Chapter 11

21 0 0
                                    

Chapter 11

Taylor's POV

Nagising ako bigla dahil sa pagyugyog ng aking katabi at agad naman akong napadilat ng dahil doon

"taylor Anak gising! Binabangungot ka nanaman!" Nagulat ako At humindig ang mga balahibo ko sa boses ng nagsalita na yun.

agad akong lumingon upang tingnan ang nagsalita. Nakita ko si Mommy

Syet panaginip nanaman ba ito?

kung panaginip lang ito sana wag niyo na po akong gisingin please miss na miss ko na si mommy.

Tinitigan ko lang siya matapos niya kong tanungin

"Anak may problema ka ba?" Tanong nanaman nya habang nakangiti

"Wala po mommy" matipid kong sagot sa kanya kasi hindi pa din ako makapaniwala samga nangyayari ngayon.

Tumingin ako sa paligid at nakumpirma kong nasa loob ako ng kwarto ng isang hospital.

" Mommy? Ano nangyari sakin?" Pagtatanong ko sa kanya

"Anak mag aanim na bwan ka na dito sa hospital at na coma ka" at bigla siyang umiyak.

Niyakap niya ko habang umiiyak siya. So totoo ang lahat ng ito. Hindi ako nananaginip. Habang yakap yakap niya ko bigla kong sinampal ng malakas ang sarili ko.

Nagulat si mommy sa ginawa ko

Dahil don naiyak na din ako at niyakap siya.

"Anak mahal na mahal kita ha. Masaya ako dahi nagising ka na din sa wakas."

So ayun after namin magdrama ni mommy lahat ng mga nagugulo sa aking isipan ay itinanong sa kanya

At yun pala nung nagiimpake kami nung lalayas dapat kay daddy ay nagulat na lang daw siya kaai bigla akong nawalan ng malay sa tabi niya.

Dali dali niya kong dinala sa hospital at eto daw ang resulta. Tinawag niya agad ang doktor after namin magdramahan.

Nung lumabas si mommy para tawagin ang doktor hinawakan nya muna ang kamay ko.

Napansin kong ang lamig ng balat ni mommy. Pero di ko na lang pinansin yun kasi air conditioned dito at malamig nga

Pagpasok nila nagulat yung doktor kasi nakaupo ako at ang sabi niya ay pwede na kong makalabas bukas na bukas din

Mygahd ang gulo ng isip ko ngayon

Hindi tumagal dumating na din sila tita at kasama si.. kasama si..

Yaya belen na nakangiti sakin

Niyakap nila ko habang ako ay nakaupo pa sa kama hindi pa kasi ako makagalaw at may swero pa sa aking kanang kamay at napansin ko ding may mga aparatus doon.

"Oh iha kamusta ka na? Nakikilala mo pa ba ako o naalala?" Tanong sakin ni tita habang nakapamewang at parang nagtataray. Napatawa naman ako sa ginawa niya kasi hindi bagay sa kanya yung ganun.

Tinawanan ko lang siya haha at nakitawa na din sila mommy at si yaya.

"Alam mo taylor pagkauwi mo lulutuan kita ng madaming pagkain at nung wala ka talagang nagpraktis ako ng husto para masarapan ka sa mga luto ko" sabi ni yaya habang nakangiti saken

"Talaga po?!" Aw ang sweet naman ni yaya belen kiniss ko sya sa pisngi dahil natuwa ako sa sinabi niya

Habang naglalambingan kami doon may biglang pumasok na lalaki.

Maputi, matangos, bagsak ang buhok, makinis in short dyosa! Teka kamuka ko to ha!

"A-ah Goodmorning po!" Sabi nung babae

Tinignan ko naman si mommy na look na sino-siya? At agad naman niya na gets iyon.

"Hindi mo ba sya naalala anak?!"
Pagtatanong sakin ni mommy na mejo nagulat.

Inikot ko yung ulo ko na parang sinasabing hindi po.

Nakita kong napanganga siya pati na yung kamuka kong na nasa pinto.

"Siya si Tyler ang kakambal mo. Na matagal ka ng gusto makita"

"W-What?! Wala akong naalalang may kambal ako ma!" Sigaw ko sa pagkabigla

"Anak hindi pa ganun kaayos ang kondisyon ng utak mo dahil sa pagkabagok. Maiibal din natin ang memories mo." tumango na lang ako

Siguro nga ganun ang nangyari. Nacoma ako at nawalan ako ng konting ala-ala ma pati si Tyler ay nalimutan ko.

"Aalis muna kami. Magusap muna kayo" pagsabi ni mommy at bigla silang umalis kasama sila yaya at tita.

Kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng kwarto.

Nagusap kami ng masinsinan at inexplain niya sa akin ang mga nangyayari ngayon.

Agad naman ako naginhawaan at nagyakapan kami

"Sis i cant believe na makikita na ulit kita! Ang ganda ganda mo na!" Sabi sakin ni Tyler habang yakap yakap ako

"Pagkauwi natin bukas shopping tayo tapos gugupitan kita!" Sabi ni tyler

"Ha bakit?! " pagtatanong ko

"Nako naman sis anim na bwan ka daw bang nakahiga jan syempre long hair ka na. Baka nga pati yung sa baba mo!" dahil sa pagsabi niya nun nagtawanan kami parehas!

Kinapa ko naman yung sa baba ko at may napansing kakaiba.

Nakita ni tyler ang ginawa ko kaya sumobra ang lakas ng tawa niya

"Hahahahaha! Hay nako tyler. Ganito ba tayo lagi. Laging masaya? Sana ganito na lang ha" pagsasabi ko kasi parang first time na nangyari sakin to

"Oo naman. Bukas uuwi tayo sa probinsya kung saan ako nakatira. Baka nga sis dun ka na din magaral. Dahil lahat ng pera ay napunta sa ospital na." Pagsasabi niya sakin.

Ang sweet naman nila saken para akong nasa langit sana lagi na lang akong may sakit para heaven! Haha

Maya maya pa umakyat na sila mommy at nay dalang pagkain. Kumain kami at nagkwentuhan nanaman

Madaling araw pa lang ng umuwi na kami papuntang probinsya sumakay kami ng bus at pagbaba namin

And what i saw makes me uncomfortable.

itutuloy..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Twisted TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon