Chapter 4: Doppelganger

178 6 2
                                    

Chapter 4:

Doppelganger

Taylor's POV

On the way home na ko ng matapos ko marinig yung kwento ni manong Guard kanina.

Aaminin ko. Natakot ako at kinilabutan pero hindi naman niya ako sinaktan e.

Kaso tumataas talaga mga buhok ko sa katawan kapag naalala yun.

I just can't believe it nakakakilabot talaga.

At ngayon nandito na ako sa gate ng bahay

Nakalock..

Teka Nakalock? saan naman sila nagpunta? ..

May susi naman ako kaya kinuha ko ito sa bag ko at inunlock ko na yung pinto.

Almost 11:00 AM na din. kaya humanda na ko mamaya sa bunganga ni Auntie.

Hindi pa ako kumakain kaya naman nagderecho ako sa kusina upang makahanap ng makakain,

Binuksan ko yung ilaw at tinungo ang mesa.

BINGO!

Buti na lang may ulan dito osya kainin ko na nga.

-------

Nasa kalagitnaan ako ng pagkakain ko ng napatingin ako sa bandang kaliwa ko.

Doon yung pwesto ng hagdan kasi namin.

I saw yaya Belen standing there.

Nakatingin lamang siya sa akin and I dont know parang iba ngayon siya.

Oh well...

Niwave ko yung hands ko na ibig sabihin ay nag-hello ako sa kanya.

At tinuloy ang aking kinakain.

Kain

kain

kain

kain

After i eat uminom agad ako ng tubig at nilagay ang pinagkainan ko sa lababo.

Pagkatapos ko ilagay yung pinagkainan ko sa lababo.

I was shocked sa nakita ko.

Si yaya belen kasi nakatayo pa rin doon.

But this time

Nung nakita niya na kong nakatayo sa harap niya.

Agad siyang umakyat.

"Yaya Belen! Okay ka lang po ba?" Pagtatanong ko sa kanya 

But she didn't respond.

Hala? bakit di siya namansin? kadalasan paguwi ko naman kakamustahin agad ako niyan at tatanungin niya kung kumain na ba ako..

Sinundan ko na lamang siya at pumasok siya sa kwarto niya at isinara niya ito.

Pumunta naman ako sa pinto at nakarinig nanaman ako ng ingay mula sa loob.

Tinapat ko yung tenga ko sa pintuan...

Wala naman akong naririnig kayaaa binuksan ko na lamang yung pintuan.

Pagbukas ko..

Si yaya Belen nakahiga at mukang natutulog na.

Pero may kumuha ng atensyon ko ng nasa loob na ako ng kwarto.

May notebook doon sa mesa niya color red.

Di ko alam kung kanino yun, kinuha ko na lamang ito at nagtungo ako sa hinihigaan ni yaya belen,

Pagpunta ko agad ko siyang niyugyog para gumising kasi gusto ko siyang makausap.

Tinapat ko siya sa akin at ---..

Again. Nagulat ako sa aking nakita.

Nakadilat lang kasi ang mata niya tapos Nakanganga siya.

Nakakatakot. 

Natatakot ako ngayon kay yaya.

"Yaya! Okay ka lang ba? !!" Nuyugyog ko siya ng niyugyog pero hindi ako pinapansin.

Then sudenly..

In-up and down niya yung ulo niya which means na ok lang daw siya,

Sigh...

Pumuntana ako sa pinto para lumabas na..

Sasara ko pa lamang yung pinto at tinignan ulit si manang..

Swear ang weird niya sabi niya ok lang daw siya pero Nakanganga pa din yung bunganga niya. 

Weird na nakakatakot.

Nasa hagdan pa lamang ako ng..

Bigla naman nag ring yung telephone sa baba at agad agad naman akong bumaba para sagutin ito.

"Hello Sino po ito?" Pagtatanong ko...

"asfhalgha Taylor !! sfaywwejurjkfgxczx" Ang ingay hindi ko marinig alam ko si Auntie tong tumawag e.

"Ano po ulit Auntie?" 

"TAYLOR! PUMUNTA KA NGAYON DITO SA HOSPITAL! BILISAN MO !!" pasigaw niyang sabi

"Ha bakit po?" pagtataka ko.

"Si yaya Belen mo.. WALA NA ! .. PATAY NA SIYA TAYLOR. KANIKANINA LANG SINUGOD NAMIN SIYA DITO SA HOSPITAL PERO WALA NA TALAGA!" 

Dahil sa sinabi ni tita natulala ako sa mga sinabi niya at kinabahan ako.

Para akong istatwa na nakatayo dito at nakatulala.

Kanina lang nandito si yaya at nandoon siya ngayon sa itaas.

"Taylor!! Taylor !!Nandyan ka pa ba? Pumunta ka na dito" Rinig ko sigaw ng tita ko sa kabilang linya..

Pero lalo akong nagulat sa aking nakita at napatingin ako sa taas.. sa pangalawang palapag.

The next thing i saw is...

Yaya Belenn waving her hand at me...

--------

Authors Note:

Sa mga di nakakaalam ng Doppelganger.

Ang Doppelganger ay ito yung mga spirits na nangagaya sa isang Relatives, Friends, Classmates o kahit sinu mang kakilala mo. Sinasabi ng mga matatanda kapag ikaw ay pinansin nito the person's na ginagaya niya is close to death o di naman ay patay na.

The Twisted TwinsWhere stories live. Discover now