“Nasa ibang bansa kasi si Renante, ang nag-iisang anak namin kaya ikaw na muna ang gumanit ng silid niya.”

Panlalaki ang silid na ipinagamit saakin. May mga posters kasi ito ng mga sexy na babae at kung ano-ano pang basketball superstars. May bola din ng basketball sa taas ng cabinet at ilang nga sapatos na maayos na nakahilera sa shoe rack sa gilid ng pinto.

“Maraming salamat, tay. Ayos lang po ba kung magpahinga na muna ako?”

He patted my head before shuting the door.

Nanatili akong nakatayo ng ilang minuto  hanggang sa mapagpasyahan kong magbihis muna ng damit dahil ang lagkit na ng pakiramdam ko.

Nang makapaghain na sila ng hapunan ay kaagad nila akong tinawag para kumain. Hindi naman ako makatanggi dahil gutom na rin ako dahil wala pa akong kain simula kaninang tanghali.

Laking pasalamat ko ng hindi ako tinanong ng tinanong ng mag-asawa. Hinayaan lang muna nila akong timbangin ang nararamdaman ko.

Matapos kumain ay tumulong lang ako sa pagliligpit bago pumasok muli sa silid. Ni hindi ko na nagawang tignan ang cellphone ko dahil mabilis din akong nahila ng antok dahil sa sobrang lungkot at pagod.

Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako sa tilaok ng manok. Pagmulat ko ng mata ay tsaka ko lang naalala na nasa probinsya nga pala ako. Muli akong nakadama ng lungkot ng maalala ko kung ano ang dahilan ng pagpunta ko dito.

Gago! Gago talaga siya kahit kailan.

“Gising kana pala, anak. Halika at saluhan mo ako ng agahan.” Isang matamis na ngiti ni Nanay Lisa ang nag-udyok saakin upang tumabi sa kanya.

“Si Tatay po?” Tanong ko habang nagsasalin siya ng kape sa tasang nasa harapan ko. “Salamat po.”

“Ayun at kaaalis lang. Alas syete ang duty niya kaya maaga siyang pumasok.”

Tumango lang ako bago kumain.

“Mamamalengke ako mamaya, gusto mo bang sumama?”

Kinurot muli ang puso ko sa pag-anyaya ni Nanay Lisa. Maging sa palengke naaalala ko si Aidan. Nakakainis! Wala na bang lugar na hindi maaaring magpaalala sa kanya?

“Sige po.” Hindi nakatakas ang pait sa boses ko.

Kaya naman ng matapos kaming kumain ay nagbihis lang ako at tumulak na kami. Kaunti lang naman ang pinamili ni Nanay Lisa. Mga uulamin lang at mga ilang stocks sa bahay.

Nang mapadaan kami sa isang grocery store ay muli na namang sumibol ang kirot sa dibdib ko. Naalala ko na naman siya. Ang sakit sakit pala...

“Ayos ka lang ba, anak?” Tanong ni Nanay habang nag-aayos kami ng mga pinamili.

Tumango lang ako bago nagpunta sa sink para linisan ang isdang binili namin.

“Ano nga ba ang dahilan kung bakit ka biglaang nagpunta dito? Hindi ba't pasukan niyo pa?”

Kasi sinaktan ako ng taong mahal na mahal ko, Nay. Kung kailan ko tinanggap sa sarili ko kung gaano ko siya kamahal, tsaka niya naman ako ginago at sinaktan.

“Mahabang istorya, Nay.”

“Sana ay gumawa ka ng letter sa eskwelahan niyo, hindi naman maaaring isang Linggo kang hindi pumasok ng walang sapat na dahilan.”

“Isang Linggo naman po ang Foundation Day sa university kaya ayos lang kahit wala ako doon.”

Hanggang sa magluto kami ng pananghalian ay masuyo parin akong tinatanong ni Nanay kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi ko lang talaga masabi-sabi dahil tuwing naaalala ko iyong mga sinabi ni Aidan ay paulit-ulit na nadudurog ang puso ko.

CHASEWhere stories live. Discover now