

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Shit. Naalala ko.. Dinukot nga pala ako ni Carl. Umupo ako. Nasa isang malaking kama ako. Kamang punong puno ng petals ...

Nagulat ako ng makita ko sa couch si Carl sa gilid ng kama. Nakatitig sa akin.

" Anong ginawa mo sa akin ? " sabi ko sa kanya habang yakap ko ang sarili ko.

" Sshhh. Wala akong ginawa sa'yo" sabi naman niya. " Alam mo naman na mahal na mahal kita Angel. Kaya hindi kita sasaktan. Hinintay lang kita magising. Ang ganda mo talaga. "

Naka hinga naman ako ng maluwag. " Nasaan tayo? ". Tanong ko naman.

" Nandito tayo sa bahay natin. " Nakangiting sabi sa akin ni Carl. " Alam mo ba, matagal ko na itong plinano para sa atin. Dati pa kita gusto dalhin dito pero kinulong nila ako sa ospital. Hahahaha. Pangarap ko ito para sa atin. Dito tayo bubuo ng pamilya. "

" Paano ka nakalabas sa ospital ? "

" Mayaman ako Angel. Alam kong alam mo yan. Haha. Marami akong pera. Maraming marami !! " nababaliw niyang sabi. " Akala niyo makukulong ako dun ng habang buhay? Pang mga baliw lang dun. At hindi ako baliw ! Hahaha. Hindi. Hindi ako bagay doon. Si Tyler! Bagay na bagay doon ! "

" Gag* mas bagay ko doon ! " sigaw kong sabi sa kanya.

" Mas bagay siya doon sweetheart. Baliw siya. Isa siyang asungot sa love story natin ... " sabi naman niya.

Hahawakan sana ni Carl ang mukha ko pero umiwas ako. Para siyang baliw na hinawakan ang hangin na parang iniisip na nadoon yung mukha ko.

" Ang ganda ganda mo talaga. Kaya hindi kita magawang makalimutan eh. " sabi ni Carl.

" At hinding hindi ko makakalimutan na pinatay mo ang bestfriend ko. " Lahat ng takot ko nawala. Lahat iyon napalitan ng galit.

Kung titignan.... Napakabawbaw ng rason. Bakit kailangan pang mamatay ng bestfriend ko?

" Hindi ko naman ginustong saktan siya eh. Pero pinigilan niya ako nung itatakas na kita. Sana dalawang taon na tayong kasal at may baby na tayo. Dapat lang iyon sa kanya. Ngayon wala ng sagabal sa pagiibigan natin. "

Sa sobrang inis ko... Nasampal ko si Carl. " ANG SAMA MO! ANG SAMA SAMA MO ! NAPAKASAMA MO!! "

Sobrang sakit ang dulot sa akin tuwing naaalala ko yung ginawa niya kay Jill. Tapos sasabihin niya, dapat lang iyon ?

" Shh. Tama na Angel. " malambing na sabi niya sa akin.

" HINDI ! Huwag kang mangarap na mamahalin kita. Kahit patayin mo ako , hindi kita mamahalin !!"

" TUMIGIL KA NA! " Sigaw sa akin ni Carl.

O.O

Nagulat ako. Hindi ko inaasahan...

Sinampal ako ni Carl ng ubod ng lakas.

Nawala sa isip ko. May saltik nga pala sa utak itong kausap ko. Dapat hindi ako nagpadala sa emosyon ko.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyugyog ako. " IKAW ! Ikaw ang masama Angel ! Ikaw ang masama kasi hindi mo ako mahal ! Masama ka ! MASAM-- "

Hindi niya natuloy ang sinasabi niya..

Nakita niya siguro.. May dugo. Nag dugo ang gilid ng labi ko dahil sa lakas ng sampal niya.

" Angel.. May s-sugat k-ka. I- I'm sorry hindi ko sinasadya. " Sabi niya. Akala mo kung sinong maamong tupa.

Hahawakan niya dapat yung sugat pero tinabig ko ang kamay niya.

" Huwag mo kong hawakan. " I said to him coldly.

" Ga... Galit ka? Hi- hindi ko sinasadya. " Nagulat ako ng biglang sinabutan ni Carl ang kanyang sarili. " Ikaw. Ang tanga mo ! Sinaktan mo si Angel. Haha. " Sabi ni Carl sa sarili niya. At lalo akong nagulat ng iumpog niya ang ulo niya sa pader.

Tumatawa lang ito. " Huwag ka ng magalit Angel. Huwag kang magaalala...

                                Naganti na kita sa taong nanakit sa iyo. "

O.O

HE.IS.CRAZY.

----------------------------------------

(a/n)

   Happy New Year!  Update paara sa inyo . Malapit na talaga siyang matapos T^T 

Mga 3 updates na lang :( Kaya vote lang at comments ha? Thank you! Haha :)

-C<3

Cry Of An Angel (completed)Where stories live. Discover now