So... She knows where he is? Did she somehow dream up of Aidan, too? Like how I dreamt of him almost everyday? Tuwing nakikita ko kasi siyang kausap o kinakausap ni Aidan ay hindi siya mapakali at nag-a-ala kamatis ang kanyang pisngi. It's obvious that she has feelings for my boyfriend, there is no doubt on that.

I was lost in my thoughts but I still did suggest a thing... Hindi naman nakatakas ang pait sa boses ko.

“Ako nalang ang tatawag, Koring. Nasaan ba siya?”

Isang makahulugang ngiti ang iginawad saakin ni Uncle habang nakapulupot ang kanyang braso sa baywang ng asawa.

“Nakatulog po. Ang sabi niya ay iidlip lang siya at sabihin sayo na nandoon lang siya sa kanyang silid kapag hinanap mo, Ma'am.” Ani Manang Eva.

Tumango lang ako at pinasadahan ng tingin si Koring na ngayon ay nakayuko na sa kanyang kinatatayuan. Is she afraid of me? Is she thinking that I might scold her for knowing that she likes her boss?

Umakyat akong muli sa grand staircase upang puntahan siya sa kanyang kwarto. Malawak ang mansyon nila ngunit hindi mahirap hanapin ang kwarto ni Aidan.

Mumunting katok ang ginawa ko dahil ayoko namang istorbohin siya kung sakali. I don't want to be rude. Alam kong nakakapagod ang naging araw namin kahapon at maging kanina. Maaga siyang nagising para saakin dahil sa kanyang sorpresa. I understand that he's tired. He needs rest. He's still but human. I suddenly felt guilty.

Pero kung hindi ko siya gigisingin ngayon ay baka si Koring pa ang gumawa 'nun. Imagining him and her inside his room gives shiver to me. Kung bakit ako nagmamagaling ngayon sa paggising sa kanya ay hindi ko na alam. Ang alam ko lang ay ayokong may ibang nakakapasok sa kwarto niya maliban sa pamilya niya at ako lang.

Muli akong kumatok. “Aidan? Are you awake?”

Idinikit ko ang tainga ko sa pintuan upang marinig ang nangyayari sa loob ng mapagtanto kong may CCTV na nakatapat mismo sa pintuan ng kwarto niya. Dahan-dahan kong inilayo ang aking mukha sa pinto at medyo nilakasan na ang katok ngunit wala paring lumalabas o sumagot man lang.

Maybe he's still sleeping. Should I wake him up?

Bumilang muna ako ng sampung segundo matapos kumatok ng mas malakas kaysa kanina. I waited for him to open the door pero walang Aidan na nagbukas. Maybe he overslept.

Inikot ko ang door knob at nalaman kong bukas ang pintuan. Dumungaw ako sa loob at kaagad na umatake ang pamilyar na bangong kay Aidan ko lang naaamoy. The fresh manly and aftershave scent of him was all around the room.

Nilakihan ko ang awang ng pintuan. Sapat lamang upang makapasok ako. Dahan-dahan ako sa paglalakad dahil baka maistorbo ko siya kung sakali. I leave the door open.

Malawak ang kwarto ni Aidan. Mixture of white and gray paint gave color to the room. Katulad ng kwartong tinuluyan ko ay may veranda din ito. The floor was carpeted.

At the right side was a door which I guess was his bathroom, and on the left which I guess was his own walk-in closet. Marami ring kwadra ng paintings ang nakasabit sa pader.

Bumaling ang atensyon ko kay Aidan na nakadapang natutulog. Malalalim ang kanyang paghinga, sinyales na mahimbing parin ang kanyang tulog. Umangat-baba ang kanyang likod. Nag-alangan tuloy akong gisingin siya.

And he was topless for Pete's sake!

Halos hindi ako makahinga dahil sa nakikita. Ang mga biyak sa kanyang likuran ay nagkukumahog. He's only nineteen yet he has this beautifully sculpted body. No doubt, papasa ito bilang modelo kung mag-o-audition.

CHASEWhere stories live. Discover now