Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35

Start from the beginning
                                    

Pero okay na rin siguro na nasira ang moment namin ngayon ni Lianne para mapaghandaan ko pa sa susunod ang mahaba-habang usapan namin. Mukhang hindi rin naman siya naniwala sa sinabi ko kanina.

"Tara na po!" excited na sabi ng bata at kumapit pa siya sa braso ni Lianne at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Bale nasa gitna namin siya.

Feeling close siya pero in a good way naman dahil nakakaaliw siya. Siguro ay dahil na rin cute siya at nakakahawa ang saya niya.

Nakita ko ang magandang ngiti ni Lianne dahil sa bata. And I think, I should just enjoy this game, too.

Nagpunta kami sa volleyball court na parte pa rin park na katabi lang din ang basketball court. Puwede rin itong gawing badminton court at sepak-takraw court.

Nagdadaldalan silang dalawa habang wala akong imik. Hindi kasi ako maka-relate sa mga pinag-uusapan nila. It's all about girl stuffs and all.

"Kuya Mark, kampi kami ni Ate Lianne, ha?"

Tumango lang ako sa batang may matinis na boses. Ayoko rin naman maging kakampi iyang bata na 'yan. Baka tumili lang siya nang tumili at matulili ang tainga ko. Kawawa naman siya kung kami ni Lianne ang nagkakampi at mukhang magiging kawawa rin ako kung sakali dahil baka mukha ko ang ma-spike ni Lianne. Kaya mabuting ako na lang mag-isa.

Pumwesto na ako habang si Lianne naman ay nag-i-streching sa isang tabi at ginaya siya ng bata.

Napailing ako. Kanina pa kasi ako 'bata' nang 'bata' sa batang 'yon. Ano nga ba kasing pangalan ng niya? Hindi ko talaga maalala! Mabuti pang mag-stretching—

"Game na!" Hindi ko pa man nagagawa ang dapat ko pang gawin ay narinig ko nang sigaw ni Lianne.

Naikamot ko na lang sa ulo ko ang nakataas na kamay na sana ay uumpisahan ko nang i-stretch. Pero kahit ganoon, hindi na ako nagreklamo. Game na daw, eh. Baka samain ako kapag umangal pa ako. Mukhang atat na si Lianne maglaro. I wonder kung ilang buwan na siyang hindi nakapaglaro. Dahil kung matagal-tagal na, mukhang mayayari ako.

"Ang matatalo sa 'tin, susundin ang gusto ng mananalo!" sigaw ulit ni Lianne habang dini-dribble niya ang bola at ngumiti pa siya.

Sa klase pa lang ng ngiti niya, hindi ko alam kung tama pa bang ituloy ang larong ito. Pero nandito na ako. Diyahe naman kung bigla na lang akong uurong. Kaya bahala na...

Tumango na lang ulit ako at naging seryoso ang mukha niya. Hindi ako nagpatinag kahit alam kong seseryosohin niya ang laro. Ang kailangan ko lang naman sa mga oras na ito ay... maghanda sa kung anumang gusto niyang ipagawa pagkatapos kong matalo!

Nagpunta na siya sa labas ng court para i-serve ang bola. Naghanda ako sa pagsalo at naibalik ko naman sa kanila ang una niyang tira.

Nice try, Mark. Just relax...

Si batang cute naman ang sumalo ng tira ko and again, natira ko ang bola pabalik sa kanila. Kay Lianne papunta ang bola. She jumped to spike the ball and I ran to get it. Suwebe lang ng bagsak ng bola sa braso ko. Ang lakas pala ng palo niya sa bola kahit parang walang ka-effort-effort ang ginawang niyang pagpalo.

Nagtuluy-tuloy lang ang game. Walang gustong maka-miss sa bola. Kahit si batang cute na may matinis ang boses ay magaling din palang maglaro. Pero habang tumatagal ay nate-tense ako dahil na rin sa ekspresyon ni Lianne. Mukha na siyang naiinip sa laro namin. At hindi nga ako nagkamali dahil sa muling pag-spike niya, sobrang lakas ng palo niya at nang masalo ko iyon ay tumalsik lang sa kung saan dahil sa impact. Out ang bola, score nila.

Malas! Parang pinanggigigil ni Lianne ang bola. Namumula na kasi ang mga braso ko at mukhang mapula na rin ang palad niya.

"No match..." narinig ko pang usal niya.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now