Chapter 2: Creepy Girl

243 10 1
                                    

Chapter 2

Creepy Girl

Pagkatapos makita ni Taylor ang tungkol sa yaya niya ay pumunta na siya sa school habang nasa service siya hindi niya maiwasan maisip yung kanina niyang nakita kaya naman napag desisyunan niya na huwag munang isipin ito sapagkat unang araw ngayon ng klase nila.

Pagbaba niya sa Van ng service nila agad siyang pumasok at pumunta sa bulletin board kung saan dito nakapost ang mga pangalan at ang section nila.

Maraming tao doon kaya nakipagsiksikan na lamang siya at ayun nakita niya ang pangalan niya sa Section 4-B

4th year na siya ngayon at nakita niya yung pangalan ng kanyang bestfriend na si Sara sobrang tuwa ang naramdaman niya dahil magiging kaklase niya ulit ang kanyang matalik na kaibigan.

Simula pa Grade 1 kaibigan na ito ni Taylor halos hindi sila mapaghiwalay at tinutukso na nga silang magkamukha kasi lagi sila ang magkasama, laging magkasama sa pagkain, sa pagrereview, katabi sa upuan at pati sa kalokohan.

Bago pa siya pumasok sa classroom.

Dumerecho muna siya sa C.R, dahil hindi niya na mapigilan kanina pa ang ihi.

Apat ang palapag ng paaralan nila para sa mga High school at hiwalay naman ang sa Elementary.

Ngunit puno lahat ng C.R kaya naman pumunta siya sa pinakababa o 1st floor na kung saan dito ay napansin niyang walang nag tao.

Pagpasok niya biglang humangin ng malamig at nagulat siya ng biglang bumagsak yung pintuan sa likod niya, Lahat ng pinto sa kanila ay ganun talaga kaingay kapag nasaara kaya di na lamang niya ito pinansin.

Naghilamos siya at nagayos ng sarili habang nakatingin sa salamin ng banyo.

Habang nagsasalamin siya hindi mawari sa isipan niya yung mga Ghost stories na kumakalat tungkol sa banyong ito.

Dumerecho siya sa cubicle at nagsimula nang umihi habang nasa loob siya may narinig siyang pumasok sa banyo at bigla itong nagsara ng malakas, Sobrang lakas kumpara sa kanina dahil doon hindi na lamang niya ito pinansin.

Narinig din niya yung pagbukas ng gripo.

Habang si Taylor naman ay tatayo na para lumabas sa naturang cubicle.

Papalabas na siya pero ayaw mabuksan ng pinto.

Kahit anong pilit ayaw bumukas kaya nanghingi siya ng tulong sapagkat alam niya na nandun pa yung pumasok dahil naririnig pa rin niya yung tulo ng mga gripo.

"Hello? sino po nandyan? pwede po bang tulungan nyo po ako makalabas dito." Pagsabi ni Taylor pero wala siyang narinig na sagot.

"Hello may tao ba dyan?" Pagtatanong ni Taylor ngunit dahil sa ingay na ginagawa niya mukang nabulabog niya ang nilalang na kung saan ay nasa labas ngayon ng cubicle.

Napaupo siya at....

May narinig na mga hakbang papunta kung nasan man siya.

Halos sumigaw na siya sa nakita niya.

Paa.. Isang paa lang ang nakikita niya na tila ba mukang putol ang isa at may mga dugo ito.

Di Tumagal bigla itong nawala.

Kinabahan si Taylor kasi biglang bumukas yung pinto ng cubicle na kanina ayaw bumukas.

Dahil sa takot na nanaig sa kanya lumabas siya ng dahan dahan.

Sa pagkagulat niya, Napatitig siya sa nakita niya sa salamin.

May nakasulat na.

"HELL-O"

Na nakasulat na pulang dugo.

Hindi siya makaalis sa kinakatayuan niya at biglang may yumakap mula sa kanyang likod na lalong nagpataas ng mga balahobo nito.

At mula sa pagkayakap sa kanya tumaas ang kamay nito hangang sa mukha niya at nakikita niya ang sarili sa salamin. Nakita din niya yung nakayakap sa kanya.

Babae ito. Nakauniforme na gutay gutay at hindi makita ang mukha.

At may binulong na mga katagang "Hell-o" na nakakatakot na boses, Habang hawak hawak ng babae ang kanyang mukha na paulit ulit ang mga sinasabi na....

Bakit ka nandito !!!

Bakit ka nandito !!!!

Halos maiyak na si Taylor dahil sa takot na nararamdaman niya ngayon at

Habang nakikita niya ang repleksyon niya dun sa salamin may nakita siyang Taong nakaputi sa cubicle na pinagamitan niya kanina lamang.

Nakatingin ito sa kanya na tila bang umiiyak.

Habang nakatingin siya sa babae bigla niyang nasabi ang salitang "Mama".

Yung babae sa kanyang likod ay nawala

at

Kumaripas na siya ng takbo.

========

Sino yung nakita niya sa C.R?

Sino yung babaeng umiiyak?? 

Ano ang nangyari sa Banyong iyon at may nagpapakita...?

The Twisted TwinsWhere stories live. Discover now