“O-opo.”

“Dios ko! Bakit hindi mo naman kasi kaagad sinabi, hija? Magkakilala pa pala kayo nitong binata ko.”

“H-hindi ko rin po kasi alam na siya po pala iyong tinutukoy niyo, Tita. I'm sorry.”

Hindi ko maiwasang mahiya sa sitwasyon.

“Nako'y kung ganon ay may makakausap ka na pala.” Nagliwanag ang mukha ni Tita Rely. “Hala sige Ton-ton. Lumipa't ka doon sa tabi ni Tahani para may makakwentuhan siya at mahaba-haba ang magiging biyahe.”

Upon hearing what Tita Rely said makes me wanna go out of the car at magpa-iwan nalang. Hindi ito pwede. No! Ayoko!

Pero kahit magmaktol ay hindi ko pwedeng gawin dahil hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko. Naiinis ako kasi kahit ayoko ay wala akong magawa. Kaya naman buong biyahe ay wala akong ginawa kundi ang sagutin ang paisa-isang tanong ni Reyton.

Ramdam ko din naman na maski siya ay naiilang. Kung may gusto man akong mangyari ngayon, iyon ay ang makarating na kami sa pupuntahan namin para makahinga na ako ng maluwag. Pakiramdam ko kasi ay masosofocate ako sa sobrang lapit niya saakin.

His presence reminds me of Aidan and I am hurting each time I remember how he fooled me. On how he used me. Nanggilid ang luha ko pero hindi ko hinayaang bumuhos. Kumikirot ang puso ko sa sobrang pagpipigil ng emosyon.

Muli kong ipinikit ang mata ko upang matakasan ang mga tanong at mapanuring mata ni Reyton.

“Maglalakad-lakad lang ako sa tabing dagat, tay.” Paalam ko ng matapos naming kumain sa lilim ng mga puno ng niyog.

“Sige, hija.” Tinapik niya ang balikat ko. “Pero huwag ka lang sanang masyadong lumayo, kung maaari rin ay magdala ka na ng kasama mo.”

Umiling naman ako. Ang gusto ko lang ay mapag-isa. Nagiging masikip ang paligid simula ng malaman kong nandito si Reyton.

“Ayos lang ako, tay. Hindi naman ako lalayo.” Sabi ko nalang bago tuluyang umalis sa bulwagan.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang kalangitan. Tirik na tirik parin ang araw pero parang hindi ko maramdaman ang hatid nitong hapdi saaking balat.

Namanhid na nga talaga yata ako simula ng malaman ko ang mga panggagago saakin ng taong pinakamamahal ko.

Sumipol ang malakas na hampas ng hangin kaya malayang nililipad ang buhok ko. Sinikop ko iyon tsaka tinali bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Sinadya kong lumapit sa tubig upang mabasa ang aking talampakan. Gusto ko kasing maramdaman ang dagat. Gusto kong maramdaman ang payapa dito para kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ko.

“Ang hirap naman ng ganito, Ma, Pa.”

Muling nanggilid ang luha ko habang sinusubukang kausapin sa hangin ang mga magulang ko.

“Nagmahal lang naman ako, kaso. . .kaso hindi ko alam na ganito pala ang kahihinatnan–”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng mag-umpisang umagos ang mga luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko din ay nawalan ako ng lakas para tumayo kaya kusang napaupo nalang ako sa basang buhangin habang takip ng aking mga palad ang aking mukha.

Namimistula akong batang umiiyak dahil inagawan ng candy.

Dama ko ang bawat dampi ng tubig saaking balat. Unti-unti ko ring nararadaman ang pagkabasa ng aking suot. Pero wala na akong panahon para pakialaman pa iyon. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

Muling nag flashback saakin ang mga sweet moments namin ni Aidan.

The times when he was nagging about my P.E uniform. Noong sinagot ko siya sa ice cream parlor. Iyong masasayang dates namin kada Linggo. At ang pagpaparamdam niya saakin na ako lang ang mahal na mahal niya at hindi na niya kayang mabuhay na wala ako.

Puro kasinungalingan lang pala ang lahat ng iyon. Puro pagpapaasa sa bobong katulad ko.

“Why do I have to feel this pain? Huh!?” Sigaw ko sa kawalan.

Tumayo ako kasabay ng pagkuyom ng aking mga palad.

“Minahal kita! Binigay ko ang lahat sayo! Isinantabi ko ang sarili ko! Naniwala ako sa mga sinabi mo! Pero ano?!”

Pinahid ko ang luha ko.

“Pero ano? Anong ginawa mo, Aidan! Bakit. . .bakit mo ako niloko ng ganito? Bakit! Ahhhhhhhhhhh!” Para akong baliw na sumisigaw sa kawalan pero wala na akong pakialam.

Kung ito lang ang dahilan para mailabas ko ang sobrang frustration at sakit ay gagawin ko. Tutal ay wala namang may pakialam kahit na anong gawin ko ngayon. Maski si Aidan ay wala ding pakialam maski katiting sa nararamdaman ako.

Sinipa ko ang buhangin tsaka napasabunot sa sarili.

“Alam mo? Fuck you ka! Fuck you ka hanggang next life mo! Fuck you ka Quiñones! Fuck. . .fuck you k-ka.” I sobbed at dahan dahan na namang napaluhod.

“Sana. . .sana nakinig ako kay Pransing! Sana nakinig ako. 'E di sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Pero tapos na, e. Wala na. W-wala na akong magawa kasi nasaktan na ako! Niloko m-mo na ako! Pinaasa mo na akong gago ka! Kahit pagbali-baliktarin ko pa ang mundo, wala na akong magagawa.  Shit! Nakakatawa lang talaga...” 

Pagak pa akong tumawa habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.

“Kahit pala anong gawin ko ay hindi ko mapapantayan at mapapalitan si Sney sa putanginang puso mo! Si Sney na maganda. Si Sney na sexy. Si Sney na mayaman. Si Sney na nag-iisang nakapagpapatibok ng puso mo. A-ano ba naman ang laban ko sa Sney mo? Wala 'diba? Walang-wala!”

Tumingala ako sa kalangitan. Hindi ko inalintana ang nakakasilaw na sinag ng araw. Hindi ko na rin alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon. Namanhid na ang buong pagkatao ko. Hindi na ako makaramdam ng kahit na ano pagkatapos kong sumigaw ng sumigaw. Pakiramdam ko ay isa nalang akong taong kawawa at walang kabuhay-buhay.

“Tatandaan mo ang araw na ito. . .dito ko ibabaon ang lahat-lahat ng kagaguhan mo. Dito ko kakalimutan ang lahat ng sakit. Dito ko iiwan ang lahat ng katarantaduhan mo! Tandaan mo, Aidan! Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo! Pero dahil sa ginawa mo, pinatunayan mo lang na wala kang pinagkaiba sa bulto ng mga gagong manloloko!”

Pinilit kong tumayo dahil lumalakas na ang hampas ng alon.

Kasabay ng pagtalikod ko sa karagatan ay ang paglimot at pagbaon ko sa lahat ng sakit. Nakita ko pa si Reyton na nakatayo malapit sa isang puno ng niyog at matamang nakatingin at mistulang nakikinig saakin mula pa kanina. Tumungo nalang ako.

“Paalam. . .paalam sa kasinungalingan. Paalam sa lahat ng pagkukunwari. Paalam sa lahat-lahat ng sakit. Gayunpaman, maraming salamat na rin sa lahat ng kasinungalingan mo, dahil kahit papaano ay naranasan kong tratuhin bilang tao. ”

Pagbalik ko sa Maynila ay hindi na ako iiyak. Tapos na ang sakit. Pakakawalan ko na ang lahat. Aayusin ko na ang sarili ko at pipilitin kong mamuhay ng normal.

“Ilang buwan nalang naman, Tahani. Ilang buwan nalang ang titiisin mo at ga-graduate din iyon.” Pag-aalo ko sa sarili habang inaayos ang mga damit na iuuwi ko bukas ng hapon.

Nilabas ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Pransing.

Me:
Uuwi na ako bukas.

Wala pang isang minuto ay nagreply siya kaagad.

Pransing:
Really? Oh my God! Thank God you're coming home. I missed you so much, Tahani.

Nangiti nalang ako sa text ng kaibigan ko. At least, kahit papaano ay may nagmamahal parin saakin sa kabila ng lahat. Maraming salamat, Pransing. Maraming salamat.

CHASEWhere stories live. Discover now