Chapter 11

1K 25 2
                                    

Chapter 11

" Hi beshie ^______^"  tawag ko kay Jill. Nagkita kami dito sa isang coffee shop.

" Beshie... " sabi niya. " Wag ka ngang ngumiti !! "

" Tss. Bakit? Dahil mas maganda ako pag ngumiti ako kesa sayo? " sabi ko sa kanya.

" Beshie, I'm your best friend. Alam ko kung masaya ka o hindi. Naiinis ako kasi peke 'yang ngiting yan. Alam ko naman na hindi ka okay eh. Wag ka ng mag panggap. "

" Ayoko na maging malungkot bes. " Nginitian ko siya. Ngiting pilit na malungkot.

"Sabi ng huwag kang ngumiti eh! Bes, ang tunay na ngiti mo.. Yung pati yung mga mata mo ngumingiti rin. Kaya please lang. Ako lang naman makakaalam eh. "

Wala eh. Nagpapanggap akong masaya.. Na okay na ako sa harap ng mga tao.

Pero kilalang kilala ako ng best friend kong to.

-Tyler Sheen's POV-

" Pare, lalim na iniisip natin ah? " Sabi sa 'kin ni Seth. Pinsan ko na barkada ko pa. Oo siya yung isa sa mga guitarist ng banda nila Angel .

Isang malalim ng hinga lang ang sagot ko sa kanya.

Lutang. Hindi ko alam kung bakit. Nandito ako sa mini bar sa bahay nila Seth. Hiwalay na kami ni Angel. Kami na ulit ni Jermaine. .. 

But still... Hindi ko pa rin ramdam ang pagiging masaya.

Siguro .. galit kayo sa akin.

Hayy.

Kung tatanungin niyo ako kung rebound lang ba siya?

   Hindi. Minahal ko talaga si Angel. Ewan ko ba. Bigla na lang akong nagsawa. Maybe, masyado siyang mabait, sweet at masyado niya akong mahal.

   She's too perfect.

" Teka nga lang. Ba't ba ang lungkot mo ? Dapat nga masaya ka eh. Hindi ba yun naman ang gusto mo ? " Tanong niya.

  Tumango lang ako bilang sagot.

" Don't tell me... Nagsisisi ka ?! "

Hindi ko siya sinagot. Ewan ko ba. Feeling ko kasi may kulang sa akin eh.

" AynakoSheen! Nagsisisi ka ngayon. Bakit? Dahil pimakawalan mo pa, mahal mo pala ! 'Yan tuloy lungkot na lungkot ka habang yung dating baliw sa'yo.. Kaya na pala niya ng wala ka. "

  Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Huh? Ano ibig mong sabihin ? "

" Ah. Well, kaninang papunta ako dito.. Nakita ko siya at si Jill sa coffee shop.. Ang saya saya niya eh.. Laki ng ngiti. Ganito pa nga oh... ^_______^ "

"Ang sagwa ng mukha mo!! Manahimik ka nga diyan ! " Sigaw kong sabi kay Seth.

Ang gulo ng utak ko. Nainis na lang ako bigla nung nalaman kong... Masaya siya ng wala ako.

" Alam mo Sheen.. Sa totoo lang, ako mismo nagulat. Nagulat ako nung sinabi mong.. Makikipagbreak ka kay Angel. Kasi 'pre... Ang saya saya niyo naman. Perfect nga yung relasyon niyo eh. Ang perfect ng girlfriend mo. Lahat ginagawa niya para lang sumaya ka. Para sa'yo. "

" Ano bang pakialam mo ?! Ano bang alam mo ?! " Sabi ko sa kanya.

Ngumisi siya.

" Tsk. Pare .. Ingatan mo 'yung taong laging nandiyan para sa'yo. Laging nagiisip, laging nagmamahal.... Laging nagaalala. Kasi pag yan nawala, mahirap na ! Napaka-laki ng mundo para hanapin siya...

     .. Wala naman akong nakitang mali kay Angel. Tapos, binalikan mo si Jermaine ?! Pare ! Gising ! Magpapaloko ka ba ulit ? Andyan si Angel oh! Ganyan mo ba kamahal si Jermaine o...  Ganyan ka ba katanga? O baka naman hindi mo minahal si Angel ?! "

Nainis ako kay Seth. Kaya hindi ko napigilan... Nasuntok ko siya. Sino siya para kwestiyunin ang nararamdaman ko ?!  Mahal ko si Angel!!

  Eh bakit mo iniwan ?

Argh ! Ewan ko !

" Sino ka para kwestiyunin ako ?!" pasigaw kong tanong sa kanya.

" Eh kasi pare.. Ang babaw. Nagawa mong iwan ang princess namin para lang sa isang babaeng niloko ka na noon. Mahal ka ni Angel pare. Mahal na mahal....

   Gusto kang sugurin ng kuya niya pero... Pinigilan ni Angel. "

" Tss. 'Lam mo naman siguro na.. Angel is a perfect girlfriend. Maganda, matalino, mabait at marunong umintindi. Tapos.. Isang tulad ko lang ang mahal niya. " Sabi ko kay Seth.

"Yun lang ? Yun lang kung bakit hiniwalayan mo siya ? Kaya mas pinili mo ang tulad ni Jermaine ? Kasi natatakot ka na baka pag nauntog si Angel.. Baka magising siya isang araw at tanungin ang sarili niya, "Bakit si Sheen ang boyfriend ko? Eh andami pang mas ok sa kanya?" Eh pare pvta ka pala! Hindi ba sapat yung mga ginwa ni Angel para patunayan sa lahat ng tao kung gaano ka niya kamahal? Na ikaw lang ang lalaki para sa kanya ? At masaya siya kasi isang Tyler Sheen Alano ang boyfriend niya ! "

Hindi ako nakasagot kay Seth. Tama naman siya eh. Isa akong tanga para pakawalan si Angel.

" Pare... " Sabi ni Seth na medyo huminahon. "You don't have to be perfect to make people believe that you are deserving for Angel's love. Always remember that being simple and being you is the most perfect way to make people around you to believe that you are more than perfect to be with Angel. ..

  If you want her back.. Take care of our princess. Never tell lies or attempt to hurt her. Because you will only know how important she is when she is already out of your life. "

Tumango ako. Huminga ng malalim.

" Seth, how can I get her back? "

-----------------------------------------------------------

(a/n)

                     Sorry ! Natagalan mag UD. Eto na. So, ano kaya gagawin ni Sheen ? Hmmm. 

So wait for my next update ! Thanks. Votes. Comments. Be a fan ! (If you want)

                              -C<3

Cry Of An Angel (completed)Where stories live. Discover now