Chapter 6: Traitor

138 4 0
                                    

Chapter 6:

Traitor

**********

Taylor's POV

Matapos ang Tatlong buwan na halos mabaliw na ako sa mga nangyayari sakin, Bumalik ulit sa normal ang aking buhay ni ultimo wala na mismo nagpakita sa akin at yung babaeng nakikita ko na wasak ang bunganga ay hindi na din nagpakita.

"Taylor anak may sasabhin ako sayo, na tiyak na ikakatuwa mo".

Sabi ni Auntie Rose sa akin nandito kami ngayon sa sala at naguusap ng masinsinan.

"Ano po ba yun tita?" sabi ko nang may pagtataka.

Nakita ko naman sa muka niya na naging seryoso sabay titig sa akin.

"Sa susunod na buwan pupunta kana sa probinsiya." sabi niya sa akin na nakatitig pa din sa mata ko na tila parang nag mata sa mata kami.

"Talaga po tita?. Bakit naaman po pala napabilis akala ko sa susunod na taon pa?" Masayang tanong ko pero nagtataka pa din ako.

"Nagsulat kasi ang kakambal mo na pumunta ka na daw doon at miss na miss ka na daw niya, Eto yung sulat niya oh" Sabi ni auntie at may inabot sa akin na maliit na envelope.

At dahil mag 7:00 na nilagay ko muna yung sulat ni Tyler na kakambal ko sa study table ko sa kwarto at naligo at nagbihis ako papuntang school pababa ko kumain agad ako at nagpaalam na kay tita.

************

Andito ako sa classroom at naguusap about sa project. last subject na namin to ngayong araw.

"Class alam niyo naman na bukas na ang pasahan ng inyong project sa Ekonomiks kelangan niyo ipasa yun bukas ng 8:00 sharp ang malate ay may -5" 

Sabi ng teacher namin sa Ekonomiks na si ma'am Cy, tinignan ko agad sila Sara at ang iba pa naming kagrupo dahil sa pagkakaalam ko wala pa kaming nagagawa! ni iisa !!!

Agad ko sila sinamaan ng tingin dahil walang pag-asa tong mga ka grupo ko dahil  puro "bird brain" puro paganda/papogi lang ang alam pero wala silang sinabi at binatbat pag dating sa academics.

"Yes ma'am Cy" sabi naming lahat.

"Ok thats all for today Goodbye and Thankyou." sabi ni ma'am habang inaayos na ang kanyang mga gamit.

"Goodbye and Thankyou ma;am Cy" sabay sabay naming sabi lahat.

Pagkatapos nun pumunta naman ako sa isang machine sa labas ng room namin para bumili ng coke in can at bumalik na sa room.

pagkatapos kong bumili pumunta naman ako kala Sara na nakakumpol na naguusap.

Aha! mga kagrupo ko yun ah buti naman gagawin na namin ngayon yung project at dahil deadline na bukas!.

"Dahil rush na tayo!, kelangan natin gawin ito agad mamaya tulong tulong na para wala na masabi ang ibang grupo". sabi ni sara

Agad naman niyang sinulyapan sina Amanda na sa kabilang side lang namin naguusap din sila, War sila ng bestfriend kong si Sara kaya naman kapag nagsisigawan at nagaaway na sila to the rescue naman ako.

Nakita kong inirapan niya si Amanda.

"Okay, San tayo pwedeng bahay ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Sa amin na lang Taylor, wala naman ngayon sila mommy na sa business trip kaya pwede nating gawin ang mga gusto nating gawin pagkatapos natin matapos ang project" sabi ni trish na isa naming ka grupo.

"Sige sige tara na!!!" sigaw naming lahat dahilang upang mapatingin sa amin si Amanda at lumapit kay Sara.

Dinaanan niya kami at sabay sabing

"Hay nako! mga sipsip na nga ang iingay pa!.. PLASTIK!"  Sigaw ni Amanda inemphasis niya talaga ang plastik.

Oo bestfriend namin siya dati ni Sara at tatlo kaming lagi magkakasama ngunit tinraydor niya kami, pinagkalat niya yung mga sikreto namin na di dapat ilantad. Ex ko kasi si Drew na sikat dito sa campus at inagaw niya sa akin si Drew, dahil doon lagi na akong pinagtitinginan pag dumadaan ako sa hallway at bulung bulungan sila kasi siniraan nga niya ako at sinasabi din naman na "MALANDI" daw ako.

Nagalit naman ako at si Sara at tuluyan na namin siya inaway,

Nang palabas na siya ng pinto, hinila  kaagad ni Sara ang buhok niya dahilan upang magkagulo dito sa labas.

"Ikaw, ang plastik Amanda, Kaya wag na wag mo kaming pagsasabihan ng ganyan!" sabi ni Sara habang hila pa din ang buhok nito.

PAK!

"Para yan sa mga pinagkalat mo na di dapat ikalat! Punyetang babae ka!" Galit na galit na sabi ni Sara

PAK!

Sinampal ulit siya ni Sara sa magkabilang pisngi at parehas namula ang pisngi niya.

"How dare you na sampalin ako, Girls tulungan nyo ako" Sabi ni Amanda

Akmang lalapit na sa amin yung dalawa niyang kasama pero pinatid namin ni Trish silang dalawa.

"Layuan niyo nga kami mga POKPOK!!" sabay buhos ko sa kanya ng coke na iniinom ko at sabi ko ng nakamewang. pokpok? dahil ang ikli ng suot nila ngayon at ang kapal kapal ng make up.

Sinabunutan naman ako ng pinatid ko at may simigaw.

"Anong nangyayari dito?" napatingin kami sa likod ..

Lagot! ang principal. tinuro naming lahat si Amanda at ang dalawa niyang kasama and the rest is history..

Na suspend lang naman siya kasi ilang beses niya na ginawa sa amin iyon.

Nang palabas na kami di ko mapigilang ngumiti dahil nakaganti na kami kahit papaano.

Matapos iyon pumunta kami sa bahay nila Trish at may nakita akong hindi ka nais-nais...

Itutuloy....

-------------------------------

A:N:

Short update lang to, sa susunod na chapter na yung nakakatakot.

Maraming salamat sa mga sumusuporta! kahit onti pa lang kayo >:D

Mahaba haba pa itong storyang to...

Salamat!!

The Twisted TwinsWhere stories live. Discover now