SPECIAL CHAPTER 2

877 37 52
                                    

What did he see at Jisoo's house?


Nginitian ko ang guard na nakatambay sa guardhouse sa tabi lang ng gate ng subdivision na tinitirhan ni Jisoo. Ngumiti naman ito pabalik sa akin. Mas lalo akong napangiti ng matamis ng may maalala ako.

Kaya pala hindi ako pinigilan at tinanong ng guard ng pumasok ako dito para puntahan si Jisoo ng maysakit siya dahil matagal na pala akong pumupunta dito. Kilala na pala nila ako. At alam din nilang kasintahan ako ni Jisoo. Ang di lang nila alam ay lalaki talaga ako. 😜

"Good morning, ma'am," bati niya sa akin ng makadaan ako sa harapan niya. 😂😂

Napatango na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ang sarap ng feeling na tinuturing kang babae, e, no? 😉

Last time I went here ay nung nagkasakit si Jisoo, tapos di na nasundan pa. Siya na kasi lagi ang nasa apartment at nakikitulog pa sa kama ko. Napalipat tuloy ng kwarto ang bunso namin (Seungkwan).

Tapos nung bago ako makaalis, may nadiscover pa ako. Kung dati, kinikilabutan ako, well, ngayon ay parang na-e-excite na akong malaman kung bakit may ganun ako sa bahay niya. At saka gusto ko ulit tingnan. Para kasing sinasabi nun na napakaganda ko at napakagwapo at the same time. Naks! ☺☺

Pero ang gwapo ko talaga doon. Makaselfie nga sa kwartong yun. 📱📱👼

Ano kayang problema ni Jisoo at nagtago ng ganoong kwarto? Ganun niya ako kamahal? Parang dedicated sa akin eh. 😂 At hihingin ko na rin yung isa sa mga yun. Ang gagwapo eh.

Tumigil ako sa harap ng bahay niya at nagdoorbell. Wala pang isang minuto ay naririnig ko na ang boses niya.

"Coming!"

Hinanda ko na ang napakaganda kong ngiti para naman pagbukas niya ay maganda agad ang makikita niya. Dapat lang na maganda ang deskripsiyon niya sa akin ngayon dahil kung hindi, ibebreak ko siya. Nag-ayos pa ako para sa kan—

"Uhm, hi?," he greeted.

Mas lumuwang ang ngiti ko. Lumapit ako sa kanya at hinila ang batok niya para halikan. Ang kaso, bago dumikit ang labi ko sa labi niya, tinulak niya na ako.

"God!," he exclaimed. Parang tangang sumilip-silip siya sa labas na para bang sinisigurado niyang walang nakakita ng ginawa ko. Napatingin tingin din tuloy ako bago bumaling sa kanya.

"Anong problema mo?," nagtatakang tanong ko.

Napatingin siya sa akin na parang isa akong foreign thing sa paningin niya. "You! You are my problem!," sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko at napaturo sa sarili ko. "Ano na namang kasalanan ko?," gulat kong tanong. "Teka nga, kinakahiya mo na naman ba ako, ha?"

He frowned. Unti-unti siyang lumayo sa akin. Tapos ng akmang hahawakan ko siya ay umiwas siya. Naiinis na napatitig ako sa kanya.
"Ano bang problema mo?"

"I should be the one asking you that!," he shouted.

Napamaywang ako. "Pinagtritripan mo ba ako?"

memory card • jihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon