Chapter 17: Ring

95.8K 1.5K 78
                                    

A/N:  Leave comments ah? Salamat!

Chapter 17: Ring

Rina's P.O.V

          "Rina!"

          Nagulat ako ng bigla na lang bumukas yung pinto ng kwarto ko saka noon iniluwa si JD.

          "Bakit?" tanong ko saka humarap sa kanya.

          Ibinaba ko muna yung librong binabasa ko. Ilang araw na din kasi akong nagmumukmok dito sa bahay. At isa pa, maganda kasi itong binabasa kong libro ngayon kaya hindi din ako makalabas-labas ng bahay dahil gusto ko 'tong matapos.

          "We're going out."

          "H-Huh?" hindi ko mapigilang mautal sa sinabi nya.

          Anong ibig sabihin nya sa going out? Going out na as in lalabas? O going out that means...date?

          Sa loob ng ilang araw magmula ng marinig ni JD yung isinigaw ko sa pagmumukha ni Renji, hindi ko mapigilang mailang sa kanya.

          Well, the fact that when we always see each other and he gives me that annoying grin every time, sino ba namang hindi maiilang di ba?

          Sa ginawa ko kasi, para ko na ding binenta yung sarili ko sa kanya.

          Na para bang lumalabas na patay na patay ako sa kanya...kahit hindi naman. 

          At isa pa, the girlfriend thing na sinabi nya sa akin, hindi pa din nagsisink in sa utak ko yung sinabi nyang 'yun. Na hanggang ngayon niyaya nya akong maging girlfriend nya leaving me no choice but to agree.

          Pero nitong mga huling araw din, madalas ang paglabas-labas ni JD sa gabi. Tapos uuwi sya na galit o di kaya may pasa sa mukha.

          I wonder kung nakikipag-away din sya dito sa Italy o kung may nakuha na syang kaaway dito.

          Well, hindi na ako magtataka doon dahil paniguradong maraming naiinis sa kayabangan ng tao na 'to.

          "You've been staying in this room for too damn much time! You need sunlight so we're going out!"

          Magsasalita pa sana ako kaya lang nakalapit na agad sya sa akin saka ako hinila paalis sa kama ko.

          "Ano ba! Wag mo nga akong hilain!" inis kong binawi yung kamay ko sa kanya.

          Is this how he treats his girlfriend? Huh! Great! How romantic of him!

          "You get dress. After five minutes I'll knock this door and if no one answers, whether you're still dressing, naked or what, I'm going to kick this door open. Got that?" mariing sabi nya sabay sara ng pinto.

          Nakatanga na lang ako doon sa pintong nilabasan nya.

          Grabe! Ganoon ba sya magyaya ng date sa isang tao?!

          'Rina, wag ka ng umasang yayayain ka ng date ni JD Villafuerte. Wala sa bokabularyo nya ang salitang yan at kahit kailan hindi nya gagawin yan. Lalabas lang kayo para magpaaraw, yun lang!'

          Napatingin ako sa labas ng bintana ng kwarto ko saka napakunot-noo. Sunod hinanap ng mata ko yung wall clock sa kwarto ko.

          "Magpapaaraw sa kalagitnaan ng hapon?" takang sabi ko.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon