[ELLA]

"Ella, Ella. Hey, Gising." tawag sakin ng isang boses habang marahan akong tinatapik. Unti unti naman akong nagmulat ng mata, hindi ko nga narealize na nakatulog na pala ako. Kahit half awake ako, nagawa ko pa ring umusal ng, "mmmm?" sa taong gumigising sakin.

"Thank God! Akala ko di ka na magigising, kanina pa kita sinusubukang gisingin pero ayaw mo pa ring magising." Tapos niyakap na lang ako bigla. I smell the familiar scent of his perfume, di ko lang mapagtanto kung kelan o kung saan basta feeling ko familiar ang lalaki-! Nanlaki ang mata ko nung mag-sink in sakin ang ginagawa ng lalaking to. Niyayakap niya ko. Teka, sino ba to?! Kumalas ako sa pagkakayakap saka ko tinignan ang itsura ng kung sino mang lalaking bigla bigla nalang nangyakap. Nababakas sa pagmumukha nito ang sobrang pag-aalala, nakakaawa ang itsura niya. Nagulat ako nang marealize ko kung sino.

"Sir?" sabi ko. Nag-iba naman ang timpla ng itsura niya parang nabuhusan sya ng sangkaterbang yelo nung banggitin ko ang salitang Sir sa kanya, parang nawala ang pag-aalalang unang nakapaskil sa mukha niya. Bakit?

"Ah.. Yea. Sir." sabi niya tapos pilit na ngumiti sakin.

"Bakit sir may problema ba?" tanong ko.

"No, nothing... Just nevermind. I'm just happy your awake." sabi niya na nagpupumilit pa ring ngumiti. Grabe si Sir, di ko maintindihan. Ang gulo niya or I'm just making it magulo sa sarili ko?-Aish! Kumuconyo nanaman ako.

Lumingon lingon ako sa paligid. Madilim, para kaming nasa ilalim ng lupa, parang cave na tinabunan ang labasan ng malalaking bato tapos may kokonting ilaw na tumatagos sa mga batong nagkukumpulan. Hala! Di ko alam ang lugar nato.

"Sir, pano tayo nakarating dito?!" naalarmang tanong.

"Kidnap?" unsure na sagot niya.

"Kid--" naputol ako nang may bigla akong maalala. Tama! Kidnap nga, may nagtakip sa bibig then out. Nagising nalang akong ganito. Natatakot ako.

[LAURENCE]

Sir?

Sir?

Sir?

Nagpaulit ulit sa isip ko ang salitang binitawan niya.

'Ang tanga mo Laurence! estudyante mo yan teacher ka lang niya. Hindi sya yan at kailanman hindi na sya maaring mabuhay pa.' I was mind kicking myself. Nababaliw na kasi talaga ang sarili ko, di ko na alam ang gagawin ko. Masakit pa rin kasi talagang aminin na kailanman hindi ko na siya makakasama. I wanted to move on but my heart keeps on telling me not to. Ang hirap palang ganun, patuloy kang umaasa. God, It's been years!

"Rence, Ang ganda ng flower oh!" nakangiting sabi niya habang nakaupo sa gitna ng naggagandahang bulaklak na kasing ganda niya.

"That's carnation." nakangiting sabi ko habang unti unting lumalapit sa kanya.

"Wow, Sana bulaklak nalang ako." sabi niya.

"Huh? Bakit naman?"

"Para maging kasing ganda din ako ng carnation na'to." Pinitas niya ang carnation saka humiga nang nakataas ang kamay na may hawak ng carnation. If only she knew how beautiful she is. She's the goddess of beauty in my eyes.

"Ayokong maging bulaklak ka." sabi ko.

"Bakit naman? ayaw mo nun parati nakong maganda?" inosenteng tanong niya. Hays.

"Maganda nga, di naman nakakausap, nalalanta rin." sabi ko at dinaluhan na sya sa paghiga sa beds of flowers na ginawa niya. Humarap sya sakin saka nagpout. "Kung magiging flower man ako, ako yung flower na kailanman hindi malalanta.. patuloy akong magbo-bloom at each and everyday maganda ako at patuloy akong mabubuhay forever." nakatawang sabi niya.

Lost Academy Where stories live. Discover now