Chapter 18

839 17 0
                                    

Chapter 18

-Angel Marie's POV-

" You are really sick !! " Sigaw ko sa kanya. Sinaktan niya sarili niya.

" Shh. Wag kang maingay baka mahanap ako nung mga nurse. " Sabi pa niya habang yung hintuturo niya ay nasa labi.

Parang walang epekto ang pagkulong nito sa mental. Lalo pa nga atang lumala.

Pinagkukuha ni Carl yung mga petals sa kama.. Tapos sinaboy ito na parang confetti.

"Feel at home ka lang. Bukas aalis tayo dito Angel. Layo tayo sa kanila . Dun tayo sa lugar na hindi nila makikita. " Masayang sabi nito. Natakot ako... Inilabas niya ang isang baril. " Kalimutan mo na si Tyler. Mas magaling akong gumamit nito sa kanya. "

Sa sobrang takot ko.. Ni luha ko ayaw pumatak. Ni hindi rin ako makapagsalita. Baka pag nagsalita ako.. Sumabog na lang yung bungo ko.

Sheen, Kuya Mack.. Saan kayo? Please save me :(

Tumingin ako sa paligid.. Naghahanap na pwedeng pang depensa.

" Parang may tao sa labas. " biglang sabi ni Carl. Tapos dumungaw ito sa bintana. Gabi na.

" Wala ka bang bisitang darating ? " sabi ko. Habang kinukuha ang isang sculpture at tinakip sa unan habang nakatalikod pa si Carl.

" Wala. Ihahanda ko na gamit natin. Ngayon tayo aalis. "

Sinundan ko si Carl hanggang pintuan. Lumakad ako nang hindi niya mahahalata ang sculpture na hawak ko sa likod.

" Carl.... " Malambing na tawag ko sa kanya.

Paharap na si Carl.. "Bak--" Hinampas ko sa ulo niya yung hawak kong sculpture. Dahan dahan itong bumagsak sa sahig.

Wala na akong pake kung nawalan nga ito ng malay... Kailangan ko ng umalis.

Tinry kong buksan ang front door. Shit. Nakalock !

Pumunta ako sa kusina. Hindi ko na binuksan yung ilaw. Kita ko pa naman yung daan dun. Kaso..

     May papasok na tao ! Hindi ko alam kung sino. Nagtago ako sa gilid at hinintay na magbukas ang pinto..

Pagbukas nung pinto...

" Sheen ? "

Tinutok bigla sa akin ni Sheen yung baril. Biglang kumunot ang noo. Pero binaba din niya ng makilala kung sino ako. " Angel ! "

Niyakap ako ni Sheen. Syempre yumakap din ako. Hindi ko akalain na dadating siya.

" Asan si Carl ?" tanong niya. 

" Sa kwarto. Hinampas ko ng sculpture. Hindi ako sure kung gaano siya nasaktan. At alam ni Carl na may nakapasok dito. "

" Nakapark yung car ko di kalayuan dito. Hindi ko na mahintay kuya mo at yung mga pulis. "

Pareho kaming nagulat ni Sheen ng biglang nagbukas ang ilaw .

" HINDI MO NA MAKUKUHA SA AKIN SI ANGEL !"

Sigaw ni Carl at biglang...

Pinutok ni Carl ang baril.

Niyakap ko si Sheen. Mas gugustuhin kong protektahan si Sheen kesa sa sarili ko. Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko pang mawala ang isang napaka importanteng tao sa buhay ko. Nawala na ang bestfriend ko. Wag naman sana si Sheen.

Argh. Ang sakit. Yung bala. Dugo.

" ANGEL !! " Rinig kong sabi ni Sheen. Nanghihina na talaga ako. " Angel.. Hang in there. Huwag mo kong iiwan. Magiging ok ka.. "

" She... en... " hinahaplos ni Sheen yung mukha ko. " I... Lo.. love.. Y-you... So much..... "

Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Sheen.

" Angel ? " -Carl. Nakita kong papalapit si Carl. " Si-sinaktan k-kita..... " Kahit si Carl umiiyak.

Hinawakan ko kamay ni Sheen. " Tama na Carl... Tama... na. "

Tumigil na siya please.

Hindi ko na kaya. Bago pa ko mawalan ng malay... May narinig pa akong isang putok na baril.. Gusto ko man tignan.. Hindi ko na talaga kaya.

-----------------------------

(a/n)

    Update. Hindi ko alam kelan yung susunod. Wahhh ! Malapit na talagang matapos ang COAA!! Finale & Epilogue na lang T^T

Votes & comments!  

-C<3

Cry Of An Angel (completed)Where stories live. Discover now