Prologue

494 15 0
                                    

Note:

Sa mga magbabasa nito siguraduhing basahin ng mag isa at basahin pag gabi na. Para may thrill >:D


So ito na yung Prologue.


Enjoy >:)





---

Prologue




Gabing gabi na napag desisyunan ng mag-ina na umalis sa kanilang bahay at iwanan ang ama nito.






Sobrang lakas ng ulan at may kulog pang kasama at dahil sa kulog na narinig natakot at umiyak ang batang si Taylor.




"Mommy! Mommy!!"




Sigaw ni Taylor sa kanyang Ina na nag-iimpake na ng kanilang gamit.





"Mommy! San po ba tayo pupunta?" tanong ni Taylor sa kanyang ina.




Napabuntong hininga na lang ang kanyang ina at humarap kay Taylor na umiiyak na.





"Anak, aalis na tayo! Hindi ko na kaya yang ginagawa ng ama mo sa atin! Palagi na lang tayo sinasaktan, Pupuntahan na natin yung kakambal mo sa probinsya!" sabi ng kanyang ina.






Sumunod na lamang si Taylor sa kanyang ina at nagsimulang tumulong mag-impake.





Habang nag-iimpake ang mag-ina sa kwarto may nakita si Taylor na tumakbo sa labas ng kwarto nila.





Sinundan niya ito ngunit bago pa siya makalabas bigla nagsalita ang kanyang ina.





"Taylor, bilisan na natin baka maabutan pa tayo ng iyong ama dito," sabi ni Alice sa kanyang anak na mukang kinakabahan na.





"Opo, mommy kukunin ko lang yung mga gamit ko sa kwarto," Ani Taylor na palabas na ng kwarto.






Pagkalabas ni Taylor...







Nakita niya yung tumakbong batang babae kanina na nakatayo sa hagdan at tinuturo yung pinto nila sa baba.




Hindi niya maaninag ang mukha ng babae.





Hindi na niya lamang ito pinansin sapagkat, sanay na siya na sa mga ganitong bagay dahil laging nagpapakita ang mga ganitong espirito, na di matahimik sa kanilang bahay.





Pumunta siya sa kwarto niya at nagsimula hanapin at sinimulan kunin ang kanyang mga gamit.






Habang naghahanap si Taylor...







May nahulog na litrato. Ang kanyang ama at ina na masayang magkasama, kasama ang kanilang anak na si Taylor at ang kakambal niya na nasa probinsya nila.





Umiyak nalamang siya, dahil sa masasayang ala-ala nilang buong pamilya at ngayon sila ay aalis na.





Habang iniisip niya yung mga magagandang ala-ala niya noon may narinig siyang malakas na kalampag na nanggagaling mula sa labas.





Hindi niya na lamang ito pinansin sapagkat ang akala niya ay mommy niya lamang ito.






Pagkatapos nun, nilagay niya sa isang bag ang kanyang mga gamit kasama ang litrato.






Papatayo na sana siya sa kanyang inuupuan ng biglang may humampas sa kanyang ulo...








Taylor's POV





Nasaan ba ako? Bakit ang tahimik?







Argh. Ang sakit ng ulo ko.







Asan na ba si Mommy?







"Mommy? Mommy? Nasaan ka?"







Nandito pala ako sa kwarto ko. Ang naalala ko lang ay parang may humampas sa ulo ko kagabi. At wala na akong ma-alala.








Pagkatayo ko sa kama ko agad akong lumabas para hanapin si Mommy.










Hinanap ko na siya sa lahat ng sulok ng aming bahay, at ang huli kong napuntahan?










Ang kanilang kwarto nila Mommy at Daddy.










Papasok ko pa lamang, may naamoy akong kakaiba..







Parang dugo?







Pumasok na ako pero di ko siya makita..








Tapos yung gamit na iniimpake niya kagabi nandun pa sa kama niya ...









Akala ko ba aalis na kami?









Pinuntahan ko yung maleta namin at binuksan, hindi pa tapos magimpake si mommy kasi kaunti pa lamang ang laman.








Wala pang mga damit niya. Habang hinahalungkat ko yung maleta may narandaman akong kakaiba sa likod ko at pinuntahan yun ...









Salamin lang pala.









Pero bakit basag? Parang hinampas ito.









Ang alam ko, hindi ito basag kagabi.








Napansin ko rin na... Ang daming bubog at basag na salamin sa sahig.









Tinignan ko yung salamin at nakita ko yung repleksyon ng sarili ko doon. Kalahati lang ang basag doon sa parteng ibaba.








Habang tinitingnan ko yung sarili ko may narinig akong mga kalabog mula sa kisame.








Palakas ito ng palakas.









Kaya pinuntahan ko iyon at dahil naka konekta ang closet ni mommy sa attic, at dun na ko dumaan sa closet niya .






Mukhang madilim kaya kinuha ko muna yung flashlight na nakapatong sa uluhan ng kama niya








Pagtungtong ko sa closet agad ng tumigil yung tunog.







At may masama akong kutob kasi dito ko naamoy yung parang dugong naamoy ko kanina.







Pag akyat ko sa attic, napaka alikabok at ang dilim dilim pa.







Tinutok ko yung flashlight ko sa dingding kasi may narinig akong tumakbo.








At tama nga ang hinala ko...












May dugo sa mga ding ding...









Sa sobrang takot ko agad akong bumaba pero ng bababa na sana ako may biglang tumunog mula sa dulo ng attic.










Tinignan ko muna ito.









May babaeng nakaputi at nakatalikod ito.






3rd Person's POV




Papunta na si Taylor sa babaeng nakatalikod doon sa sulok na kanilang attic, hinawakan niya ang balikat nito at ihinarap sa kanya.









Nagulat siya sa kanyang nakita.









Puno ng dugo ang muka ng babae at halos wasak na ung muka nito.









Wala ng bibig ang babae, at ito'y nakadilat na nakatingin sa kanya ...







Patay na ngunit nakadilat pa rin.









Dahil sa takot tumakbo siya pababa.






Nang nakababa na siya sa attic agad agad siyang lumabas para makaalis ng bahay nila.







Ngunit bago niya buksan ang pinto upang makalabas.








May bumulong sa kanyang mga katagang...

"Don't Look Back."








Alam niya na ito. Ito yung babaeng bata na nakita niya kagabi sa hagdan.  Medyo hindi niya makita yung mukha nito.









At dahil na curious, tumingin siya sa kanyang likod.








Nagimbal siya sa kanyang nakita. Nakita niya ang babae na nakita niya kanina sa attic, ay nandun na sa closet nagpupumilit pababa ng pagapang at nakatingin sa kanya.









Mga matang mapula at nananaliksik.






At tinituro nito si Taylor.








Dahil dito di makaalis sa kinakatayuan si Taylor na tila ba nanginginig ang tuhod ng dahil sa nakita niya...










The next thing she knew...









Yung babaeng nakita niya sa Closet...













Ay ang kanyang Ina ....





========

Authors Note:


Happy Halloween Guys !!! ^^


Abangan ang Chapter 1..

The Twisted TwinsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt