XVI: Twist and Turn

Start from the beginning
                                    

"Anong sabi mo?" Tanong ko habang sinusundan ko sya ng tingin papalayo.

"Wala." Lumingon pa ito sabay ngiti.

Nag-init naman yung dugo.

"Bwisit!"
"Bwisit!"
"Bwisit ka talagang....grr!"

Kalabog ko sa table ko. Habang binubulong yung mga katagang yun.

Nadag-dagan ata yung inis ko sa kanya.
Okay na sana eh, Nakakainis lang, dahil hinahaluan ng kalokohan.
Akala ko concern ako sa kanya,
Di pala. Nakiki osyoso lang pala ako.

Anyway, di na siguro ma-aalis yung inis ko sa kanya. Sa simula't simula palang. (Read chapter II)

Napaka presko kasi.

Siguro di pa nya ipinapakita yung tunay nyang ugali.

Mabuti pa siguro, habang maaga pa ay lumayo layo na ako sa kanya.

Natapos yung araw.
Wala akong nagawa kundi mag- facebook
Mag check ng pictures sa instagram
At manood ng movie sa phone.

At hangang sa natapos yung araw.
Itong si kumag di na bumalik,
which is "buti naman" dahil
walang nambwisit sa akin.

"Miss Evangelista, tawag ka ni Boss." Dungaw ng secretary namin habang may hawak na papel.

Nagliligpit na ako noon para umuwi.

"Si Boss? Ay okay. Sige puntahan ko nalang sya."
Nasabi ko nalang habang isini-zipper yung bag at tumayo sa kinauupuan.

Then after, lumapit ako sa door kung saan yung office nya, hesitant akong kumatok, medyo nahihiya kasi ako lalo na pag boss.

Pero nauwi din sa pagkatok at pagpihit ng door knob.

"Ma'am tawag nyo daw po ako?"
Tawag ko sa naka upong babae sa table, seryoso ito sa pag susulat. Nang mag taas ito ng mukha, ngumiti ito sa akin.

"Oh Marie, please come in!"
Casual na sabi nito sabay tayo.
Then she offer the seat near her table.

"Please seat down. Kumusta ka?"

Napaisip ako.
"Wow! ibang klase ito. Boss na ngungumusta? Close kami?"

"O-okay naman po ma'am. Bakit
nyo ho ako ipinatawag?"
Sagot ko at agad na tanong na rin.

"Actually... Pinatawag kita because I'd like you to handle this project."

"Project?"
Bulong ko sa sarili ko.

May inilahad syang mga folder sa akin. Kinuha ko naman ito at napatingin sa kanya.

"Open it." Sabi nya with hand gesture pa.
Binuksan ko naman ito.

"Construction of Carmela Operational Building, City Tagbilaran, Bohol."

Nanlaki yung mga mata ko pagkakita ko sa laman ng folder.

"Bohol!

Napangiti ako kay mam Nancy with tantalizing eyes.
Isang opportunity kasi ito sa akin para maka-gain ng experience.
Hindi ko akalain na sa akin mapupunta itong project na ito.

"Thank you Ma'am!"Nasabi ko na lang. Lubos na pagpapasalamat ko kay boss.

"Oh mag start ka na right away. I-review mo ng maigi yung project. I trust you. Okay?."
Kindat na sabi ni mam Nancy.

"Yes Ma'am! Yes Ma'am! Di magkamaliw kong tango. Di ko kasi alam kung lulundag ba ako or yayakap sa kanya dahil sa sobrang tuwa.

"Congratulation Ms. Evangelista. Do your job well.O sya sige alas singko na.. di ko babayaran over time mo pag mag-exceed ka pa sa usual duty hour mo."
Biro ni mam sabay balik sa ginagawa nya.

Napahagik-hik ako ng mahina sa sinabi nya at nagsimula na akong lumabas.

"Sige po ma'am mauna na po ako. Maraming salamat po ulit."
Pa-alam ko nalang na may ngiti parin sa labi.

Paglabas na paglabas ko ng Pinto.

"Yes! Yes! Yes!" Nag sasayaw ako. Ikinendeng kending ko pa ang pwet ko sa sobrang tuwa. Napahinto lang ako nang makita
si Kean.

Oo si Kean. Narito pa pala ang loko.

"Galing mo palang sumayaw ah!"
Sambit nito na mukhang nang
a-asar.

Lumapit ito sa akin. Pero agad akong umiwas.

"Tse!" Ngayon ka lang ba nakakita ng nagsasayaw? Umalis ka nga sa harapan ko, sinisira mo yung maganda kong mood."
Sabay irap ko at flip ng mahaba kong buhok.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa mga oras na iyon. Eh bakit kasi naman sa dinami-dami ng makakita sa akin yung lalaking iyon pa.

Ano pa ba ang ginagawa nya dito ng gantong oras?
Tinalikuran ko na sya at dinedma. Kaya di ko na nakita ang itsura nya sa mga sinabi ko.

"Sungit mo talaga."
Rinig ko nalang na sabi nya. Di ko alam kung bulong ba iyon o sadyang pinaririnig sa akin.

____________end of this chapter____________

Twenty Fifth and ForeverWhere stories live. Discover now