“Lead the way, then.”

Tumango lang ako at pilit na ngumiti.

Dahil hindi siya pamilyar dito ay hindi niya alam na papunta na pala kami sa memorial garden kung saan inilibig sina Mama at Papa. Hindi naman kasi halatang sa sementeryo ang punta namin dahil maayos na ang daan dito. Ang dating haunted street ay napatayuan na ng iba't-ibang mga stores at kung ano-ano pang mga pwesto.

“Kailan ka huling umuwi dito?” Tanong niya. Seryoso siya sa pagmamaneho kaya hindi na niya ako nagawang tignan.

Sumandal ako sa upuan tsaka pumikit. Bumuntong-hininga ako. “3 years ago.”

“Matagal na rin pala. Paniguradong miss ka na ng mga magulang mo niyan. Matutuwa sila kapag nakita ka ulit nila. Excited ka na ba?”

Excited na ba ako? Medyo. Oo. Hindi ko alam. Aware naman kasi ako na hindi ko na makikita ang magiging reaksyon ng mga magulang ko kung sakaling bibisitahin ko sila ngayon.

“Oo.” Sabi ko nalang.

Makalipas lang ang ilang minuto ay natanaw ko na ang gate ng memorial. Mulimg sumibol ang kaba ko lalo ng kumunot ang noo ni Aidan ng makita ang sign sa gilid ng daan.

Walang halos mga bahay dito dahil private property ang lugar. May iilang stores lang na nakapalibot sa sementeryo pero madalang lang rin silang magbukas.

“Doon ka nalang mag-park.” Tinuro ko iyong parking lot ng memorial.

Labis-labis ang kalabog ng puso ko ng makababa kami ng sasakyan niya. Hinawakan niya ang kamay ko ay dinama itong maigi. Napapansin niya sigurong kanina pa akong wala sa sarili.

“Malapit dito ang nilipatan niyo?”

Iginaya ko si Aidan sa loob ng memorial. Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga tanong niya. Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. At the same time, naiiyak ako kasi makikita ko na naman sina Mama at Papa.

“Parang ganon na nga. . .”

Sinalubong kami ng matandang guard doon. Kaagad niya naman akong nakilala. Madalas kasi ako dito noong kalilibing palang ng mga magulang ko. Halos dito na ako tumira noon dahil araw-araw akong nandito para kumain ng pananghalian at hapunan.

Simula kasi ng mawala sila ay pinabayaan na rin ako ng Lola ko. Hindi ko na siya nakita simula noon kaya binuhay kong mag-isa ang sarili ko. Mabuti at may mga mababait na kaibigan ang mga magulang ko kaya hinayaan nila akong pumunta sa kanila o kaya naman ay humingi ng tulong sa mga gastusin sa bahay.

Sa murang edad ay natuto akong magbanat ng buto at umasa sa sarili ko para makaraos araw-araw. Hindi naman ako tumigil sa pag-aaral dahil may pera namang naiwan ang mga magulang ko na pilit kong pinagkakasya noon. Mabuti nalang at sa mabuting kamay iyon ipinagkatiwala kaya hanggang sa naubis ay napakinabangan ko iyon ng husto.

Kung wala pang tumulong saakin upang makapag-aral ng highschool at college ay malamang nanatili lang ako dito at walang ganitong klaseng buhay ngayon.

“Matagal ka ring hindi nagpunta dito, anak. Kumusta ka na? Dalagang-dalaga ka na talaga.” Ngumiti si Tatay Rodolfo at mabilis akong niyakap. Tumingin siya sa kasama ko.

“Boyfriend mo ba itong kasama mo?”

Ramdam ko na humigpit ang hawak ni Aidan sa kamay ko. Naku! Ang akala niya siguro ay ito ang Papa ko.

“Opo.”

“Ganon ba? Sige. Paniguradong miss na miss ka na ng nga magulang mo. Hala! Sige at puntahan niyo na sila.” Tinapik lang niya ang balikat ko at hinayaan na kaming umalis.

CHASEWhere stories live. Discover now