Chapter 13 ♬ You Captured Me

Magsimula sa umpisa
                                    

Isa siya sa mga taong iyon.

Tumunog ang stop light at naging kulay berde, hudyat na kailangan na naming umandar. Sinimulan kong muli ang umandar noong bigla akong may narinig na busina sa tabi ko. Nakabukas ang mga bintana ko kaya kitang-kita at dinig na dinig ko ang lakas ng mga tawanan nila na tila ba nang-aasar.

"Hoy bata! Ano kakasa ka ba ha? Pabilisan tayo. Ipupusta ko itong kotse ko kapag nanalo ka. At kapag ako ang nanalo. Akin na 'yang kotse mo!"

Diretso lamang ang tingin ko sa harap, walang balak kumagat sa pain nila. Matiwasay lamang akong nagmamaneho roon nang bigla na lang silang lumiko na tila ba gusto nila akong banggain kaya agad ko rin itong iniwas para hindi nila ako mahagip. Ang tawanan nila ang namamayagpag kasama ng malamig na hangin sa gabing ito. They are teasing, forcing me to join their stupidness. Napailing ako sa sarili at tiim-bagang hinawakan ang kambyo at manibela ng napakahigpit. Tinapan ko ng madiin ang gas pedal at mayamaya pa ay rumaragasa na ang kotse ko sa gitna ng daan dahil sa tulin ng takbo nito.

Mas lalong nasabik ang mga lalaking ito dahil sa isip nila ay pumayag na rin ako sa gusto nilang mangyari. Ngunit nagkakamali sila. Sabihin na lang nating may kailangan din akong makuha mula sa kanila.

Sa bawat minutong lumilipas ay pabilis ng pabilis ang takbo ng kotse ko. Nahuhuli na ang mga kalaban ko, ang kaninang tawanan ay napunta sa pagka-inis at pagkamuhi. Pinagmamasdan ko lamang sila roon sa may rearview mirror habang sapilitan nilang pinapantayan ang takbo ng sasakyan ko. Noong wala na silang magawang paraan ay bigla nilang binangga ang kotse ko mula sa likod. Hindi ako mabilis na nakailag kaya napunta ang kotse ko sa kabilang lane. Tiim-baga kong pinaikot ng mabilis ang manibela at mayamaya ay saka rin sila binangga pabalik. Pantay na kami ng takbo ngayon at nagkakaroon na kami ng seryosong girian sa daan.

Nabubuo ang ilang maliliit na pag-alab ng pinagkiskis na bakal ang mga sasakyan namin. Nakakabingi ang ingay nito, idagdag mo pa ang gulong namin na pilit na kumakapit sa daan sa bilis ng pagpapatakbo ng mga hawak naming kotse.

Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo namin ay hindi ko na sigurado kung tama pa ang nililikuan ko. Agad kong ibinalik ang focus ang sarili at lumiko sa planadong daan na kanina ko pa pinag-iisipan, katulad ng inasahan ay sinundan nila ako. Nagkaroon pa ng maraming banggaan sa pagitaan namin, mga alanganing pagliko at mga sigawan sa panig nila na akala mo mga siraulo na nakatakas sa mental. Hanggang sa hindi namin namalayang nakaabot na kami sa isang pantalan. Malakas kung pinahinto ang sasakyan na may kasamang huling pagliko. Hinarangan ko ang labasan ng kotse nila noong makapasok sila tulad ko. Wala nang lugar upang dumiretso, this place was the dead end.

Lumabas ako ng kotse at nakahalukipkip na sumandal sa aking kotse. "Paano ba 'yan? Natalo kayo. Nandito ako para kunin ang premyo ko."

"Premyo mo mukha mo! Walang napag-usapang gano'n!"

Napasinghal ako ng tawa. Hindi umabot ang ngiti sa aking mga mata. "Nanggaling pa mismo sa mga labi mo kanina, akala ko ba leader ka ng isang gang? Gang leaders was known for sticking up with their promise until the end. But clearly, you are honorable enough to handle one."

"A-alam mong parte kami ng g-gang?"

Ngumisi ako sa kanila. Ngising nakakatakot. "Of course, your small gang is under Black Savage right?"

"Paano mo nalaman? K-Kung gano'n, wala ka talaga balak kunin ang kotse namin ano? You just lured us here!"

"Nakakatawang isipin na kumagat talaga kayo sa pain ko. You think I like that trash of a car? I don't need it. I have lots of it."

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon