Chapter 10: The road

36 1 0
                                    

"Let's Go" Naalala ni Taylor yung boses na narinig sa pangalawang palapag bago sila umalis ni tita papuntang probinsya at dahil mag chrichristmas break na kaya tuwang tuwa siya kasi makakatagal siya doon ng nga isang buwan pa.

Nasa bus na sila ngayon papuntang probinsya at mga ilang oras na lang makakadating na sila doon.

Habang nasa kasagsagan ng byahe hindi mapigilan ni taylor ang maiyak dahil naalala nanaman niya ang kaniyang ina at namimiss niya ang kanyang kambal na naiwan sa probinsya.

Gusto niya malaman kung ano na ang kondisyon ng kambak niya doon kung maayos ba to at kung nagaaral ba to talaga ng mabuti.

Ang huli kasi nilang kita ay nung bata pa sila kaya siguro magugulat na lang si Tyler kapag nakita siya nito

Parehas na parehas sila ng kilos at mga gusto kaya kung titignan mo wala silang pinagkaiba. Nagpapasahan naman sila ng litrato kaya alam nila at kilala ng lubusan ang isa't isa kahit magkalayo.

Dahil nga nasa probinsya si Tyler wala itong alam sa Facebook, Twitter at kung ano ano pa.

Kaya sa pagdating ni taylor gusto niyang turuan ito at makipagbonding pa.

Habang nagiisip si Taylor

bigla biglang huminto yung bus

At ang lahat ng mga tao ay nagulat at yung iba ay nasubsob sa kanilang inuupuan

Biglang tumayo yung driver "Pasensya na po may nabunggo lang na aso."sabi nung driver

Nagulat si Taylor dun kasi abg alam niya malas daw yun pag may nabunggong ano mang hayop sa kalsada.

Tiningnan niya ang tita nyang natutulog ng taimtim.

Dahil tumahimik na ang lahat. Siya ay natulog na lang din

Mga wala pang ilang oras agad siyang nagising dahil sa pagkauntog sa bintana. Ambilis kasi nung saksakyan kaya nauntog siya pagkatapis mauntog napatingin siya sa puno sa labas at napansin niyang may babaeng mahaba ang buhok dun pero wala naman siyang pake kasi anong oras na rin naman 3:32 A.M.

Gigisingin na sana niya ang kanyang tita sa tabi niya kaso paglingon niya hindi ang tita nya ang katabi niya.

Kundi yung babaeng mahaba ang buhok na nakita niya sa puno sa labas

Agad naman siyang napatalon sa kinauupuan niya at napasigaw

Pumikit siya

Pumikit

Iniisip niya na sana pag dilat niya ang tita na niya ang makikita niya

1

2

3

Sa pagkadilat niyang iyon napamura siya sa takot dahil yung babaeng mahaba ang buhok ay sobrang lapit sa muka niya. Iimagine niyo yung nakita nyong multo or whatever ay sobrang lapit sa muka mo.

Agad agad siyang tumakbo sa harap ng bus at nakita niyang tumakbo papalapit sa kanya yung babae.

hihingi sana siyang tulong sa mga tao pero pagtingin niya tulog lahat ang ito at parang walang naririnig kahit nagsisigaw pa siya doon.

dahil no choice siya sa driver na lang ngunit nung pagtingin niya sa driver ito ay walang ulo.

"WAAAAAAAHHHHHH!!!"

Itutuloy..

The Twisted TwinsWhere stories live. Discover now